Separated Love by larajeszz Chapter 21 Halos 1 A.M. na kami nakabalik sa tent namin dahil sa mga activities at talks na nangyari kagabi. Tita Mariel was such a good speaker! Nagsalita siya about self-motivation, building relationship with other people, and unity. After ng session niya ay nagkaroon siya ng palaro per section para sa lahat ng campers. We were asked to get our own monoblocks from the side of the gymnasium. Then, she instructed us to form a one big circle with our chairs. Pinatayo niya kaming lahat sa mga ‘yon at pumili siya sa kada section ng dalawang tao na pipiringan ang mga mata, dalawa na tatakpan ang mga bibig, at isa na itatali ang mga paa. Wala akong ideya sa kung ano ang posibleng maging laro dahil first time ko ito, habang ang ilan naman sa mga kaklase ko ay nag

