Chapter 23

1866 Words

Separated Love by larajeszz Chapter 23 Hindi lang naman dahil sa nararamdaman ko kaya ako nauwi sa desisyon na 'yon. Ang totoo n'yan ay may isang tao akong naaalala habang pinag-iisipan kong mabuti kung ano ba ang dapat kong gawin. Isang tao na sobrang malapit sa puso ko kaya alam ko kung ano ang pinagdaanan niya. At ang taong 'yon ay walang iba kun'di ang lolo ko. Bata pa lamang kami ni Kuya Jaywen ay alam na namin kung gaano nangungulila si Lolo na makasama ulit ang lola namin. Maaga kasing nawala si Lola dahil sa lung cancer. Hindi ko na siya naabutan at tanging si Kuya Jaywen lamang ang may alaala kasama siya sa aming magkapatid. Sa karamdaman na mayroon si Savanna ay naisip kong ano ang karapatan ko na kunin sa kaniya ang kasiyahan niya na makasama niya ang minamahal niya sa mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD