Disclaimer
No part of this book may be reprinted or reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
_____________________________________________
Beka's point of view
Nasa kahimbingan ako ng tulog ng maramdaman ko na parang may malamig na bagay sa aking mukha. Pagmulat ko ay si Tonya na idinikit sa mukha ko ang hawak niyang ice water.
"Ano ba Tonya" Inis na sambit ko sabay pinunasan ang aking pisngi.
"Hoy bumangon kana diyan, ikaw talaga kung saan-saan ka nalang natutulog. Paano kung wala ako sa tabi mo? hindi ka pa ba nagkaroon ng trauma nang muntik ka nang magahasa sa pagiging sleeping beauty mo. Talo mo pa ang naka drugs ah!"
"Kasama naman kita kaya alam kong safe ako."
"Hay naku pumunta tayo dito sa dagat para mag celebrate sa kaarawan mo at pagtatapos natin bukas hindi yung bantayan kita dito para matulog. Paano yan, uulan na ata hindi pa tayo naliligo. Sayang nagdala pa man din ako ng swimming suit ko."
"Maligo ka na saglit, tinatamad ako eh."
"Baliw talaga ito, ang lakas ng alon na oh. Gusto ko pa man din na ka bonding kita bago ako umalis."
"Ano, saan ka pupunta?"
"Mamasukan na sales lady sa Manila. Sayang naman ang beauty ko kung mabubulok lang dito sa probinsya. Papasok sana ako na katulong sa mga Del Mar pero ang baba ng pasahod nila. Ayokong matulad kay Tita na tumanda na sa mga Del Mar ay seven thousand palang ang sahod."
"Sama ako saiyo." Agad na sabi ko at napa-upo.
"Hindi kita pwedeng isama para ano bantayan kita sa pagtulog mo? Bes Manila yun maraming tao at mabilis daw ang oras doon."
"Kahit si Inay gusto niyang umalis na sa mga Del Mar pero paano? Ang sahod niya na limang libo ang bumubuhay sa amin."
"Sagutin mo nalang kaya si Boyet, malawak ang tubuhan nila sigurado ako na maging maganda ang buhay mo sa kanya." Napahinga naman ako ng malalim sa sinabi ng kaibigan ko. Kaibigan at kababata din namin si Boyet pero ang sungit ng Ate niya.
"Ang bata ko pa para mag-asawa, isa pa ang sungit ng kapatid niya baka gawin lang akong katulong sa bahay nila."
"Eh do magpatayo kayo ng sarili ninyong bahay."
"Hay naku Tonya, ayoko at isa pa papayag ba ang pamilya niya eh wala namang trabaho si Boyet umaasa lang din siya sa mga magulang niya.
"Basta ako, mag-aasawa ako ng mayaman sa Manila at pagbalik ko ay hu u ang mga kabitbahay na madamot at mga chismosa."
"Bakit ano na naman ang chika nila saiyo?"
"Girlfriend daw ako ni Kapitan. Porket kinausap lang ako ay kasintahan na agad hello! mas matanda pa yun sa tatay ko. Nimal ng mga chismosa na yan tulad noong isang buwan nagkasabay lang kami na naglakad ni Sir Jerome aba pinagkalat na naman na kabit ako ni Sir. Bakit puro matatanda nalang ang ipinaparehas nila sa akin." Natawa naman ako sa sinabi ni Tonya. Pero sa mga titig ni Kapitan at Sir Jerome sa kanya ay halatadong may gusto sila sa kaibigan ko. Maganda kasi ito at sexy lalo na at mahilig mag suot ng maiikling damit.
"May kaya naman si Kapitan ah, bakit ka pa lalayo kung gusto mong yumaman?"
"Gusto ko din na masarapan ako sa makauna sa akin ano." Ani niya pero pabulong lang. "Tsaka na ako papatol kay kapitan kapag nag enjoy na ako sa buhay ko at wala talagang patutunguhan ang buhay ko. Tsaka ko na siya babalikan yung malapit na siyang ma tengga at hindi makabaon na. Ano siya sinuswerte na makuha niya ang ka freshness ko. Habang siya ay marami nang napasukan na butas. Kilala naman natin si Kapitan na kahit noong buhay pa ang asawa ay marami nang kabit. Susubukan ko na muna ang buhay Maynila. Malay mo ma discover akong artista."
"Sabagay Tonya maganda ka, huwag mo lang ibukas ang bunga-nga mo dahil sa kapangkrahan mo ay baka mapaaway ka pa doon."
"Basta kung mayaman na ako babalikan kita."
"Sigurado ka?"
"Oo ikaw ang magbabantay sa anak ko kung tulog para pareho kayong tulog." Sagot niya at nagtawanan na kami.
Napagpasyahan namin na umalis na dahil lumalakas na ang ihip ng hangin. Naglakad nalang kami at masayang nagkwentuhan hanggang sa unang nakarating ako sa bahay.
Wala pa si Inay kaya napagpasyahan ko na magluto na. Hindi talaga ako umalis sa kusina dahil minsan habang nagluluto ako ay nahiga ako sa sala. Hindi naman nasunog ang niluto ko kundi nawalan ng apoy kaya hindi naluto.
Ilang saglit lang ay narinig ko na nagbukas ang aming pintuan, sumilip ako at si Inay ang dumating. Mukhang pagod na pagod ito na umupo.
"Inay." Sambit ko na agad lumapit sa kanya. "Mukhang iba ang pagod nating ngayon ah."
"Oo, anak ako ang natoka doon sa kwarto ni Sir para linisan dito na daw siya titira sabi ni Madam."
"Hindi po ba nadisgrasya yun Nay?"
"Oo at nag hahanap sila ng mag-aalaga sa kanya."
"Ako nalang Nay." Mabilis na sabi ko.
"Kaya mo ba? baka tulugan mo lang."
"Kaya ko Nay, naka upo o naka higal ang naman yun hindi ba?"
"Oo anak, pero mana yun kay Madam masakit din magsalita.
"Kaya ko Nay, kayo nalang dito sa bahay at ako naman ang mamasukan. Magkano ba ang sahod?"
"Limang libo sa isang buwan pero libre daw ang pagkain."
"Hindi po ba ang minimum na sahod ay pitong libo na?"
"Hay naku anak, kuripot ang mga Del Mar kahit nag uumapaw ang pera nila kaya huwag ka nang umasa. Sige anak, dito nalang ako sa bahay may naipon naman ako ng konti kaya mag tinda nalang ako. Mukhang lumalala ang panginginig ng kamay ko." Sabay pinakita ang kamay ni Inay na kulubot at pawisan
"Araw-araw ba talaga kayo na mamalantsya Nay?"
"Oo anak, pati mga kumot at lahat nalang na ginagamit sa mansyon nila ay pinaplantsya ko tapos maglilinis pa ako kaya lumala ang pagka pasmado ng kamay ko. Eto pala anak, dumaan ako sa palengke kanina bumilo ako ng bistida mo para sa graduation mo bukas."
"Masamahan mo ba ako Inay?"
"Oo naman anak, kaya nga tinapos ko na lahat ng trabaho ko kanina kahit na lugi na ako dahil ang hindi ko pagpasok bukas ay ikakaltas sa sahod ko."
"Hindi bale Inay, mag titipid ako ng dalawang taon para maka pag-aral din ako ng kolehiyo at maging sikat na doctor."
"Doctor ba kamo?mahal ang kurso na yan anak at baka tulugan mo lang ang mga pasyente mo." Natatawang sabi ni Inay.
"Nay hindi naman ako mag babantay sa mga pasyente ako lang ang mag oopera."
"Sige lang anak, yan ang libre sa atin ang mangarap. Paano ka pala mag doctor eh puro pasang awa ang mga grado mo?"
"Nay sa pag dodoctor hindi ko na kailangan na malaman kung sino ang pumatay kay Magellan at sa mga solving problem na yan."
"Hay naku anak, Syempre yun ang mga basic na dapat mong matutunan. Kaya ba puro tulog ka nalang sa room ninyo? napagod na ang mga guro katatawag sa akin sa school ninyo. Naka tapos ka ng high school na kompleto ang attendance mo kaya nga lang pero tulog naman ang ginawa mo. Kung may pangarap ka anak dapat samahan mo ng sipag, tiyaga at dasal."
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Inay at binalikan ang aking niluluto sa kusina.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Inay. "Anak, Gusto mong pumasok sa mga Del Mar pero ako parin ang gumigising saiyo? Paano na kung stay ka sa kanila?"
"Bibili ako ng alarm clock ko Nay." Sagot ko naman na bumangon na.
"Kahit talaga kailan may reason ka lagi. Bukas dapat mag umpisa ka nang magising ng maaga yung hindi na kailangan na gisingin pa kita. Hay naku anak, hindi malamon na salita ang matatanggap mo kung ganito ka sa bahay ng mga Del Mar."
"Bakit Inay, napagalitan na ba kayo?"
"Hindi pa naman, pero yung mga kasama ko. Maganda ang record ko doon sa Mansion anak kaya sigurado na ikaw ang mapipili na mag-aalaga kay Sir."
"Nay, nakita na ba ninyo siya?"
"Oo anak pero binata pa siya noon at ilang taon ka palang noon. Ang sungit na lalaki anak, ni hindi marunong ngumiti. Manang-mana sa pinagmanahan niya. Maligo ka na, hindi ba alas nwebe mag umpisa ng program ninyo? Alas syete na ng umaga hindi ka pa kumain."
Sa narinig ko ay patakbo na akong pumunta sa maliit naming banyo. Kung buhay pa sana si Itay ay hindi kami ganito. Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay kumain na kami ni Inay.
"Bagay na bagay saiyo ang damit mo anak. Lalo kang gumanda, may nanliligaw na ba saiyo?"
"Mayroon naman Nay pero bata pa ako, ang goal namin ni Tonya ay magpayaman na muna."
"Magpayaman talaga? Hay naku anak tayo na at baka mahuli na tayo. Sumakay nalang tayo ng tricycle para hindi ka pag pawisan. Sayang naman ang ayos mo ngayon kung pagpapawisan ka lang."
Sumakay nga kami ng tri-c ni Inay kahit na kinse minuto lang ang aming lalakarin sa school.
"Nay sayang ang pamasahe." Bulong ko sa kanya ng naka sakay na kami.
"Graduation mo ngayon anak, mahirap na baka mapagod ka sa paglalakad at maka tulog ka sa Graduation ninyo." Natatawang sagot niya kaya natawa na rin ako.
Pagdating namin sa school ay masigla akong naki pa-usap sa aking mga ka klase hanggang sa dumating na rin ang bbf ko.
"Tonya ang ganda mo!" Sigaw ko dahil make up ito habang ako ay pinaglipstick lang ni Inay. Tas ang lispstick na rin ang ipinahid ko sa aking pisngi at sa palibot ng aking mga mata.
"Syempre dapat maganda ako ngayon." Sagot niya na nagpahaba pa ng kanyang mga kilay. Napangiti nalang ako at nagpa-alam na kami sa aming mga magulang na pumunta na sa aming mga upuan. Sa harapan umupo si Tonya habang ako ay nasa gitna.
Nagsimula na ang program at nang nagsalita na ang guest namin ay hindi ko na mapigilan ang aking mga mata hanggang sa nakatulog na ako.
"Anak, gising!" dinig ko na boses ni Inay na kinurot pa ako.
"Aray naman Nay!" bulaslas ko at nagtawanan ang mga tao. Napakagat labi ako dahil graduation pala na namin at nakatulog na pala ako.
"Ikaw talaga bata ka, halika na kanina pa tinatawag ang pangalan mo." Tawanan parin ang mga tao habang ang mga naging advisers ko ay napapailing nalang. Natapos ang graduation namin at nagpa-alam na si Tonya sa akin.
"Paano yan, wala ka nang bbf na magbantay saiyo. Sinasabi ko saiyo Beka, huwag na huwag kang matutulog na wala kang kasama at dapat babae ang kasama mo."
"Ngayon ka ba talaga aalis?" Malungkot na tanong ko.
"Hindi ba sinabi ko na saiyo, kaya mga may date tayo kahapon pero tinulugan mo lang ako." Pataray na sagot niya.
"Sorry na, kailan ka babalik?"
"Babalik na agad hindi pa nga ako naka-alis."
"Ma mi miss kita eh."
"Ma mi miss din kita friend kahit na taga bantay mo lang ako kung tulog ka. Hindi bale, wala na ako dito. Ikaw na ang pinakamaganda sa atin. Malay mo saiyo bumaling si Kapitan." Natatawang sagot niya at agad naman akong napangiwi.
"Huwag na uy, tatandang dalaga na lang ako." Sabay kaming nag tawanan hanggang sa lumapit na si Boyet.
"Beka, para saiyo." Sabi niya sabay abot ng bulaklak.
"Hoy Boyet, kaibigan mo din ako bakit wala sa akin?"
"Bakit babae ka ba?"
"G*go!" Sagot ni Tonya at napatawa ako. Babaeng-babae naman kung magdala si Tonya pero hindi ko alam kay Boyet kung bakit lagi niyang napagkakalaman na tomboy ang kaibigan namin. Matabil lang naman ang dila nito at palaban.
Nagpasalamat ako sa bulaklak na ibinigay ni Boyet, niyaya niya kami sa kanilang bahay dahil may handa daw siya pero hindi kami sumama ni Tonya lalo na at baka kung ano na naman ang sasabihin ng ate niya.
"Boyet, aalis na ako mamaya kaya hindi na ako makapunta sa bahay ninyo. Si Beka nalang ang isama mo."
"Hindi ako maka punta boyet dahil baka makatulog lang ako doon nakakahiya." Agad na sabat ko.
"Bahay naman namin kaya hindi ka mapapahamak."
"Sorry talaga." Sagot ko, nagpa-alam na si Tonya kaya nagpa-alam na rin ako kay Boyet. Pinuntahan ko si Inay na kausap ang aming adviser.
"Salamat po Ma'am." Dinig ko na sabi ni Inay ng papalapit na ako.
"Ikaw bata, muntik na pala na hindi ka naka graduate. Naawa lang ang teacher mo saiyo!" Salubong ni Inay sa akin. Sasagot sana ako pero pinalakihan ako ng kanyang mga mata kaya tumahimik nalang ako. Mahirap nang makurot sa singit.