Beka's POV Dinig na dinig ko ang usapan ng dalawa, grabe naman yung babae gusto niyang ipaako ang baby niya Kuya. Pagkasarado ng pintuan ay nagkuwari akong abala sa paglilinis ng mesa. "Ikaw kung mabubuntis ka, siguraduhin mo na kasal na muna kayo ng lalaki. At dapat mahal mo ang papakasalan mo!" Masungit na sabi niya at pumasok na sa kanyang kwarto. Napanguso tuloy akong sinundan siya mula sa kanyang kwarto dahil bakit ako? tahimik lang naman akong inililigpit ang kalat namin. Nang maitapon ko na ang mga cartoon ay pumasok na rin ako sa aking kwarto pero bumalik din sa sala dahil nakalimutan kong patayin ang ilaw. Natulog na ako at kinabukasan pagka gising ko ay may magandang babae na ang nag hihintay sa akin sa sala. Siya daw ang sekretarya ni Kuya at iniwan siya para samahan niya ako

