Beka's POV Kinakabahan ako na makita muli ang mga pamilyang matapobre pero kailangan ko na din siguro na maharap sila para mas magkaroon na ako ng tahimik ng buhay at matuldukan na lahat. Hawak ni Lola ang aking kamay habang si Brandon ay nasa aking likuran pero ang kamay niya ay nakahawak sa aking balikat. Pagpasok namin ay parang ayaw humakbang ng aking mga paa. "Kaya mo yan apo, nandito lang kami ng apo kong si Brandon." Bulong ni Lola. Habang naglalakad kaming tatlo at dama ko ang titig sa akin ni Jace. Pinilit kong huwag siyang tignan at ibinalik ang aking mga paningin sa mga ibang tao sa restaurant. Tumayo ang mommy ni Jace at ang ex nito. "Hi there Mr. Razon, kasama mo pala ang Lola mo." Ani ng Mommy ni Jace. "And this is your girlfriend right?" Tanong na napatingin sa akin. "S

