Beka's pov Nang nakarating kami sa kusina ay bigla nalang akong iniwan ng mga kasama ko. Napatingin ako sa mesa na hindi pa naligpit at ang mga hugasin sa lababo. Pakiramdam ko ay sinadyang iwan lahat sa akin. Ang mga nasa lalabo na lang muna ang aking huhugasan dahil puro ginamit sa pagluluto ang mga ito. Ang problema ko ay kung saan ko sila ilalagay dahil wala naman akong alam kung saan nila pinaglalagay ang mga gamit sa kusina. Sa sahig ko na muna inilagay ang mga ito at kinuha ko ang mga pinagkainan nila sa mesa. Ingat na ingat ako dahil mukhang mamahalin ang mga plato at baso. Habang nag huhugas ako ay parang may tao sa likod ko. Paglingon ko ay si Kuya Roy pala. "Beka, ang dami mo namang huhugasan." Ani niya na lumapit sa akin. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang aking paghuh

