Jace's POV #Pasttopresent Nakita ko ang pag-aaway ng mag-asawa at ang pag-alis ni Hector. Pagkatapos ay pinanuod ko ang aking Beka na nuod kanin ang ginawa hanggang sa nakatulog sa sofa. Ang sumunod ay hindi ko na kayang paanoorin nakita ko nalang na lumabas ang sekretarya ko at nagrambulan siyang mag-asawa habang mahimbing parin ang tulog ni Beka. Lumabas ang katulong at tumulong na rin, kita-kita ko kung paano bugbugin ni Hector ang dalawa hanggang sa mawalan sila ng malay mabuti at naging na si Beka at napailing ako dahil may bitbit pa siyang sako. Mula sa labas ng bahay ay nakita ko ang paghabol ni Hector at doon na natapos. Agad kong tinawagan ang aking mga tauhan na hanapin si Hector at Beka. Nauna nilang nahanap si Hector at dinala sa rest house ko. Pumunta ako doon at nadatna

