Brandon's POV Nang nakaraos na ako ng tatlong beses ay humiga na ako sa aking kama, kinapa ko ang babae. Mukhang nakatulog na din siya o baka nawalan ng malay. Hinayaan ko nalang siya sa kama ko lalo na at malinis ko siyang nakuha, I will make sure na kontento siya sa ibibigay ko na pera. Kinabukasan pagkagising ko ay alam kong wala na siya sa tabi ko. Inayos ko ang aking sarili at tinawagan na ang aking nurse. Mas pinili kong maligo mag-isa naka bantay lang siya sa labas ng banyo, pagkatapos kong naligo mabilis na nagbihis. Habang tumatagal na nasasanay na akong maging bulag. Kaya ko nang alagaan ang sarili ko basta huwag lang nilang papalitan ng pwesto kung saan nakalagay ang mga gamit ko. "Sabihin mo sa mga katulong na palitan ang bedsheets ko at maglagay isang extra na kama sa k

