Beka's Pov Tahimik ko nalang siyang sinundan at narinig ko na malapit nang dumating ang kanyang Mommy. Lumabas siya, sinundan siya ni Lola Rosing kaya dali-dali naman akong lumabas. Patakbo ko siyang hinabol at hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay kita na ang helikopter na papalapag. Binilisan ko nalang ang aking lakad at tumayo sa kanyang likuran. "Hindi ba sinabi ko na kaya ko? what are you doing here? go back inside!" Malakas na sabi niya dahil ang ingay ng helikopter. "Sir, anong gagawin ko sa loob?" Tanong ko pero hindi na niya ako sinagot. Nakita kong pababa ang magandang babae at ang isang matanda na kahit may edad ay maganda parin. Parang nanliit ako ng makita ko ang ex ni Sir Jace. Pareho kaming maputi pero mas matangkad lang siguro ako sa kanyang ng ilang pulagada. Halatang

