Tonya's POV Ang mga magulang ko ang naghatid sa akin sa may kalsada para hintayin ang bus papunta sa Maynila. Maraming bilin ang mga magulang ko sa akin. "Tonya anak, huwag kang magtapang-tapangan sa Maynila. Iba amg ugali nila pantay doon ang lalaki at babae. Hindi tulad dito sa probinsya na nirerespeto ang mga babae. Kaya nga walang pumapatol saiyo kahit na sumosobra ka na lalo na yang bunga-nga mo." "Oo na po Inay, ang tagal naman nung bus baka makita pa ako ni Kapitan." "Eh ano naman ngayon kung makita ka ni Kapitan?" "Humingi kasi ako ng pera niya Nay, ayon parang umasa na sasagutin ko." Sagot ko at mabilis na hinila ni Inay ang buhok ko. "Akin na yung pera ay ibabalik ko, ikaw talagang babae ka hindi ka na nahiya kay kapitan, ang bait na tao nun pinagsasamantalahan mo." "Bay

