Tonya's POV Nang gumaling na ang aking likuran ay ako na ang nagbantay kay Tito, ay pinili ko ang hospital na mag on the job training. Pagkatapos kong magluto ay deretso na ako sa kwarto niya. "I am sorry Tito, babawi ako saiyo kapag nagkamalay ka na. Please wake up." Mahinang sambit ko na napahawak sa kanyang kamay. Habang umiiyak ako ay pumasok ang kanyang Ina, may malaking peklat na siya sa kanyang mukha. "Iiwan na muna ko po kayo." Ani ko na mabilis na patayo. "Salamat." Sagot niya at agad na akong lumabas sa kwarto. Nang nasa pasilyo ako ay nakita kong papasok si Lola. Kahit tumulong ang Mommy ni Kuya ay galit parin si Lola sa kanya dahil nawalan siya ng anak at muntik nang nawalan ng apo. Mabilis ko siyang sinalubong "Alex Apo sinong nagbabantay sa apo ko?" "Lola ang Mommy

