Beka's POV Wala na akong pagpipilian pa kundi sumama sa lalaking hindi ko kilala. Seryoso man ang kanyang mukha pero sa mga tingin niya ay ramdam ko na mabait siya. Sa tono palang niya ay edukado na at sobrang yaman dahil may sarili siyang eroplano. Nang naka-upo na kami ay sinabi ko lahat sa kanya ang nangyari sa akin. Mula bata ako hanggang sa ako ay napunta sa Manila. "Jace Del Mar?" "Opo Kuya, akala ko syota na niya ako yun pala hindi. Hinayaan niyang saktan ako ng kanyang Ex at Mommy niya. Sobrang sakit po yun Kuya dahil first love ko si Sir Jace." Naiiyak na pagsusumbong ko na parang siya na ang Tatay at Kuya ko. "Kung mag-aaral ka ng kolehiyo, anong kukunin mong kurso?" "Doctor po Kuya." "Hmmm, okay pag-aralin kita at sa condo ko ka na titira. Sasamahan kita hanggang sa masa

