"Nice outfit." Hellion teased.
"Shut up, fúcker!" I hissed.
I looked at myself on the mirror and I sighed. Ang suot ko ngayon ay puros puti. Hanggang sa itaas at paibaba ay puro puti. Maliban lang sa maliit na stainless na nakakabit sa kaliwang dibdib ko dahil nandoon ang aking pangalan. After a few years ago ay napag-aralan ko lahat ng mga kagamitan sa hospital. At kung paano gumanap bilang isang nurse.
Pero sa mga iyon ay maraming tipong nurse ang pwede mong kunin. Pero mas pinili kong maging nurse bilang mag-assist sa doctor kapag may isinasagawang operasyon. Dahil doon ay malalaman ko kung sino ang nagtuturok ng drugs sa pasyente.
"Kidding. Gusto mo bang ihatid kita?" Tanong pa niya sa akin.
"No need. Gagamitin ko na lang 'yung motor ko."
"What? Ang isang nurse na si Devi Akuma ay gagamit ng motor papunta sa Mallagher Hospital?"
"What's wrong with that? Required ba na kailangan kotse pa din ang gagamitin ko? Ayoko. Hindi ako maangas tignan kung kotse ang gagamitin ko." Inis na sabi ko bago ko siya talikuran.
Isinukbi ko na ang bag ko bago ako sumakay sa motor upang tumungo sa Mallagher Hospital. Kanino kayang apilyedo ang Mallagher na iyan? Baka siguro matanda na ang may gamit ng apilyedo na iyan? Ang baduy ng apilyedo.
Nakarating ako sa hospital at agad ko ng nai-park ang motor ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao kaya napangisi ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng nurse na nagmomotor? Tss. Unbelievable. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad na walang nililingon isa sa kanila dahil sa bulungan.
Kailangan ko pang dumeretso sa owner daw ng hospital na ito. Finally. Makikita ko na si Mallagher the old man. Hindi na ako nagpasama pa sa isang nurse dahil alam ko naman na ang office ni Mallagher. Pero nahagip ng mata ko si Vivienne o mas gusto niyang tawaging Vien. May isang lalaki siyang kausap na may hawak na baby.
Madadaanan ko sila kaya napalingon si Vien sa akin pero hindi siya ngumiti. Ngumisi siya sa akin. Ang ayoko sa lahat ay 'yung nginingisihan ako. Pero kailangan ko munang bababaan ang pasensya ko dahil total ay tinulungan niya ako noon.
"Hindi ko inaakala na isa kang magiging nurse dito. Long time no see."
Gosh. May dahilan ba para magkita kami?
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Vien pero nalipat ang tingin ko sa lalaking may hawak na bata. Napakagandang bata.
"He's Esther. My husband. And this is my daughter Eris. I don't know her name kaya hindi ko na siya ipapakilala sayo." Sabi ni Vien sa kanyang asawa.
I sighed. "And my name is Devi."
"Hola, Ate Devi." Nakangiting sabi ng anak nila kaya ngumiti din ako pabalik.
"Nice to meet you." Pakikipagkamay ni Esther sa akin kaya inabot ko iyon.
"So, Devi. Ito ba ang unang araw mo bilang isang nurse?" Vien asked me.
"Yeah. Kailangan ko pa kasing tumungo kay Mallagher. Ano bang itsura niya? For sure he's old na." I answered her.
Nakita kong lumingon si Esther sa kanan niya at naikagat ang labi para maiwasan na hindi matawa. May mali ba sa sinabi ko?
"Well. Goodluck." Nakangisi niyang sabi kaya napatango lang ako. "We gotta go first 'cause I'm done with my duty. My pleasure to meet you again, Devi."
"Aja!" Ani pa ni Esther sabay napailing na tila natatawa.
"Fighting daw." Ani din ni Vien para maintindihan ko ang sinabi niya. "Say goodbye to Ate Devi, baby."
"Ba-bye, Ate Devi."
Tanging pagngiti lang ang naisagot ko sa kanila. Tinignan ko pa ang kanilang rebulto na papalayo mula sa akin. Bumuga muna ako ng hangin bago ulit ako nagpatuloy sa paglalakad. Nakarating na ako sa tapat ng pinto sa office ng chief or head doctor.
Inhale, exhale, inhale, exhale. Don't be nervous, Devi. Because it's just an old doctor.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok sa loob. Nilinga ko pa ang aking paningin upang tignan ang paligid. Masyadong malinis at maganda ang pagkakadisenyo ng kanyang office. Nang tumingin na ako sa lamesa ay doon na lang nanlaki ang aking mga mata. Isang matipunong lalaki na nakasandal sa swivel chair habang nakatingin sa akin.
What the hell? He's the chief of the hospital?
"Goodmorning." He said, coldly. "Tutunganga ka na lang ba d'yan o lalapit ka sa akin?"
Napalunok ako dahil sa lakas nang kabog ng dibdib ko. Tinignan ko ang pangalan niya sa nameboard kaya mas lalo akong kinabahan. Siya si Mallagher? Akala ko ang isang Mallagher ay matandang lalaki? Kaso hindi. Gwapong lalaki. Ilang taon ko siyang hindi nakita pero wala naman akong dahilan para makita siya. Kaso may nagbago sa kanya, lalo siyang kumisig at naging gwapo lalo.
Dr. Damon Cephalus Leander Mallagher: Head Doctor/Chief
"A-Ah." Shít! Bakit pesteng ah lang ang nasabi ko?
"Stop moaning, Miss Duxbury. Get your áss sat down on the chair." Saad niya na ikinagulat ko.
"Hindi ako umuungol! Ikaw! Masyado ka pa din manyakis na doctor! Ewan ko ba kung bakit ka pa naging chief hindi naman bagay sayo kasi isa kang manyakis!" Sigaw ko at padarag na inilapag ang envelop ko sa lamesa niya bago ako lumabas sa office niya. "Kinginang doctor 'to."
Tumungo muna ako sa locker ko upang ilagay ang mga gamit ko. Hindi ako maaaring magsuot ng earpiece dahil baka mabulilyaso ang mission ko. Nang lumipas ang oras ay tumitingin lang ako ng bawat pasyente sa kani-kanilang mga kwarto. Halos iyon lang ang nagawa ko dahil wala naman tumatawag sa akin para mag-assist ng doctor.
"Ngayon lang kita nakita dito. Are you new?"
Bigla akong napatingin sa likod ko na may marinig akong boses. Paglingon ko ay isang lalaki na naka-white coat na nagsasabing isa siyang doctor. Kailangan ko maging magalang hindi ko pwedeng dalhin dito ang pagiging pilosopa ko. May itsura siya at isa siyang binatang doctor o may edad na? Pero hindi. Masyado din siyang gwapo.
"Yes, doc." Tanging sagot at tinignan niya ang aking bandang dibdib.
"So, Miss Duxbury. Nice surname. Nurse ka ba talaga? Ang ganda kasi ng apilyedo mo."
"Hindi naman po." Napapahiyang anas ko.
"Wag ka naman maging formal sa akin kasi parang kaedaran lang kita. Anyway, my name is Red Seiji Fauker."
"Red Seiji Fauker?" Pag-uulit ko sa sinabi niya na parang naninigurado.
"Yes. May problema ka sa pangalan at apilyedo ko?" He asked, laughly.
"N-No."
"You can call me Red."
"Pero kapag maraming tao tatawagin kitang Dr. Fauker." Nakangiting anas ko.
"Ikaw ang bahala. See you around, Aku—" I cut him off.
"Just Devi." I smiled.
"Okay." He smiled then walked away.
Lumipas ang mga araw ay normal lang ang takbo ng hospital. Wala pa din akong nasasagap dito kung may nagtuturok ba ng drugs sa mga pasyente. Parang wala naman kasi lahat ay normal. Sigurado ba si daddy sa mission na pinapagawa niya sa akin?
"Devi, tara na sa canteen. Lunch na." Ani ni Zaira.
Friendly siya sa mga nurse kaya hindi ko malaman kung bakit ako ang gusto niyang makasama. Sa dumaang araw ko kasi dito bilang isang nurse ay lagi na siyang nakadikit sa akin. Pinagtutulakan ko si Zaira papalayo pero lapit pa din siya ng lapit. Kaya ako na lang din ang sumuko at hinayaan na maging kaibigan niya ako. Gusto ko naman din na maging kaibigan siya.
Napabuga ako ng hangin dahil sa naisip ko. That sounds so fake coming from a pretty agent.
"Kumusta naman sa mga dumaan mong paga-assist sa mga operation? Hassle ba?" Zaira asked.
I looked at her. "Okay naman."
"Hindi si Doc Leander ang ina-assist mo?"
"Hindi. Si pula ang nagsama sa akin para mag-assist sa kanyang operation."
"Who's pula?" Tanong pa niya.
"Si Doc Red Seiji Fauker."
She nodded. "Ah. I thought it was because you don't want to do with him."
"Do with what?"
"Operation, of course!" She laughed.
Oo. Ayoko talagang makasama siya o i-assist sa operation na gagawin niya. Dahil baka lahat ng kagamitan sa operasyon maisaksak ko lang sa kanya.
"Pervert siya kasi super kaya ayoko siyang i-assist sa gagawin niyang operasyon," sagot ko na ikinalaki ng mata ni Zaira. "You've must been suprised, huh? Pero totoo ang sinabi ko. Ang pervert niyang doctor."
"Hindi halata sa kanya, Devi." Natatawa niyang anas. "Kasi ang doctor na kagaya niya ay mas malamig pa sa yelo."
"Whatever. I should head in now."
"That fast? Pero nakakailang subo ka pa lang."
"Busog na ako." Sagot ko pa bago ko siya iwan sa lamesa.
Nang matapos na ang duty ko ay mabilis na akong lumabas sa hospital upang tumungo sa parking lot. Alas-onse na nang gabi pero hindi pa ako nakakaramdam ng pagod. Nakita ko na ang motor ko pero pansin ko na parang may kakaiba. Umupo ako na umaalalay ang isa kong paa na parang nakaluhod. Nang hawakan ko ang gulong para akong nanggigil sa inis.
"Kingina. Sino naman ba nan-trip sayo at binutas ang gulong mo?" Inis kong tanong kahit alam kong wala namang sasagot.
Pag nalaman ko lang kung sino ang may kagagawan neto sa motor ko butas talaga pagkatao nito. Motor ko pa talaga ang napili.
"They say It's gonna rain today. Ihatid na kita."
Bigla na lang akong napalingon sa likod ko dahil sa boses. Pero ganon na lang din ang pagsama ng mukha ko dahil sa lalaking nandito.
"Eh anong pakialam mo?" I hissed. "Malas ka talaga sa buhay ko."
He chuckled. "Look who's talking. Sa tingin mo ba may pakialam ako? Ayoko lang kasi na maging basang sisiw ka sa daan kung sakaling umulan nga talaga."
K-Kingina talaga!
"Hindi ko gusto tabas ng dila mo, huh! Sabihin mo lang kung may pakialam ka hindi 'yung magbibitaw ka pa nang mababahong salita."
Dinuro ko siya at tumayo ako pero mas matangkad siya kaya nakatingala ako.
"Do I look like I care about you?" He asked.
"Halata naman sa'yo na may pakialam ka. But I don't need your care, Mr. Pervert. Before you worry something like that, why don't you worry about yourself first? Mahirap na. Baka huling gabi mo na lang ito at mamamatay ka na lang bigla."
Biglang sumeryoso ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Na-guilty tuloy ako bigla. Pero wait? Ang isang Devi Akuma ay nag-guilty sa manyakis na doctor? Hindi ka pwedeng ma-guilty.
"Kung gusto mo akong humingi ng tawad hindi ko—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko na mabilis siyang nagmartsa para layasan ako. "Bastos ka talaga kahit kailan."
"Oh by the way. It's good to be savage, but this is no time and place for ignorant courage." Sabi niya pa upang lingunin ko siya.
I laughed. "Wow. So it seems like you know more about the word courage? You don't know me, Doc Leander. Unless kung gusto mo akong makilala? Halata naman sayo."
"Sorry if I looked interested. I'm not." He answered, coldly. "I heard how you assist, Doctor Red. Well, looks like you need to start again with the basic. I mean. You need to learn how to respect your chief," then he walked away.
Napanganga ako dahil sa binitawan na salita ni Leander. Seryoso masyado ang mukha kaya nakaramdam pa ako ng kaunting kaba. Narinig ko pa ang kanyang sasakyan na papalayo sa akin. Ang lakas niyang magpakaba ng tao sa simpleng salita lang niya. But why do I care? As if I'm scared? Wala na akong magagawa pa dito sa motor ko kaya papahatak ko na lang kay Hellion. Kailangan ko nang makauwi para makapagpahinga.
Kinabukasan ay maaga akong tumungo sa hospital pero iyon naman din ang bungad sa akin ng maraming pasyente. Anong nangyari? May insidente ba?
"Devi! Bilisan mo kasi marami tayong aasiksuhin. Naulit na naman ang nangyari noon na may nagpasabog sa mall pero hindi mall ang pinasabog, huh? Isang agency na building." Ani ni Zaira.
"Sige asikasuhin mo muna 'yung ibang pasyente. Ilalagay ko lang mga gamit ko."
Nang mailagay ko na sa locker ang gamit ko ay kumuha na ako ng mga kagamitan para maggamot sa mga taong nakaupo sa pasilyo. Sino naman ba ang nagpasabog ng building? Bakit hindi ito sinabi ni Hellion sa akin?
"Unahin n'yo yung boss namin!"
Bigla akong napalingon sa gilid ng pintuan dahil sa malakas na sigaw ng lalaki. Naka-puros itim din ang kanyang mga bata kaya napangisi ako. May isang lalaki na hinablot ang isang doctor namin para unahin ang boss niya na duguan ang ulo.
"Uunahin mo ang boss namin o mapapatay kita—" hindi na natuloy ang sasabihin ng lalaki na may tumulak ng bahagya sa braso niya. "Aba't?"
Si Vien ang may gawa kaya sumama ang mukha ng lalaki. Tinapos ko agad ang paggagamot ko sa babae sa kanyang braso bago ulit ako tumingin sa gawi ni Vien. Seryoso ang mukha niya.
"Tss. Pwede kang magsabi nang maayos, hindi mo kailangan ipakita ang tapang mo dahil alam ko naman na hindi totoo." Seryosong ani ni Vien at sinenyasan ang isang nurse. "Pakiayos ang libingan niya."
"Aba't bastos ka ah!"
Akma sana niyang hahablutin ang kwelyo ni Vien na bigla siyang unahan nito na hawakan ang kamay niya upang mapunta sa likod. Nakita ko na diniinan pa ni Vien ang pulsulan ng lalaki kaya napasigaw ito.
"Kahit amoy gamot ang white coat ko bagong laba pa din ito." Sabi ni Vien at tinulak ang pa ang lalaki. "Pakidala siya sa emegency room."
"Find a male doctor." Nahihirapang anas ng boss daw. "W-Where's my wife?"
May asawa na siya? Bakit pa ako magugulat?
"Asawa, boss? 'Di ba binili mo na lang ang babae na iyon?" Sagot sa kanya ng lalaki.
"Where the hell is she?!" He yelled.
"We will look for her. Let's go." Kalmadong sabi ng isang lalaki.
"What are you looking at?" Bigla akong napalingon sa likod ko na marinig ko ang boses ni Leander. "Hindi ko akalain na chismosa ka pala. Asikasuhin mo ang mga ibang pasyente."
"Hindi ko naman din kasi akalain na pakialamero ka pala." Inis ko din sabi bago ako nagmartsa para iwan siya.
"Devi, bigyan mo muna siya nang paunang lunas." Biglang utos ni Vien sa akin. "Siya."
Tinignan ko ang boss ng mga lalaki. Bumuga muna ako ng hangin bago ako nagmartsa para tumungo sa harap ng lalaki. Pero ganon na lang ang paglaki ng mata ko nang mamukhaan ko kung sino ito.
"Sataniel?" I called him. Ilang taon ko din siyang hindi nakita.
"Yeah. Destiny indeed?" Nakangisi niyang sabi. "Siya ang gusto kong gumamot sa akin."
"Desisyon ka, pre?" Sabi ni Vien. "Hindi ka naman siguro bulag para malaman mo na isa lang siyang nurse. Ako ang gagamot sayo, pareho naman kaming babae. Magkaiba nga lang ng kakayahan."
Napangisi ako sa sinabi ni Vien. Baka pag nakilala mo kung sino talaga ako baka maulol ka. Bigla na lang natumba si Sataniel sa bench para magwindang ang ibang nurse. Hindi ko na siya nagamot dahil inasikaso na siya para dalhin sa ER.
Nang matapos ang mahabang pagwewego sa mga naaksindenteng tao doon na lang ako napaupo sa sahig dahil sa pagod. Nakakapagod. Hindi ko kasi malaman kung sino ang uunahin ko sa mga taong kasama sa insidente. Dahil sa bawat paggamot ko, laging may nadadagdagan.
"Devi? Are you okay?" Bigla akong tinabihan ni Zaira sa pagkakaupo. "Doc Leander wants to talk to you. Hindi ko na tinanong kung para saan."
"What does he need?" Inis kong sabi at yumuko ako sa mga tuhod ko. "I'm tired."
"Ako naman din pagod. Grabe. Hindi ko malaman kung sino ang uunahin ko sa mga pasyente."
"Puntahan ko lang si manyakis." Ani ko para makaiwas sa mahabang kwento.
"Excited lang, Devi?"
Tinaas ko lang ang isa kong kamay at winagayway habang lumalakad papalayo. Nakarating na ako sa office ni Leander na hindi na hinihintay ang kanyang pahintulot para papasukin ako.
"Sabihin mo na 'yung gusto mong sabihin." Iyon agad ang sinabi ko.
"Baka gusto mong maupo?" He fired back.
Hindi ko siya sinunod. "Speak up."
He sighed. "Hindi na si Fauker ang kailangan mong i-assist kapag may operasyon na gagawin."
"What?" I suprised.
"Because I said so. Ako na ang ia-assist mo sa gagawin kong operasyon. Red has already found a nurse to assist him."
Bakit siya pa? Ayoko ngang makasama siya kasi ang manyakis niyang doctor!
"Ayoko." Seryoso kong sagot.
"Okay. Pwede ka nang masisanti."
Nagulat ako sa sinabi ni Leander. Seryoso ba siya sa sinabi niya?!
"I'm not kidding if that's what you think, Miss Duxbury." He said, seriously.
Hindi ako pwedeng umalis dito hanggat hindi ko nakikilala ang doctor na nagtuturok ng drugs sa mga pasyente. Napatingin ako sa kung saan, nagpipigil ng pasensya sa lalaking ito.
"Fine. I'm one of your nurses now." Ani ko at tinalikuran na siya.
Hindi ko malaman kung nagbibiro lang ba siya o hindi. Pero ang sabi naman ni Zaira sa akin noon na hindi nagbibiro ang isang Leander Mallagher.
"Oh wait."
Napatigil ako sa paglalakad, hawak na ang doorknob para buksan na lang iyon. Ano na naman ba ang kailangan niya?!
"A head doctor like me needs an assistant. Personal assistant. Hindi lang sa operasyon, kailangan kung nasan ako nandon ka din."
"Anak ng? Kung trip mo ako ngayon Leander tigil-tigilan mo na. Dahil physical ang pagbibiro ko dahil masasaktan ka talaga!" I hissed.
"Mukha ba akong nagbibiro? I can also hurt you physically. Na sa huli ay alam kong mage-enjoy ka." Nakangisi niyang sabi.
Ngumisi din ako. "It turnes me on when you tell me exactly what you want to do to me. But, f**k you, Mr. Pervert."
"Iba ata ang naiisip mo sa sinasabi ko." Natatawa niyang anas sabay sumeryoso din. "You can go."
Iba naman kasi talaga ang dating sa akin! Mabilis na akong lumabas sa office niya na may inis sa mukha. Pinaglalaruan lang ata ako ng doctor na iyon. Pwes. Paglalaruan ko din siya kung iyon ang gusto niyang mangyari. Tumunog ang phone ko habang naglalakad ako patungo sa parking lot.
"Yes?" Sagot ko.
[May ipapatumba kami sayo.] Nezuko said.
I smiled. "Tamang-tama. May inis akong nararamdaman kaya sa kanya ko na lang ibubuhos. Send me the details."
[Okay. Goodluck, Akuma.]
Iisipin ko lang na si Leander ang papatayin ko ngayon para mabawasan ang inis na nararamdaman ko. Pero alam ko naman na araw-araw na akong maiinis dahil isa na akong personal assistant nurse niya. Buwiset talaga.
To be continued. . .