01

1682 Words
"Mission accomplished, boss." I sound thrilled. "Good job, Akuma. Hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili ko para gawin ang mission na ito." Hindi na ako nagsalita basta ko na lang ibinaba ang linya. Tinapon ko ang attaché case ko sa isang basurahan. Ipapakuha ko na lang iyon kay Hellion. Agad na akong sumakay sa motor ko at mabilis na pinaharurot papalayo sa lugar kung saan ko itinumba 'yung tao. I'm thirsty. Mabilis kong iniliko ang motor ko sa kabilang daan para pumunta sa club. Makakalibre ako dahil kilala ko ang owner ng club. "Wow, you're here." He said. Binigyan ko siya ng isang maliit na ngisi bago pumasok ng tuluyan sa loob. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng club. Walang pinagbago. Tumungo ako sa bar station at umupo sa high chair. Nakasunod pa din siya sa akin. "Why are you here, Devi?" His name is Frick Thyrone. My friend. Hindi ko alam kung paano ko siya naging kaibigan. Basta ang alam ko lang sa tuwing pumapalagi ako dito ay ako lang kinakausap niyang babae. Dito ko lang siya nakilala sa kanyang club. "What a stupid question." I grinned. "Stupid nga." Natawa siya. "Bakit ngayon ka lang ulit nagpunta dito? Nagtatampo na ako." "Mandiri ka nga." Kunwaring pandidiri ko. "Wala kang pinagbago. I gotta go. Enjoy your night. Wag mo na din bayaran ang iinumin mo." Bago siya umalis ay yinakap muna niya ako. Bumuga muna ako ng hangin bago ko inumin ang alak na hawak ko. Gusto ko sanang magpahinga kahit dalawang araw lang, puro na lang ako mission. "Two red moon manhattan." Nahagip ng mata ko ang lalaking nakaupo sa tabi ng bar station. Hindi ako lumilingon, pero nakikita ko siya sa gilid ng mata ko. "Here. Drink it." Doon ko na lang siya nilingon dahil sa sinabi niya. Bumaba ang tingin ko sa alak na nasa harap ko bago ulit ako nagtaas ng tingin sa kanya. "Para ka na kasing walang iinumin. Look." Tinignan niya ang iniinom kong alak na ubos na. Kung alam mo lang kaya ko din magpatayo ng sarili kong club. Napangisi ako sa naisip ko. Hindi niya kailangan malaman na may kaya akong bumili ng alak na higit pa sa dalawang baso na binili niya. Sa itsura pa lang ng lalaking ito alam kong mayaman siya, masubukan nga. "Hindi naman kasi ako mayaman kagaya mo kaya hanggang isang basong alak lang ang kaya ko." I smiled. He nodded. "It's on me so drink it." "Nawalan na ako ng ganang uminom." Iginawad ko ang kamay ko sa kanya. "Cash na ang kailangan ko." Pero hindi ko naman din inaasahan na maglalabas siya ng pera at ibinigay sa akin. Ngumisi ako dahil sa ginawa niya. "Here." Pagtapos niyang inabot ang pera agad siyang tumungga ng alak. Yayamanin. Lakas magbigay ng five thousand. "Lakas mo naman." I laughed. "Baka naman singilin mo ko, ah?" "Parang ganon na nga." "Ano naman?" "Lap dance?" He asked. I smirked. "In your wet dream." Kung iniisip niya ay isa akong bayarang babae nagkakamali siya. Baka 'yung ulo niya ang makatanggap ng singil sa bala na ibibigay ko sa kanya. "Kiss." Mahina niyang anas pero narinig ko pa din. "Five thousand for a kiss? What a lunatic." I laughed. "Okay, just one kiss." Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanyang polo upang hatakin siya papalapit sa akin. At walang sabi-sabi na siniil ko ang kanyang labi. That was not a first time that I kissed a man. Dahil sa tuwing may mission ako ay nagpapahalik muna ako sa tao bago ko itumba. Pero hanggang doon lang iyon, hindi ko hinahayaan na lumagpas sa linya ang kamay ng mga nakakahalik sa akin. He sucked on my lower lips before he pushed his tongue inside my mouth. But I stopped. Kakaiba ang dulot ng halik niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng init. "Sapat na ba 'yung pagkakahalik ko?" I asked him. "That was not enough, so my answer is no." Sumusobra ka na, boy. Kinuha ko ang two thousand at inilagay sa kanyang bulsa. Ngumisi ako nang tignan ko siya. "Sapat na iyon. Wag ka naman sumobra dahil hindi mo naman binili ang labi ko para maramdaman mo ang sapat na gusto mo." "Nagbibiro lang ako na halikan mo ako kaya ikaw ang sumusobra sa ating dalawa." He fired back. Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit parang kasalanan ko pa na ibinigay ko ang gusto niyang mangyari? Hindi ako nakasagot dahil sa sinabi niya dahil nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang mensahe na ipinadala ni Hellion. "Where are you? We need your report now about sa lalaking pinatumba mo." —Hellion "Not again." I whispered. Tinignan ko ang lalaki na hinalikan ko na umiinom na ng alak. Napansin niya atang nakatingin ako kaya pumagawi ang ulo niya sa akin. I smiled. "By the way, my name is Devi." "Sataniel." Inabot niya ang kamay niya sa akin kaya nakipagkamay naman ako. "My pleasure to meet your lips." "Ulol." Sagot ko at umalis na sa pagkakaupo. "Where are you going? Ah, nevermind. Wag mo na sagutin." Natawa ako dahil sa pagbabago ng sinabi niya. Hinalikan ko lang siya pero natamaan ata? Baka may tama na ng alak kaya wag ako mag-isip nang kakaiba. "I have to go. Nice to meet you, Sataniel." Tinapik ko muna ang kanyang braso bago ako lumabas ng club. "f**k this life. I hate my life now!" I hissed. Gusto ko naman din ang trabaho na ito pero hindi nila iniisip na kailangan ko din minsan magpahinga. Nakarating ako sa building kung saan namin kailangan i-report ang kailangang mai-report. Nagbigay galang ang iba sa akin pero hindi 'man lang sila binigyan ng pandin. "So how's your mission, Agent—" I cut him off. "Don't call me agent red. Just Akuma." Walang emosyong anas ko. May lumabas na matanda mula sa pinto. Bahagya akong yumuko para magbigay galang bago ulit ako nagtaas ng tingin sa kanya. "How's your mission?" He asked me. "Nasabi ko naman sa inyo kanina sa tawag na maayos at natapos ko ang mission. Kaya bakit kailangan pa ako magreport?" I asked him too. "Alam mo naman na kailangan ito sa trabaho, Akuma." "I need to rest. Mas mahalaga iyon sa akin. Just call me if you need anything." Akma na sana akong tatalikod na bigla na naman niya akong tawagin. Humarap ako at nakita kong may inilabas siyang envelop mula sa kanyang drawer. Inabot niya iyon sa akin pero hindi ko pa nagagawang tignan kung ano ang meron sa loob. "That's your new mission." He said, seriously. "I will read that later. Mauuna na ako." Iyon lang ang sinagot ko at lumabas na ako sa office ng captain namin. Hindi ko alam kung kailan ba magiging normal ang buhay ko kahit ilang araw lang. Ginusto ko naman din itong trabaho ko kaya wala akong pinagsisisihan. Nakarating ako sa bahay ko at ibinagsak muna ang katawan sa kama. "I'm tired." Bulong na anas ko. Tinignan ko ang envelop sa gilid ng side table ko. Hindi ko pa siya nababasa kaya hindi ko pa alam kung ano ang laman nito. Project nga kasi, Devi. "Great." Inis na bulong ko at kinuha ang envelop. "What the?" What the hell?! He gave me a mission to remove a bomb in the mall? Sa sobrang inis ko ay kinuha ko agad ang susi ko bago tumakbo papalabas ng bahay ko. Tutungo ulit ako sa agency namin! Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. I can't believe they will give me such a mission. What do they think of me? A bomb technician?! "Hey Akuma?" Hellion called me. "Where's Captain? I need to talk to him right now!" Pagbabagsak ko ng palad ko sa kanyang lamesa. "Hey calm down? Because of your mission, right? Kaya ka nagkakaganito?" "Yeah! You are fúcking right! I am not a bomb technician to do this kind of mission. Mas maiging magbantay na lang ako ng mga taong ipapabantay n'yo o mag nurse in disguise na lang ako. Matatanggap ko pa ang ganyang klaseng mission!" I yelled at him. Bumuga ng hangin si Hellion dahil sa sinabi ko. Tinignan niya ako ng deretso sa mga mata pero nanatili lang masama ang tingin sa kanya. Tinitignan na kami ng mga ibang tao na nagtatrabaho dito. "What is going on here?" Lumabas ang Captain namin mula sa kanyang opisina. "My daughter?" Right. He's my dad. He's name is Brent Hermes Duxbury. Pero hindi ko siya tinuturing na ama ko kapag nakatapak ang mga paa ko dito sa pinagtatrabahuhan ko. Tinuruting ko siya bilang Captain namin dito. I looked at my daddy, badly. "Hindi ko matatanggap ang mission na ito." Madiin na anas ko. Binigyan niya ako nang makahulugan na tingin sabay baling kay Hellion na parang alam na ang ibig sabihin ni daddy. Muling pumasok si daddy sa loob at si Hellion naman ay tumayo sabay lumapit sa akin. "Let's go inside." He whispered. "You have to accept it, Akuma. Bukas ng umaga ay paparoon ang isang taong may dala ng bomba sa malaking mall. Alam mo naman ang trabaho natin, kalahati sa law of agency at kalahati sa illegal na mission." Ani niya nang makapasok kaming dalawa ni Hellion sa loob. Illegal na mission ay kailangan ko pang pumatay para lang makuha ang gusto nilang makuha. Hindi iyon alam ng law. Pumapatay ako ng tao na hindi alam ng batas, dahil wala ito sa kanilang usapan ni daddy. "Ano bang tingin ninyo sa akin, Captain? Na alam ang lahat ng bagay para sa akin mo ibigay ang ganitong klase ng mission?" Inis na tanong ko. "Ikaw ang napili nila para sa mission na ito, Akuma." Sabat ni Hellion. I laughed at what I heard. "Kinginang napili yan." "Akuma, you have to accept it. Pagtapos nito ay may isa kaming mission na ipapabantay pa sayo." Me again? Ako lang ba ang tao dito sa agency na 'to?! "Ano na naman?" Inis na talagang tanong ko. "You have to pretend to be a nurse at Mallagher Hospital." He answered. To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD