Kabanata 1

2170 Words
Elaine “Aba'y lumayas-layas na kayo sa apartment ko! Mga walang silbi! Pabigat! Magbayad kayo ng renta, hindi ’yong puro kayo bukas!” asik ni Mang Pedro na halos makita na ang ugat sa leeg sa sobrang gigil sa amin ni Ama. Ang totoo niyan ay wala kaming sapat na pera para ipambayad sa renta dahil nagtatrabaho lang ang Ama bilang tricycle driver dahil natanggal siya sa trabaho niya noon. Kuwento nga niya ay maginhawa ang buhay namin noong nagtatrabaho pa siya sa mga Montemayor, kaya lang, sa kasawiang palad, napalitan sila ng ibang mga trabahador na galing sa Pransya na ikinalugmok ni Ama kung kaya’t nabaon siya sa utang. Hindi ko na naabutan ang aking ina, tanging ang kaniyang litrato na lang na nakasabit sa aming dingding ang nakita ko. Ang sabi ni Ama ay may iniwan na kwintas sa akin ang ina na talagang itinabi ko para pahalagahan. “Mang Pedro, bigyan n’yo pa po kami ng isa pang pagkakataon, pakiusap po,” wika ko na halos lumuhod na upang mapakiusapan lamang siya na huwag muna kaming palayasin dahil wala pa akong nahahanap na part-time job. Hindi rin sapat ang kinikita ni Ama para sa aming dalawa, mabuti na lang at may scholarship ako sa paaralan namin. Kapalit nga lang nito ay mas kailangan kong mag-aral nang mabuti at mag-take ng extra curriculum. In the end, halos magmukha na akong nerd dahil sa pagtutok lagi sa pag-aaral dahil para sa akin ay isa itong instrumento para makaahon kami sa kahirapan. Education ang kursong kinuha ko dahil bukod sa mahilig akong magturo ng mga kaalaman ko ay gusto ko ring nakikita ang ngiti sa labi ng mga bata. Gusto ko rin kasi na ako ang magtuturo sa magiging anak ko. “Jusmiyo naman, neneng. Ilang buwan ko na kayong pinagbibigyan, ganiyan pa rin ang sasabihin mo? Aba e wala na nga akong kinikita sa inyo, may binubuhay rin akong pamilya, kaya layas!” mataray na wika nito. Binuksan nito ang pamaypay para paypayan ang sarili. “Hayan na nga, may ombre! Sige na, lumayas na kayo! Mukhang may bago nang uupa sa tinutuluyan ninyo!” dagdag niya at dali-daling lumapit sa lalaki na patungo sa direksiyon namin. Ano pa ba ang magagawa ko? Mukhang wala na talagang balak si Mang Pedro na pagbigyan pa kami. Ito na ang pang-apat na lipat namin, sana naman ay may tumanggap pa sa amin. “Sandali, Elaine!” sigaw ng lalaki na lumapit kay Mang Pedro. Shocks, si Kaizer pala ito, ang crush ko. “Ah, ikaw pala, Kaizer. Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko habang bitbit ang isang maleta na itinapon ni Mang Pedro sa amin ni Ama na nasa harap ko. “Mano po, Tito!” sambit ni Kaizer nang makita si Ama na masama ang tingin sa kaniya na ikinatawa ko. Si Ama talaga, oo, kahit kailan ay ayaw niya akong makita si Kaizer. “Bakit nasa labas ang mga gamit ninyo?” tanong ni Kaizer. Akmang sasagot na sana ako nang lumapit si Mang Pedro at kumapit sa braso ni Kaizer na parang linta. “Pinaalis ko na para makarenta ka, pogi. Ano, kukunin mo ba?” tanong nito at kinuha ang lollipop sa bulsa niya at sinimulan itong kainin na ikinangiwi ko. Luh, ano iyon? “Hindi ho ako rerenta. Pabalikin mo na lang po sila sa apartment,” usal ni Kaizer habang tinatanggal ang kamay ni Mang Pedro na parang nandidiri siya rito kaya ko mapigilang matawa. “Ano’ng nakakatawa? At saka walang mga pera ang mga ’yan kaya free to go na sila!” sigaw ni Mang Pedro habang idinidireksiyon palabas ang pamaypay niya. Ilang oras na lang ay may klase pa ako, kailangang maayos ko ito sa mabilis na paraan. “What did you say? She’s my girlfriend kaya kung gusto mong mapanatili ang negosyo mo, pabalikin mo sila at huwag kang mag-alala sa bayarin, ako na ang magbabayad sa ’yo,” sabi ni Kaizer na ikinagulat ko. Ano raw? Girlfriend niya ako? Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa sinabi niya, pero bigla akong siniko ni Ama na kanina pa masama ang tingin sa akin. “Anak, umayos ka nga. Kaibigan na babae lang ang ibig sabihin ni Kaizer, halos mapunit na ang labi mo,” sambit ni Ama na ikinanganga ko. Okay, self, huwag assuming. “Aba, huwag mo akong tinatakot, hijo. ’Di hamak na mas mayaman ang mga kaibigan ko at hindi mo makukuha ang apartment na ito. Pogi ka sana kaya lang masyado kang arogante! Sayang ang discount mo!" sigaw ni Mang Pedro. May hinugot naman si Kaizer sa bulsa niya. Isang sobre iyon na may makapal na mga isang libo, may nakasulat na ₱100,000 sa papel na ikinagulat ko. “Kaizer, hindi mo na kailangang gawin ’yan!” bulalas ko, subalit ngumiti lang siya sa akin at nagsalitang muli, “Now, if you will excuse us. Hahanap na lang kami ng mas magandang apartment para sa girlfriend ko.” Akmang aalis na sana kami nang pigilan kami ni Mang Pedro. “Sandali. Ibibigay ko sa kanila ang pinakamalaking silid rito,” aniya habang dahan-dahan kaming pinapasok muli sa gate ng apartment. Magrereklamo pa sana ako na dito na lang ulit sa dati nang biglang sumigaw si Mang Pedro. “Bonjing, Patrick, buhatin n’yo nga itong dalawang maleta na ito!” sigaw ni Mang Pedro at lumabas naman sa tinutuluyan nila ang dalawang lalaki na humihikab pa habang nakatingin lang sa amin. Pinukpok sila ni Mang Pedro ng pamaypay sa ulo at dali-daling pinabuhat ang mga maleta na hawak namin ni Ama. Lumapit naman sa amin si Kaizer at bumulong kay ama, “Ano, Tito? Nadagdagan ba ang pogi points ko?” Napairap na lang si Ama at hindi pinansin si Kaizer. Talagang ayaw yata sa kaniya. “Kaizer, salamat nga pala, ha. Hahanap din ako ng trabaho para mabayaran ka,” wika ko habang nakayuko dahil sa hiya. Nauna nang pumasok sa loob si Ama habang naiwan kami ni Kaizer sa labas. “Ano ka ba, tinulungan lang kita dahil boyfriend mo ako kaya dapat ako lang. Kapag may iba, ten times interest ’yan. Dadagdagan ko pa ang interest kaya dapat ako lang ang maging boyfriend mo, maliwanag ba?” usal ni Kaizer na ikinapagtaka ko. “Ikaw lang naman talaga ang boy friend ko, a? Saka si Elena, pero gay ’yon, e,” sagot ko. Nakita ko naman ang pagtapik ni Kaizer sa kaniyang noo. “Yeah, Ely. I know,” malumanay na wika ni Kaizer. Nang tingnan ko sa aking relo kung anong oras na ay kaagad akong nagpaalam kay Ama na papasok na ako sa school. “Hatid na kita,” aya ni Kaizer. Tututol pa lang sana ako nang hilahin niya na ako patungo sa kaniyang sasakyan. “Kaizer, pasensiya ka na talaga. Sobra-sobra na ang nagawa mo sa ’kin kanina, naistorbo pa kita,” wika ko nang makapasok kami sa loob ng sasakyan niya. Nagkakilala kami ni Kaizer sa isang bar. First time kong pumunta sa ganong lugar dahil inilibre lang kami ni noon ni Venice. Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin at hinalikan ako sa labi kung kaya’t nasampal ko siya nang malakas habang ang isinagot lang sa akin ni Kaizer ay “Ayaw mo ba?” na ikinabaliw ng sistema ko sa inis. Noong tumagal ay naging close kami, humingi siya ng tawad sa nangyari. Dare lang daw iyon ng mga kaibigan niya. “Ano ka ba. That’s fine, lalo na kapag ikaw,” wika ni Kaizer nang isuot niya sa akin ang seatbelt. Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa mukha niya dahil sobrang lapit namin sa isa’t isa nang bigla siyang tumingin sa akin at kumindat. Halos mabingi ako sa pintig ng puso ko. Crush lang, okay? Hindi na puwedeng tumaas pa roon. Nagsimula na siyang magmaneho pero panay ang tingin niya sa gawi ko. “Kapag nabangga tayo, hindi ka na makalilingon,” usal ko na ikinatawa niya. “Chill, miss. Ang ganda mo kasi kaya hindi ko mapigilang tumingin,” sagot ni Kaizer na ikinapula ko kaya tumingin na lang ako sa bintana. Nang makarating kami sa paaralan ay naunang bumaba si Kaizer para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. “Sige, bye. Thanks talaga, Kaizer!” wika ko, pero bago ako tuluyang makalayo ay nag-flying kiss pa siya. Napaka-flirt talaga ng lalaking ito. Pagkapasok ko pa lang sa room namin ay nakaupo na sina Venice habang nag-aabang sa akin. “O, ayan na pala si Rapunzel,” wika ni Elena na hinawakan ang buhok ko at sinuklay-suklay pa. “Ano na, ante? Magkuwento ka na, nakita namin kayo ni Baklang Elena sa labas n’ong mag-flying kiss siya sa ’yo. Uy, kinilig ka, aminin!” sambit ni Venice habang sinundot-sundot pa ang tagiliran ko. Kaagad naman akong napabuntonghininga dahil wala naman akong choice kung hindi magkuwento. “Nakisabay lang ako kasi si Mang Pedro, alam mo naman ang matandang ’yon, pinalayas na naman kami sa apartment,” pagsisimula ko habang inilalagay ang bag ko sa upuan. Para naman silang tanga na nakasunod sa akin. Pagkatapos niyon ay naupo sila sa katabing upuan. “Ayon, parang knight in shining armor si Kaizer n’ong iligtas niya kami mula sa malupit na si Mang Pedro. Tapos sabi niya girlfriend raw niya ako,” wika ko. Napatakip ako ng mukha habang nagpapadyak at tili naman silang dalawa. Nakaagaw atensiyon tuloy kami sa mga kaklase namin na abala sa ginagawa nila. “Tumahimik nga kayo,” awat ko na ikinahalakhak ng dalawa. “Tanga ka, beks. I-push mo na ’yang sa inyo ni Fafa Kaizer, hulog na hulog na sa ’yo, e,” sambit ni Venice habang itinutulak-tulak pa ako. Hobby talaga niya ang manakit kapag kinikilig. “Hindi, a. Mabait lang talaga ’yon, saka kaibigang babae kaya ang ibig sabihin ng girlfriend,” wika ko. Ayaw kong mag-assume kaagad dahil baka masaktan lang ako sa huli. “Ayan, sige. Gawin nating tanga ang self, ha!” sambit ni Elena. Sabay-sabay kaming tatlo na umuwi dahil iisa lang naman daw ang daraanan. Pilit silang nag-aaya na mag-overnight sa amin dahil malaki naman na raw ang apartment na libre ng boyfriend ko. Aalma pa sana ako, pero sasabihin daw nila na gusto ko si Kaizer kapag hindi ako pumayag kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang. “Kumuha muna kayo ng damit bago dumiretso sa amin,” sambit ko na ikinatango nilang dalawa. Ang totoo ay balak ko munang mahpunta sa restaurant na sinabi sa akin ni Janna. Papalitan ko muna siya dahil hindi siya makapapasok. Malaking tulong na rin ang kita para mabawasan ang hiram namin kay Kaizer. “O siya, sige na mga baks, mauuna na ako,” paalam ko, pero bago kami makaalis ay itinuro ni Venice ang isang Land Cruiser. “Tingnan mo ’yong labas ng sasakyan, may guwapong nakatayo, pero mukhang natatae,” usal ni Venice na ikinatawa naming tatlo. Tama sila, mukhang nasiraan ang sasakyan. “Ang guwapo, siguro siya ang driver. May tao siguro sa loob, tara kumaway tayo,” pilyong sambit ni Venice habang nagtatawanan pa kaming tatlo at kumaway. Nag-oppa heart pa ako kahit hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Natigil kami nang pumasok ang lalaki sa sasakyan kung kaya’t naisipan naming maghiwalay na ng mga landas. “O, alam mo naman na siguro ang gawain ng mga waitress? Kunin mo ang order at ibigay sa amin, okay?” sambit ng isa sa chef na ikinatango-tango ko. Narinig ko pa silang nagtatawanan bago ako umalis. “Napakamanang, ’di ba?” bulungan nila na ikinangiti ko na lamang habang palabas ng cooking area. Sanay na ako sa mga ganoon, madalas ay tinatawag nila akong mukhang lola dahil sa pananamit at ayos ko, pero mabuti na lang at hindi ako sinasabihan nina Venice, Elena, at Kaizer ng ganoon kahit totoo naman. Hindi ko na dapat itaas ang expectation ko na magugustuhan ako ni Kaizer lalo na at pagdating sa physical appearance, talo na kaagad ako sa mga babae na laging nakapaligid sa kaniya. “Waiter!” sigaw ng isang babae na nakasuot ng red bodycon dress na hapit sa katawan niya. Dali-dali akong pumunta roon at pinahid ang luha sa mata ko. Kailangan kong mas mag-focus sa trabaho at hindi sa ibang bagay. “Ano po ang order nila, ma’am?” tanong ko. Maarte nitong inilipat ang pahina upang pumili ng pagkain. “Steak. How about you, baby?” tanong nito sa lalaking kasama na nakatingin sa akin. May dumi ba sa mukha ko? Grabe naman ang itsura ng lalaking ito, napakaguwapo, parang isa sa mga Greek god. Asul ang mga mata niya na parang mahihipnotismo ang sinumang titingin. “Baby?” ulit ng babae habang naghihintay kami parehas ng isasagot ng lalaki. Ngunit nagulat kami parehas nang isinagot nito ang wala sa menu. “You. I want to order you,” sambit niya na ikinanganga ko. Ano raw? Ano ba itong nangyayari, ni hindi ko nga siya kilala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD