Nang makita ni Elaine na lumabas na si Mariella sa silid ay kaagad siyang naglakad papunta rito, ngunit napahinto siya nang makitang umiiyak ito. “A-Ayos ka lang ba?” tanong ni Elaine. “You’re lucky, I—I—” Hindi na tinapos ni Mariella ang sasabihin at tuluyan nang umalis. “Wife,” tawag ng binata mula sa likuran niya kaya agad siyang napalingon upang tingnan ito. “Are you okay?” tanong nito sa kaniya at wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. Wala naman siya sa posisyon upang tanungin kung ano’ng napag-usapan nila ni Mariella at isa pa, privacy ito ng binata. Nang makapasok siya sa silid ay kaagad niyang ibinaba ang aso na regalo sa kaniya ng binata kasama ang pusa upang maiunat ang kaniyang mga braso. Kanina pa kasi niya hawak ang mga ito sa labas, baka nayayamot na rin ang mga

