Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko upang tingnan kung ano iyon at may nakita akong hindi pamilyar na babae habang nag-uusap sila ng lalaki.
“Why do you want me to add you to my collection?” maangas na tanong nito habang nanggagalaiti naman sa galit ang babae na gumagamot sa kaniya.
“Excuse me, womanizer, huwag mo akong igaya sa pinsan ko na nagkagusto sa ’yo. Iniisip ko nga hanggang ngayon ano nagustuhan niya sa ’yo, e,” wika ng babae na ikinapagtaka ko.
Sino kaya ang tinutukoy nila?
Kailangan ko nang lumabas, pero nakakahiya kung aabalahin ko ang pag-uusap nila.
“Don’t ever discuss that woman in front of me,” sambit ng lalaki na kaagad tumayo at kinuha sa bulsa ang pakete ng sigarilyo.
“Bitter ka pa rin ba, Louis? Huwag mong sabihin sa akin na fling mo lang ang babae na ’yan. From what I heard from your mother, she will be your wife for some reason. I pity her! Makikisama siya sa isang lalaki na hindi pa yata nakaka-move on sa ex niya,” wika nito at tumayo para harapin ang lalaki nang bigla itong sumagot pabalik sa kaniya.
Louis pala ang pangalan ng lalaki. Bagay na bagay ito sa kaniya. Napailing ako naisip, marahil ay epekto lang ito ng pagligtas niya sa akin.
“Leave. I suggest that you should mind your own business, and don’t ever insult my future wife again,” sabi ni Louis at itinutok ang pistol sa ulo ng babae.
Hindi ko naman mapigilang mapakunot ang noo sa ginawa niya, is he referring to me? Ang alam ko kasi ay magpapakasal kami para sa utang ni Ama.
Hindi natinag ang babae, ngumisi lang ito. “Yeah. I don’t plan to meddle in your family business. Besides, wish ko nga na magtagal kayo,” wika ng babae at tuluyan nang umalis.
Dali-dali akong bumalik sa kama upang magpanggap na natutulog dahil narinig ko ang yabag ni Louis papasok sa silid.
Tanging naririnig ko lang ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kasabay n’on ang ingay ng kama nang maupo siya sa gilid ko. Napahinga ako nang malalim dahil naanoy ko ang perfume niya.
Masyado itong mabango.
“I know you're awake. Let's have some dinner, wife,” wika ni Louis. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung magpapanggap ba ako na natutulog o ididilat ko na ang mata ko. And the way he called me is . . .
I wanted to eat first, pero kailangan ko nang umuwi sa amin dahil paniguradong hinahanap na ako ni Ama.
“Hindi ka ba didilat diyan o gusto mong patirikin ko ang mata mo? How about that, Mrs. Montemayor?” bulong niya habang ang hininga niya ay nagbibigay kiliti sa aking tainga.
What did he mean? Mrs. Montemayor? Don’t tell me that he is a Montemayor, the family where my father used to work?
Kaagad naman akong dumilat at nagtama ang mga mata namin. Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hilahin pabalik sa kama. “Are you okay? May masakit pa ba sa ’yo?” tanong niya na ikinailing ko.
“I'm fine. Kain na tayo,” usal ko na ikinatango niya.
“Okay, I’ll just change my clothes, wait me outside or here if you want to see my body,” sambit ni Louis na ikinatakip ko ng mukha nang bigla niyang hubarin ang T-shirt niya.
“Lalabas na ako,” sagot ko at dali-daling tumakbo palabas ng kuwarto nang bigla siyang humarang sa pinto na ikinaharap ko.
“Is this your first time seeing a man’s body?” tanong ni Louis habang nakatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Halos mabingi na ako sa t***k ng puso ko.
“.A-Ano kasi,” nauutal na wika ko nang bigla niyang ilapit sa akin ang katawan niya. Was he testing me?
“We will be married before this year ends. Maybe we should have our honeymoon now? What do you think?” tanong ni Louis. Tagaktak ang pawis ko kahit napakalakas ng aircon dito sa loob ng silid.
Ano ba ang sinasabi niya? Wala naman akong sinabi na pumapayag ako sa kasal na ang tanging alam ko lang ay parang nangako si Ama para mabayaran ang utang niya.
“Ano bang kasal ang sinasabi mo?” tanong ko habang ibinubuhos ang buong lakas para itulak ang katawan niya.
Kung sabagay, napunta ako sa kalagayan na ito dahil gusto kong malaman ang tungkol sa sinasabi ni Louis na kasal na ayaw sabihin sa akin ni Ama.
“Why didn’t your father tell you? Ha, that old hag is really a headache. Maybe I should kill him,” wika ni Louis na ikinalaki ng mata ko kaya kaagad ko siyang sinigawan.
“Don't you ever do that. I swear, I will call the police to sue you!”
Tinakpan niya naman ang labi ko gamit ang kamay niya. “Shh. Don't shout.”
Marahas kong tinatanggal ang kamay na nakatakip sa bibig ko, pero sadyang napakalakas niya. Sa sobrang inis ko ay kinagat ko ang palad niya kaya napabitiw siya.
“My father is innocent. Kayo nga itong—” Bago ko matapos ang sasabihin ko ay dumampi ang kaniyang labi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko gulat.
Nang makabawi ako ay sinampal ko siya nang malakas.
“f**k, why did you do that?” Nakakunot ang noo at hinawakan ang kamay ko na ikinadaing ko dahil sa sakit.
“You didn’t even ask for permission when you tried to kiss me. Ano ang ine-expect mong gawin ko?” sagot ko.
“I will tell you this once. You're my fiancèe now, therefore, behave nicely. This marriage is the payment of your father’s debt to us. And listen carefully, he’s the one who proposed this thing,” wika ni Louis na ikinahina ng katawan ko.
Parang kanina lang ay ayos pa ang mood niya, pero ngayon parang ibang tao na siya.
Lumabas siya sa silid at naiwan akong tulala. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang buong kuwento, pero isa lang ang malinaw sa akin, ako ang kabayaran sa utang ni Ama.
Naantala ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto. Nang buksan ko ito ay isa itong maid. “Ma’am, pinabababa na ho kayo ni Sir Louis. Kumain na raw po kayo sa dining room, huwag n’yo na raw pong hintayin na buhatin ka pa niya.”
Hindi naman ako sumagot kaya umalis na lang ito.
Kailangan ko nang umuwi at mas mabuti siguro kung pipilitin ko si Ama na magsalita tungkol sa bagay na ito.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto at tumambad si Louis na nakakunot ang noo.
“Let’s go. You should eat to gain your energy,” wika ni Louis at saka ako binuhat na parang sako ng bigas sa kaniyang balikat.
Magagalit si Ama kapag hindi pa ako umuwi ngayong gabi, siguradong sasabihin niya ito kay Kaizer para magpatulong na hagilapin ako.
“Ibaba mo ako! Kailangan ko nang umuwi!” sigaw ko habang naglilikot. Pababa na kami ng hagdan. Napatigil ako nang biglang may pamilyar na boses na nagsalita.
“Elaine . . . ,” wika nito at nang itaas ko ang paningin ko ay nakita ko si Kaizer na nakatayo habang ang kamay niya ay nasa bulsa.
Ano’ng ginagawa niya rito?
Kaagad akong nagpumilit bumaba sa pagkakabuhat ni Louis, ngunit sa sobrang lakas niya ay hindi ko ito magawa kaya napabuntonghininga na lamang ako.
Mukhang wala akong choice kundi kausapin si Kaizer sa harapan niya.
“Kaizer, ano ang ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang lumitaw sa mansion ni Louis. Ni hindi ko pa nga natatawagan si Ama dahil natatakot ako na mag-panic ito.
“Wife, how did you know him?” sabat ni Louis habang nakataas ang kilay niya sa pagtataka.
Hindi ko gusto ang posisyon namin dahil nasa balikat niya ako habang nakahawak siya sa gawing baywang ko upang hindi ako mahulog kaya nakaharap ako kay Kaizer na parang ahas.
“Anong wife ka riyan? At saka puwede bang ibaba mo na ako? Nahihirapan na kaya ako sa posisyon na ganito,” reklamo ko habang sinusubukang gumalaw, ngunit nagulat ako nang bigla niya akong ibaba sa balikat at saka binuhat na pa-bridal style na ginawa niya noong iniligtas niya ako.
Ano ba ang ginagawa niya? Baka kung ano ang isipin ni Kaizer!
Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa hiya na nararamdaman, pero nagulat ako nang biglang higitin ni Kaizer ang kamay ko.
“Elaine, halika na, umuwi na tayo. ’Di ba, gusto mo nang makita si Tito?” tanong ni Kaizer. Halata sa boses niya na parang malungkot siya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Ama ang dahilan bakit ako napunta rito.
Akmang magsasalita na sana ako nang biglang sumagot si Louis, “What do you think you're doing, jackass?”
Nang dumako ang tingin ko sa mukha niya ay nakakunot na naman ang makapal niyang kilay na parang hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ni Kaizer.
“It's obvious that Elaine wants to go home. Just let her go and look for someone who is suitable for your s**t,” singhal pabalik ni Kaizer at humigpit ang hawak sa kamay ko. Mas lalong tumaas ang tensiyon sa pagitan nila kaya huminga ako nang malalim.
“Stop it, both of you. Oo na, gusto ko nang umuwi, pero nakakahiya kung aalis ako nang hindi pa nakakapagpasalamat kay Louis. I should thank him for saving me, and paano mo nalaman na nandito ako. Care to explain, Kaizer?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Mukhang may itinatago siya sa akin.
Hindi kaya ang pinag-uusapan nila ni Ama kanina ay tungkol sa kasal na sinasabi ni Louis? Kung gano’n, kailangan ko talagang malaman ano ang kaugnayan niya sa bagay na ito.
“I just followed you, that’s it,” direktang sagot ni Kaizer na hindi ko pinaniwalaan.
Masiyadong halata kapag hindi siya nagsasabi ng totoo. Besides, kung sinundan niya ako, bakit hindi siya ang tumulong sa akin?
“Tapatin mo nga ako. May alam ka ba sa mga nangyayari? Like, this deal?” tanong ko. Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin na parang ayaw niyang may masabi siyang hindi dapat.
“Wife, Kaizer is one of my fellow men at work. Can we continue in the dining room? He’s just wasting our time,” usal ni Louis na kaagad kong ikinanganga. Ano raw? Isa si Kaizer sa mga tauhan niya? Kung gano’n, may alam nga siya sa nangyayari!
I know that Montemayor Group has the darkest secrets like the one in their old building. I doubt that it was for legal business, I think they are part of an illegal organization.
Kaagad kong hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak ni Kaizer na hindi makapagsalita. There was a part in me na na-dissapoint. May alam pala siya, pero bakit pinili niyang itago sa akin? Edi sana ’di ba, hindi ko na inilagay sa panganib ang buhay ko para malaman ang bagay na may alam pala siya, or worse, parte.
“Elaine, sandali lang, magpapaliwanag ako, huwag ka naman magalit!” sigaw ni Kaizer na mabilis na naglakad upang sundan kami ni Louis.
Napabuntonghininga naman ako. This day, marami akong nalaman na ikina-disappoint ko lang. Mas mabuti kung hindi na rin madamay si Kaizer sa personal na problema ng pamilya namin dahil kami ang may utang sa pamilya ni Louis Montemayor.
“Kaizer, ayos lang. Wala ka dapat ipaliwanag. Puwede mo bang sabihin kay Ama na safe lang ako kaya huwag siyang mag-alala? Nasa mabuting kamay naman ako ng mapapangasawa ko,” wika ko at pilit na ngumiti. Hindi ko kayang magsinungaling kay Kaizer, pero ayaw kong idamay siya sa nangyayari sa pamilya namin lalo na’t isa rin siya sa mga tauhan ni Louis.
“Pero, Elaine, hindi naman—”
Pinutol ni Louis ang sasabihin ni Kaizer, “You heard my wife, Kaizer. Leave, and don't interrupt us again. We will be having our dinner,” pang-aasar ni Louis na agad namang ikinakagat ng labi ni Kaizer sa inis.
“f**k you. If you lay your hands on Elaine, I will kill you, Louis,” singhal ni Kaizer na masamang nakatingin kay Louis na hindi man lang natinag sa sinabi niya.
“I will lay a hand on her later on our bed,” pilyong sagot ni Louis na mas lalong ikinainit ng ulo ni Kaizer kaya naglabas ito ng baril na ikinagulat ko.
“Shoot,” matapang na sambit ni Louis na nakangisi.
Kaagad naman akong nagsalita na ikinatigil nilang dalawa. “Puwede bang tumigil na kayo? Gutom na ako. At isa pa, Kaizer, ayos lang ba na sigawan mo ang boss mo? Huwag ka nang mag-alala sa akin, ayos lang ako rito,” wika ko habang nakakrus ang mga kamay.
Napatalikod naman si Kaizer. “Magpasalamat ka at nandiyan si Elaine, ayusin mo lang ang pagtrato mo riyan,” wika nito at tuluyan nang naglakad paalis.
Itinaas ko naman ang tingin ko para makita si Louis. “Pumapayag na ako sa kasal na sinasabi mo, pero may kondisyon ako.” Nagtama ang mga mata namin. Umiwas ako ng tingin.
“What is it?” tanong ni Louis.
“Let me get down first,” utos ko. Nang ibaba niya ako ay hindi ko maiwasang mamangha sa chandelier na nakasabit sa kisame, at mas lalo pang nanlaki ang mata ko nang makita ang disenyo sa mansion.
“Wow,” sambit ko habang iniikot ang mata upang tingnan ang kabuuan nito. Isa lang ang masasabi ko, talagang napakayaman ng mga Montemayor.
Mabilis akong tumakbo nang makita ang malaking shelf na puno ng mga libro.
Matagal na akong mahilig sa mga libro lalo na sa nobela ni Arthur Conan Doyle na Sherlock Holmes, pero dahil wala akong pambili ng libro ay sini-search ko lang ito sa Google kapag nagkaka-data ako.
Sinusubukan kong abutin ang Sherlock Holmes na libro na nasa bandang taas ng shelf. Napasimangot ako nang hindi ko ito maabot, pero ibinuhos ko ang buong lakas ko para tumingkayad at tumalon. Nanlaki ang mata ko nang matutumba ang shelf dahil sa ginawa ko, pero bigla akong niyakap ni Louis habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa itaas ng shelf, ang mga libro ay tuluyan nang nahulog.
Sobrang lapit namin sa isa’t isa kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya. Wala itong bahid ng inis, pero nakita ko ang pag-aalala.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Louis na ikinatango ko.
Parang naputol ang dila ko habang ang puso ko ay parang hinahabol ng liyebre sa sobrang bilis ng kabog.
“Sir. Ako na po riyan. Nakahanda na po ang hapag para sa inyong dalawa,” usal ng isang lalaki na mabilis na pumunta sa gawi namin para ayusin ang shelf.
“Tulungan ko na po kayo,” prisinta ko. Itinulak ko naman nang marahan si Louis at nagtungo sa mga libro na nalaglag.
“Naku, ma’am, hindi na, magtatawag na lang ako ng mga maid,” wika ng lalaki. Sinubukan ko itong pilitin, pero tinanggihan lang ako kaya sa huli ay sumunod na lang ako kay Louis na papunta na sa dining room.
“Wife, do you want anything?” tanong ni Louis habang magkatabi kaming naglalakad. Ang gusto ko lang naman ay mahawakan ang libro ng Sherlock Holmes, hindi ko lang makuha dahil sa height ko.
“None,” maikling sagot ko.
Pagkatapos ng mahabang paglalakad ay huninto kami sa isang malaking pinto na may nakasulat na Salle à Manger na hindi ko maintindihan.
“It means dining room. Translated in French,” wika ni Louis na parang nahulaan ang nasa isip ko.
Nang buksan ito ng maid ay bumungad sa amin ang napakalaking mesa na gawa sa marboles. Sa gitna ay isang vase na punong-puno ng rosas.
“Here, let me help you,” wika ni Louis saka hinila ang isang upuan. Hindi ko alam kung bakit parang bigla siyang bumait, parang kanina lang ay halos mag-transform na siya bilang tigre.
“Salamat,” sagot ko bago tuluyang maupo.
Ang mga putahe ay dahan-dahang inihahanda ng mga lalaking nakasuot ng pang-chef. Para tuloy akong nasa mamahaling restaurant sa librong lagi kong binabasa.
Sasandukan na sana ako ng isang babae nang bigla kong kuhanin ang sandok sa mga kamay niya. “Ayos lang po. Ako na ang kukuha,” wika ko at ngumiti sa kaniya.
"Oo nga pala, Mr. Montemayor, tungkol sa kondisyon na sinasabi ko,” paalala ko habang nagsasandok ng kanin. Napatitig siya sa akin na parang hinihintay ang susunod na sasabihin ko.
Itutuloy ko na sana ang sasabihin ko nang biglang may pumasok sa pintuan na lalaking naka-tuxedo. Tumigil ito sa harapan ng lamesa.
“Oh, I see you’re having dinner with one of your flings,” sambit nito at tiningnan ako na parang kinikilatis.
“Well, sorry to interrupt, but, I found an information about Mariella and she’s in the hospital right now,” pagtutuloy nito na parang walang pakialam sa presensiya ko.
Tumayo si Louis. “Excuse me, wife,” sambit niya at hinalikan ako sa noo na ikinagulat ko. Bago pa man ako makapag-react ay lumabas na siya kasama ang lalaki na kapapasok lang.
Sino ba ang babaeng tinutukoy nila? Ganoon ba siya kaimportante na kailangang sa labas pa pag-usapan at parang pinababantayan pa ni Louis?