Elaine Ilang araw na ang nakalipas simula noong tangkain kong maglayas sa mansion ni Louis gamit ang tulong ni Blaire, ngunit naudlot ang lahat ng iyon nang mahuli kami. *** “And where do you think you’re going?” tanong ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki. Kaagad naman akong napapikit nang mariin. Naramdaman ko ang pagpisil ni Blaire sa kamay ko kaya wala akong nagawa kundi mapalunok. “Ang sabi ko, saan kayo pupuntang dalawa? Care to explain?” tanong nitong muli. Wala naman akong nagawa kundi humarap upang tingnan kung sino ang nagsalita. Siguradong malalagot kami ni Blaire oras na si Louis ang binatang ito. Nang humarap ako ay halos malaglag ang panga ko nang makita si Tyron na nakakunot ang noo. Bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit kami aalis ni Blaire. “Tyron?”

