DRAKE POV'S
"s**t narinig kaya ni papa ang pinag usapan namin?." mahinang sambit ko sa aking sarili.
"Ahh uncle, surprise kasi yun para sa wedding nyo ni tita Ann." bungisngis na paliwanag ni Paulo.
Buti na lang andyan si Paulo. Magaling talaga sya sa biglaang paliwanag kasi kung ako yan, mahuhuli na talaga. Agad ko namang nakita ang ngiti sa mukha ni papa.
"Nako, pinapagod nyo pa ang tita nyo. Wag na kayong mag abala masyado para sa surprise na yan, kayo naman." malambing tinig ni papa.
"Ano ka ba sweety, syempre gusto ko special ang mangyayari sa kasal natin. Hindi na tuloy surprise nalaman mo na eh." mahinhin na tinig ni ann habang hinahaplos ang balikat ni papa.
"Papa? Akala ko bukas pa ang uwi mo?"
"Eh napa aga, si uncle mo na daw ang bahala duon para makapag pahinga ako. Alam mo na lumalala na tong sakit ko." malungkot na tinig ni papa.
Agad ng nag paalam si papa para makapag pahinga, at inalalayan naman sya ni Ann sa kanyang kwarto. Naiwan naman kami ni paulo na nagke kwentuhan sa sala.
"Nako pare, delikado talaga yang ginagawa nyo." bulong ni paulo.
Talagang delikado, mas nakakatakot pa sa horror. Pero anong magagawa ko? Parang kay ann na umiikot ang pang araw araw ko. Kada gising ko tinig nya ang hinahanap ko, ang amoy nya na di maalis sa isip ko. Para na akong mababaliw sa kanya.
"Delikado talaga, pero wala eh. Hindi ko nga alam pare kung ano talagang binabalak ni ann. Hindi ko din naman sya maiwasan, sa araw araw ba naman kaming mag kasama dito sa bahay. Sa tingin mo ba makaka iwas ako?"
Napa buntong hininga na lang si Paulo. "Sabagay tama ka, mahirap din yan sa sitwasyon mo at ni ann. Pero pare sa tingin mo ba okay ang motibo ni ann sa inyo? Lalo na sa papa mo." ika nya.
Agad naman akong napa isip sa sinabi ni paulo. May punto naman sya kasi sa totoo lang kung seryoso sya sa aking ama bakit kailangan naming humantong sa ganito. Bakit namin ginagawa to? Naputol ang pag iisip ko sa singit na paliwanag ni paulo.
"Sabagay pare, kasalanan mo talaga to. Hahahaha kung hindi ka din kasi nag pa akit eh, hindi kayo aabot sa ganyan." tawang asar ni paulo.
Kasalanan ko nga ba talaga? Kasi masyado akong nagpa dala sa bugso ng damdamin at init ng katawan. Ano ba kasing nararamdaman to? Bakit ganito. Ang sakit lang sa ulo. Agad ng nag pa alam si paulo upang umalis dahil magkikita pa daw sila ni Lei, ako naman ay nag ayos na ng lamesa at tumungo na muna sa kwarto.
-------------------------------
*KINABUKASAN
"Goodmorning sir drake, ayos na po pala ang mga papeles na pinapa ayos ng dad mo para sa kasal nila ni Ms Ann. Ipapa hatid ko na lang dyan sa bahay nyo sir mamaya." ika ng assistant ko sa kabilang linya.
Konti na lang pala at makukuha na nya ang apelyido ng aking papa. Ano bang binabalak mo Ann? Totoo ka ba talaga o lahat ng to may dahilan.
Agad na akong nag ayos upang makapasok na sa trabaho, pag baba ko sa sala at kitchen area himala na wala sila papa at si ann. Maaga pa naman baka tulog pa.
"Goodmorning sir, umalis po pala sila sir at mam. Pinapasabi po na mag aasikaso lang daw po sila ng mga gagamitin para sa kasal." agadang sabi ng aming katulong.
Tumango lang ako at nag pa alam na, sobrang busy na talaga nila sa pag aasikaso dahil ilang araw nalang magaganap na ang kasalan ng Monteverde. Papalabas na sana ako ng Gate ng bigla kong makita si Tita Marcela. Si tita marcela ay kapatid ni papa, himala at nandito ito. Ang pagkaka alam ko kasi ay nasa america to.
"Oh hijo, sakto ang pagbukas mo mag do doorbell palang sana ako." maligayang bati sa akin ni tita.
"Tita? Bakit po kayo naparito? Tyaka kelan pa? hindi ba nasa america po kayo?."
"Bakit tila parang ayaw mo? Hahaha."
"Hindi naman ho, kayo naman. Pasok po kayo umalis lang saglit si papa at may inasikaso."
Inalalayan kong makapasok si tita marcela. Sya ang bunsong kapatid ni papa. Mabait si tita at sa buong buhay nya wala syang inisip kundi ang kapakanan ng pamilyang Monteverde. Sa totoo lang sya ang pinaka paborito kong tita simula kasi noong nawala si mama sya ang umalalay sa amin ni papa upang hindi kami malugmok. Kaya malaki ang utang na loob namin sa kanya.
"Drake iho, nabalitaan ko na ikakasal na ang papa mo. Kaya ako umuwi dito para kilatisin ang babaeng napaka swerte na pakakasalan ng iyong ama."
"Ah oho tita meron na nga po."
"Kamusta naman ang babae? Ann diba ang ngalan nya?"
"Okay naman ho sya tita mabait, maganda, maasikaso at talagang napaka sar..."
"Napaka ano hijo?"
"Napaka hinhin tita." ngisi kong sagot
Ano ba naman yan drake mahuhuli ka pa sa ginagawa mo hindi ka nag iingat. Ibang klase ka talaga ann. Lahat ata ng imagination at utak ko na sayo na. Sinamahan ko muna si tita habang wala pa sila papa. Nag kwentuhan, kamustahan at asaran. Walang nagbago kay tita. Kung hindi sana kami iniwan ni mama baka ganito ang pakikitungo namin sa isat isa, kaso wala eh mas pinili nya ang ibang lalake kesa kay papa. Ipinaghanda ko muna si tita ng maiinom na kape habang nag aantay.
"Oh hijo, may nobya ka na ba?."
Napalunok ako sa tanong ni tita. Paano ko sasabihin na wala pero may kinagigiliwan na at ito ang aking magiging ina.
"Ahh e-eh tita wala pa ho, tyaka na ho muna yan trabaho pa ang nasa isip ko."
"Nako tumatanda ka na. Ilan taon kana uli bente tres tama? Kailangan mo ng mag hanap para naman hindi malungkot ang buhay." tawang sagot ni tita.
Eto si tita akala mo sobrang tanda ko na para agarin.
"Alam mo naman ang sitwasyon ng papa mo. Para naman maabutan nya pa ang mapapangasawa mo at magiging anak mo." dagdag na paliwanag nya.
Gets ko ang point ni tita. Ang tanong mage gets nya din kaya ang nangyayari sa pamamahay na ito. Habang nagkekwentuhan kami ay dumating na sila papa at ann.
"Oh marcela, anong ginagawa mo rito?." tuwang bati ni papa kay tita.
"Hola kuya, mapapalagpas ko ba naman ang kasal mo. Ikaw talaga. Kamusta ang pakiramdam mo mabuti ba?."
Agad na hinila ni papa si tita sa kanyang silid. Agad naman akong nagtaka kung bakit kailangan sa silid pa nya ito kailangang kausapin. Samantalang si ann naman ay tinutulungan ang mga katulong na ayusin ang mga pinamili. Agad akong sumunod kela papa upang makinig sa kanilang usapan. Hindi ko alam bakit ganto? Hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba pero parang may kakaiba kay papa sa paghila nya kay tita.
"Marcela, unti nalang ang natitira kong araw. Lumalala na ang sakit ko sa puso."
"Anong pinagsasabi mo kuya? Alam naba ito ni drake? Anong sabi ng doctor."
"Limang bwan marcela. Kaya nga minamadali ko na ang kasal namin ni ann. About naman kay drake nai transfer ko na lahat ng papeles ng kompanya at business namin. Sa kanya ko ipapa mana lahat to."
Nabigla ako sa aking narinig. Limang buwan? Pano nangyari yun? Sa anong dahilan bakit hindi ko man lang to nalaman. Para akong nanlumo sa aking mga narinig, agad akong bumaba at pumunta sa kusina upang uminom ng tubig.
"Drake? okay ka lang ba anong nangyari?" alalang tanong ni ann.
Agad akong napayakap kay ann sa sobrang bigat ng aking dinadala. Hindi ko alam saan ko ilalagay tong dinadamdam ko. Sobrang bigat at sakit ang mga narinig ko mula sa aking ama at kay tita marcela.
"Drake?!" gulat na tawag ni tita marcela.
"T-tita?"
"Bakit ka nakayakap kay ann?." takang tanong nito.
Hindi ako agad nakapag salita at pinunasan na muna ang aking luha dahil pababa na si papa.
"Tita alam ko na lahat."