CHAPTER 15

1287 Words
Ann Pov's Dumaan ang mga araw. Walang aberyang nangyayari. Lahat ng dapat tapusin sa kasal ay nagawa na namin ni leo. Invitation, venue, theme at ang aming mga susuotin pati sa mga bisita. Sobrang plakado ng mga plano. Sobrang ganda ng mga kinalabasan ng aming kasal. "Ate i'm so excited for you. Pero at the same time malungkot din ako." Ika ni lei "Ha bakit ka naman malulungkot hindi ka ba masaya sa nangyayari? Umaahon na tayo sa hirap hindi mo na kailangan gawin yung mga dati mong ginagawa. Settled ka na rin kay paulo at higit sa lahat makakabalik ka na ng pag-aaral." Paliwanag ko kay lei "Masaya naman ako sa nangyayari ate, ang akin lang malungkot ako kasi isinantabi mo ang pangarap mo para sa ating dalawa. Para sa akin." Malungkot na tinig nito Naisip ko na rin ang mga pangarap ko. Ang gusto kong kasal, ang pangarap kong lalaki, at ang masayang buhay na nais ko para sa akin. Pero ayokong maging unfair sa aking kapatid. Wala na sila mama at papa pati ba naman ako mawawala sa kanya. "Ano ka ba huwag ka ng mag-isip diyan. Maging masaya na lang tayo ngayong araw dahil ito na ang inaantay natin. Halika na dito at tulungan mo na akong mag-ayos kailangan ako ang pinakamaganda sa simbahan maliban sa iyo." Pag-iba ko sa usapan namin. Tinulungan na ako ni lei sa aking makeup hindi na ako nagpakuha ng makeup artist dahil alam ko namang kaya ko na ito, at ang gusto ko sa araw ng kasal ko si lei ang mag-aayos sa akin. Kahit alam kong peke lang ang lahat para sa akin. Maaga pa lang ay nag-ayos na kami. Nakahanda na ang lahat sa simbahan kami na lang ni leo yung inaantay. Magkahiwalay kami ng sasakyan ni leo siya ang mauuna at ako ang huli. Ganun naman talaga pag ikinakasal. Napapanood ko lang ito dati sa tv yung ganitong kagarbong kasal pero ito na ako ngayon ginagawa na ito hindi nga lang sa totoong lalaking mahal ko kundi sa lalaking mag-aahon sa amin sa hirap. Lahat ng bisita ay nasa simbahan na samantalang ako naman ay nag-aayos na upang sumakay na sa sasakyan ko. Hindi ko malaman kung bakit kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako ngayong magiging parte na ako ng pamilyang monteverde. Nakadating naman akong safe sa simbahan ang daming tao gawa ng ang dami ding kamag-anak ni leo. Umuwi ang iba niyang mga kapamilya galing ibang bansa. Halatang sobrang espesyal sa pamilya niya ang okasyon na ito. Ikaw ba naman muling ikasal sa edad na 50. Nakababa na ako ng sasakyan at handa ng lumakad patungo sa altar, naiiyak ako hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil sa lungkot sa mga sinabi sa akin ng aking kapatid. Eto na yung araw na pinaka inaantay namin ikakasal na ako kay leo monteverde. Bumukas na ang pinto ng simbahan at natatanaw ko na sa dulo ng altar si leo nakatayo at nangingiyak-iyak pa. Dahan-dahan na akong naglakad ng hindi ko mapansin na dahan-dahan na rin pumapatak ang mga luha sa aking mata. "Mr leo monteverde do you accept ann velasquez as your beloved wife through sickness and in health." Tuloy-tuloy na wika ni father "Yes i do." Masayang sambit ni leo. "Miss ann velasquez do you accept mr leo monteverde as your beloved husband through sickness and health." Wika naman sa akin. "I do father." "You may now kiss the bride." At doon na nga hinagkan ni leo ang aking mga labi. Napapikit na lang ako habang lumuluha parang gustong tumakbo ng mga paa ko paatras hindi dahil sa takot kundi dahil sa lungkot. Kung wala lang siguro si lei hindi ko gagawin ang lahat ng ito. Hindi ako magsasakripisyo. Maayos na natapos ang aming kasal ni leo agad na rin kaming pumunta sa venue kung saan gaganapin ang party after the wedding. Ang daming bumati sa amin sa kanya at sa akin halos mahigit kapamilya niya at tanging si lei lang ang meron ako. Masaya ang party nag-cut pa kami ng cake at may nag-perform pa sa harap may mga kumanta at may mga nag-message. "Good day everyone please welcome ang last na magme-message sa pamilyang monteverde." Wika ng host ng party. "Please welcome mister drake monteverde the son of mr leo monteverde." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pangalan ni drake akala ko hindi talaga siya makakapunta sa kasal namin. Wala pa ring pinagbago sa itsura niya siya pa din ang drake na makisig na nakilala ko. "Together with ms trixie hernandez." Habol ng host sa event. "Trixie hernandez, bakit parang hindi pamilyar sa akin ang pangalang iyon." Wika ko sa aking sarili. Nakita kong tumayo na si drake kasama ang babae na tinutukoy ng host maganda ang babae na ito matangkad sexy at tila hindi nya rin ka edad eto na kaya ang tinutukoy ni leo sa akin noon na magdadala ng mapapangasawa ang kanyang anak. "Hello everyone good evening this is drake the son of leo monteverde, i hope you enjoy the party guys and to my dad and my stepmom, i just want to congratulate you for this special day. Sana maging masaya kayong dalawa. Papa andito lang ako palagi as your son alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin, i will support you no matter what happened kung ano man ang gustuhin mo sa buhay. And for you tita ann my mom or stepmom congratulation hopefully mahalin mo ang tatay ko kagaya ng pagmamahal niya sayo susuportahan ko kayong dalawa palagi, just enjoy your day thank you." Hindi naman nagsalita ang babae at maya-maya pa ay ang host na ulit ang nagsalita. Lumapit sa amin si drake kasama ang trixie na binanggit ng host kanina nakatingin lang ito sa akin at ngumiti. "Drake my son i'm so glad na nakapunta ka hindi kita napansin kanina sa wedding nandoon ka ba?." Tanong ni leo kay drake. "Ah wala ako doon papa, sinundo ko pa kasi si trixie kaya hindi ako nakahabol kaya dito na lang kami agad dumiretso." Wika naman nito. "Trixie? Hello friend ka ba ng anak ko nice to meet you thank you so much sa pagpunta dito at pagsama kay drake." Pasasalamat naman ni leo sa babae. "Hello po wala po iyon by the way congratulation po miss ann and sir leo." Mahinhin na sagot ni trixie. "By the way papa this is trixie. Trixie hernandez my girlfriend." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko kay drake. Sobrang linaw ng mga boses at mga words na binatawan nito. Hindi ko lubos maisip na sa loob ng limang buwan ay nandito na siya kaharap na namin may kasama ng iba. Bigla na lang akong inubo ng marinig ko ito agad namang napatingin sa akin si drake at si trixie. "Are you okay tita?" Tanong ni trixie. "Yes don't mind me i'm okay by the way thank you so much for coming. And congratulation drake." Malamig kong sagot sa kanila. "Thank you tita. By the way papa may dala kaming regalo ni trixie mamaya i-unbox na lang natin i'm sure matutuwa ka doon" "Yes tito and tita pinaghandaan talaga namin ito ni drake." Nagpaalam muna silang makikipag-usap sila sa iba pa nilang kamag-anak at ipapakilala daw muna niya si trixie sa iba pa agad naman pumayag si leo doon, samantalang ako naman ay nagpunta na muna sa ladies room. Hindi ko kinakaya ang mga narinig ko para akong hihimatayin bigla sa kinauupuan ko kailangan kong huminga dahil hindi pwedeng mahalata ni leo na no bother ako sa mga sinabi ng anak niya. Hindi pwedeng masira ang gabi na ito dahil lang sa pagbabalik ni drake kasama si trixie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD