CHAPTER 1

2127 Words
VESSA POV First day school namin ngayon tinanghali naman ako ng gising. "Vessa bilisan mo tanghali ka na nga gumising ang bagal mo pang kumilos "- sabi ni Mama sa akin. "Ano ba Ma hindi tatakbo ang school"- sabi ko dito. " Bakita ka nga pala tinanghali ng gising ang aga aga naman natin natulog kagabi"- sabi nito sa akin. Well gumimik ako kasama ang mga kaibigan ko kagabi 1:00 A.M. na kami nakauwi ng mga kaibigan ko. Ito kasing si Mama hindi ako pinapayagan yan tuloy natuto akong tumakas. "Vessa dalian muna dyan puro ka paganda wala ka na naman igaganda "- sabi ni Mama sa akin. "Ano ba Ma kanina ka pa mas maganda kasi ako sayo kaya mo sinasabi yan"- sabi ko sa kanya habang nag sasalamin. " Sa akin mo lang namana ang kagandahan mo"- pataray na sabi nito. Close kami ni Mama halos mag tropa lang kami dito sa bahay swerte ko pa rin sa kanya dahil maalaga at mabait si Mama At si Papa naman ay sobrang higpit sa akin nasa kapitbahay lang ako tudo tawag agad sa akin kaya no choice akong tumakas sa kanila. " Oo na Ma ! Sayo talaga nag mana ang kagandahan ko "- sabi ko dito sabay kumiss na ako sa pingi niya. "Bye Ma alis na ako"- sabi ko dito. Pagdating ko sa school ay agad na may tumawag sa akin. "Vessa!!"- sabay sabay na sabi nila. By the way I'm Vessa Ferrer ang kaisa isang PLAY GIRL sa buong campus. Simple lang akong babae ngunit mapanakit pagdating sa pag - ibig. "Mga Bakla"- sabi ko sa mga ito. "Ano G ka ba mamaya "- sabi nila sa akin. " Ngayon na kaya"- sabi ko sa kanila. " Uyy first day ng Klase natin ngayon tapos mag cucutting agad tayo"- sabi ng isa kong kaibigan. Yes nag cucutting kami mula ng mag high school ako natutu ako at mag half day palagi ang pasok. Dalawang beses sa isang linggo ako kung pumasok sa school na ito. " Magpapakasanto muna tayo ngayon"- sabi ko sa kanila at lumakad na kami sa loob ng school. "Vessa! "- tawag ng isang lalaki "Oh bakit"- sabi ko dito. "Tanggapin mo sana itong bigay ko"- sabi nito sa akin. Mukha siyang nerd at ayoko sa mga nerd nu hate ko sila yuckk iww.. " Girls inyo na yan"- sabi ko sa kanila. Pink Rose's at Chocolate ito pero hindi ako tumatanggap galing sa mga nerds . " Ah vessa "- sabi ng isa pang lalaki. Gwapo at matangkad. " Ah yes"- sabi ko dito. " Chocolate pala "- sabi nito sa akin sabay abot "Thank You"- sabi ko sa kanya. Sabay alis na ito. "Vessa haba naman ng hair mo"- sabi nila sa akin habang alaala ay hawak nila ang mahaba kong buhok. "Wag mong tapakin ang buhok niya Jess sa sobrang haba nito mula dito hanggang sa labas"- sabi nila sa akin Tumawa lang kaming magkakaibigan. "Hirap talagang maging maganda"- sabi ko sa kanila. "How to be you po? "- sabi ni Cheska. " Tara na nga baka dumating na ang professor natin "- sabi ko sa kanila. Apat kaming magkakaibigan at magkakaklase kami ngayon. Pagpasok namin ay nag didiscuss ang professor namin pero dere deretso lang kami. " Technology is abo---"- naputuloy ang sasabihin niya ng pumasok kami ng basta basta. "Miss Ferrer bakit kayo late?"- sabi niya sa amin. "Hindi po kasi kami maagap kaya na late"- sabi ko dito. " Aba't bastos kang bata ka"- sabi nito sa akin. "Sir iba ang bastos , ang bastos nag huhubad sa harapan at itong ginagawa ko hindi pang babastos yun sinasabi ko lang ang totoo"- sabi ko dito. Nagalit naman siya kaya pinalabas kami. "Get out Miss Ferrer "- sabi nito sa akin. "Aalis lang pala eh "- sabi ko dito. "Hindi ka talaga na dadala nu"- sabi niya sa akin. Lumabas ako at hindi sila sumunod pero pinalabas rin sila. " Kasama rin kayo doon labas "- sabi ni Professor sa tatlo. Paglabas ng tatlo ay laking tuwa ng mga ito. " Yes nakagawa ka nanaman ng paraan Vessa"- sabi nito sa akin "Ako pa beterano na ako diyan"- sabi ko sa kanila. "Ano arat dating gawain "- sabi ni Cheska. " G "- sabay sabay na sabi namin. Wala kaming paki kung pinalabas kami sa room na yun bagsak na kung bagsak atleast nakikita nilang pumapasok kami kaso nga lang saglitang pakita lang. Pumunta kami ngayon sa billiaran upang makipaglaro at makipag pustahan dati nanamin itong gawain. "Namiss ko to"- sabi ni Cheska. "Sino ba ang makakalaban namin?"- tanong ko sa nag babantay doon sila ang sinasabihan kung gusto makipaglaban sa isang tao o grupo. "Grupo nila Casandra "- sabi nito sa akin. Lumapit naman ako sa mga kaibigan ko. "Girls sila Casandra daw makakalaban natin"- sabi ko sa kanila. "Wow huh hindi pa siya na dadala "- sabi ni Jess. " Kung ako sa kanila aatras na ako"- sabi ni Cheska. At maya maya ay may nagsalita sa aming likuran. "Sinong aatras "- sabi nito sa amin. "Ohh Casandra Finally your here"- sabi ni Veronica kay Casandra. " Kung ako sayo aatras na ako"- sabi ko dito. "Hindi ka ba nadadala sa pagkatalo mo"- sabi ni Cheska sa kanila. " Ang yayabang ninyo ah ano?"- sabi nito sa akin . Aba't binabangga kami ng isang talonan . " Hindi sa pagyayabang Casandra kasi totoo ang sinasabi namin"- sabi ko dito habang nakalapit. "Simulan na natin baka kung saan pa mapunta yan"- sabi ni Kuyang nagbabantay. "Oky Game"- sabi ko sa kanila. " Tao o Ibon "- sabi ni Kuya. Toss coins itong huhulaan mo kapag tao common sense na may tao ito kapag ibon naman ito ay likod ng piso. " Tao "- sabi ko. "Ibon "- sabi naman ni Casandra Pinitik muna ito pataas sabay kuha sa ere binuksan ni Kuya ang palad niya at nanalo ako. "Tao"- sabi ni Kuya. " Hindi pa tayo nag sisimula talo ka na agad "- sabi ko kay Casandra. "Ang dami mong dada simulan na natin "- sabi ni Casandra. Kaming dalawa ni Cansadra ang ma uuna kasunod si Cheska at si Jenny ata yun kasunod naman ay si Veronica at si Kate at panghuli ay si Jess at Kyla. Good luck sa mga impaktang ito. Sinumulan ko ng i break at may humulog na uno . Kilangan namin ihulog simula uno hanggang kinse wala dapat ihuhulog na ibang numero dapat sunod sunod. Magkadikit ang pato at dos sinipat ko muna ito kung sasabit ba ito. Pag tira ko ay humulog ang dos " Ang galing talaga "- sabi ni Cheska Ngumiti lang ako sa kanya. At sinimulan ko ulit sumipat sa kasunod na titirahin ko. Ang tres Nasa gilid ang pato at ang tres ay nasa gilid rin nito sa kabila kaya pag tira ko ayon hulog. Pumalakpak ang mga kasama ko. At kasunod naman ay kwatro . Ang kwarto ay halos magkatabi sila at kilangan madaplisan ko ito ng katamtaman lang hindi pwedeng lakasan dahil kapag nilakasan ko ito ay maaaring hindi ito mahulog at may sabit itong kaunti gilid lang pwede kung ipatama dito. Pag tira ko ay hininaan ko ito ng katmataman at sa gilid ng pato ko ito nitira at yun hulog. " 4 shoots" sabi ni Kuya. Singko naman ang isusunod ko. Kaya sinipat ko ulit ito at gusto kong patalonin ito upang hindi tamaan ang kinseng katabi nito. Pagtira ko ng malakas ay tumalon si singko at gumulong gulong papunta sa butas at humulog ito. " Hahaha wag munang patirahin yan"- sabi ni Jess sa akin. " Gusto ko sanang patirahin siya ngunit ayaw ng tako sa kanya"- sabi ko dito at tumingin ng masama si Casandra. "Hahahaha "- tawa ng mga kasama ko at ng mga manonood. Maraming nanonood sa amin ngayon at halos lahat ng lalaki dito ay hangang hanga sa amin apat dahil magagaling daw kami mag billiard at astig tingnan sa babae nito kapag nag lalaro. Titira ko na ang sais ngunit mahihirapan ako kaya nag isip muna ako ng paraan kung paano ito mahuhulog na didikit sa syete. Buti na lang ay madali akong maka isip ng paraan. Ang sais ay nasa kabilang unahan at ang pato ay syete ay magkatabi at kapag tititrahin ito ay tatamaan ang siyete kaya ganun ulit ang gagawin ko. Pinatalon ko ulit ang sais nilakasan ko ulit ang pag tira at ayun hulog. "Yesss"- sigaw nila. Tinapos ko na ito hindi ko na pinatira pa si Casandra dahil na iinip akong kalaban siya. " Si Vessa ang panalo"- sabi ni kuya Kaya sumunod si Cheska halos hindi rin niya pinatira si Jenny at nanalo si Cheska sa huli. Ang sumunod sa grupo ko si Veronica ngunit naka ilang hulog lang ito at naka tira si Kate. "Ang hina niya talaga"- sabi ni kate na rinig ko naman pero hindi ko na ito pinansin pa dahil hindi naman ako pumapatol sa hindi ko ka level duhhh. Naka apat na hulog lang si Kate kaya tinapos na itoni Veronica. Hindi pa masyado marunong si Veronica noon buti na lang ay nagtuto siya palagi siyang tinuturuan namin tuwing andito kami sa billiaran. Nanalo si Veronica at last na ay si Jess at Kyla. Magaling si Jess kumpara kay Kyla dahil si Jess bata pa lang siya ay tinuruan na siya ng daddy niya. Halos pinanood namin lahat ang galing ni Jess miski isa ay hindi siya sumablay kaya sa huli ay nanalo siya. "Loser"- sabi ni Jess kay Kyla. "Alis mga talonan"- sabi ni Cheska. Hindi pa tayo tapos Vessa sabi nito sa akin at umalis na sila ng mga kasama niya. "Haynku kung ako kay Casandra kanina pa ako umatras"- sabi ni Cheska. "Hahahaha kahit mag practice pa sila ng sampung beses hindi nila tayo matatalo"- sabi ni Jess sa amin. "Veronica kunting practice ka pa"- sabi ko dito at ngumiti lang ito. " Thank you Boys sa pag support sa amin"- sabi ni Jess sa mga nanonood dito. Puro lalaki ang mga nandito halos lahat sila ay hangang hanga sa amin. Halos ng iba dito ay katropa na namin dahil iba daw kami sa ibang babae puro daw pabebe. "Oky Girls Let's go may pupuntahan pa tayo"- sabi ko sa kanila. Habang naglalakad kami ay may nabangga akong lalaki. " Ano ba bulag ka ba?"- sabi nito sa akin. "Bakla ka ba at pumatol ka sa babae"- sabi ko dito. "Anong bakla huh"- sabi nito sa akin. " Ikaw sino pa bang kausap ko"- sabi ko dito. "Iba rin miss no ikaw na nga may kasalanan galit ka pa"- sabi nito sa akin Masyado akong naririndi sa bunganga niya kaya nilapitan ko at hinalikan sa pisngi. "Bayad ko yan"- sabi ko dito. Sabay umalis kami ng mga kaibigan ko ng tudo tawa. "Iba ka talaga Vessa halos lahat na ata ng lalaki ginaganyan mo"- sabi ni Veronica sa akin. "Wala lang sa akin yun no atska ayoko sa mga boys at kung may jowa ako dadalawahin ko na kasi para maramdaman nila ang sakit ng pinag daanan ko"- sabi ko sa kanila. May nakaraan akong sobrang sakit na pangyayari kaya ako nag kaganito dahil sa kanya. Tingin ko na sa lahat ng lalaki ay manloloko at ako naman nag eenjoy paglaruan lang sila. Nag tutuloy lang kami sa pag lalakad papunta sa iskinita na palagi namin pinupuntahan. "Andito na sila Vessa"- rinig ko habang papalit ako sa kanila. "Long time see Baby"- sabi nito sa akin "Hahahaha baby asa ka"- sabi ko dito sabay irap. " Nag cutting na naman kayo"- sabi ni Rex sa amin. " Hoy hindi nu pinalabas kami ng Professor namin"- sabi ni Jess. "Ito kasing si Vessa pinolosopo"- sabi ni Cheska sa kanila. "tssskkk dami ninyo dyan dada tara na"- sabi ko sa kanila. Gustong gusto ko na mag skate ulit at namiss ko ito dahil sa dalawang buwan akong nasa bahay at itong mga kaibigan ko ay halos sila nasa iba't ibang lugar at nandun lang ako sa bahay at ayoko kong mag bakasyon. "Masyado kang inipin Vessa "- sabi ni Jerald sa akin. "Hahaha sadya na "- sabi ni Veronica. Iniwan ko na lang sila at nag skate na ako habang naka palda at naka blouse pa. Hindi naman ako mahihirapan dahil sanay na ako dito. Parati namin iyong gawain kapag pinapalayas kami sa school na iyon. Pinatalon ko ang board ko sa tabla at gumagawa ako ng sarili kong Trix ngayon at humanga sila sa akin. "Wow Vessa pagalingka ng pagaling ah"- sabi nito sa akin. "Tsskkk basic"- nag patuloy lang ako sa ginagawa ko at sila ay nanonood lang. Pinakitaan ko sila ulit ng mga Trix ko at kitang kita sa mga mata nila ang pagkamangha nila sa akin. "Wow ang astig mo talaga"- sabi ni James sa akin. "In born "- sabi ko dito sabay ngisi ko sa kanila. At habang nag sskate ako ay makita akong isang lalaking familiar sa akin. Siya ba ito? ngunit anung ginagawa niya dito? sabi ko habang tuloy tuloy na lumunok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD