I was planning to tell Luciel about my pregnancy. Nakapagpatingin na rin ako sa doktor. Hindi na rin ako magtataka dahil…well, active naman talaga kami sa kategoryang iyan ni Luciel. Bumubuwelo na lang talaga ako paano sasabihin kay Luciel. Nagising ako kalagitnaan ng tulog ko nang may gumalaw sa aking balikat. Iminulat ko ang aking mga mata at alam ko na hindi pa sumisikat ang araw. “Bakit?” inaantok kong saad. Bakit ba ako ginigising ni Luciel? Ang aga aga pa. Ni hindi pa nga gising si Riley. Naramdaman ko ang lapit niya sa may tainga ko. “Wake up, love. May pupuntahan tayo ngayon.” “Luciel, hindi pa sumisikat ang araw—” “That’s the point. Come on. Alam kong magbibihis ka pa kaya bumangon ka na riyan. You don’t want to miss this.” Kaya wala na akong nagawa. Nag-toothbrush ako at ma

