Chapter 3 : Ang Gintong Aklat

2035 Words
Yin Dynasty 1200 Yan Yuhuang's Point of View Matapos makapaghinga at maghilom ng aking mga latay at sugat sa katawan ay agad din akong nagpalit ng kasuotan na pang-alipin o para sa mga taga-silbi. Kahit naninibago ay kinailangan ko munang makibagay at masanay sa kapaligiran dahil sisiguraduhin ko namang hindi ako habang-buhay na magiging alipin dito sa emperyo. Gagawa at gagawa ako ng paraan para makatakas at muling makabalik sa aking pamilya, sa ngayon iniisip ko na lamang na maswerte padin ako kahit na papaano dahil hindi ako natuluyan at naisabit sa taas ng tore katulad ng mga nangyayari sa nahuhuli at nadadakip ng mga kawal nitong emperyo. Ang mga alipin o taga-silbi dito sa emperyo ay may kanya-kanyang mga gawain at tungkulin, ang iba ay sa mga taniman ng gulay, prutas at halamang mga gamot. Ang iba naman ay sa sinasanay maging kawal o yinlian, ang iba ay tagapagsilbi sa mga may katungkulan sa loob ng emperyo. At sa kamalas-malasan ay sa loob ako ng imperyo nailagay, sa totoo lang ay hindi ko pa nakikita ang itsura ng emperedor na si Lawzian Yin. Ang itinuturing na pinakamabangis na namuno sa buong kasaysayan, walang nagtangkang makita ang mukha nito at dahil na din sa palagi itong nakatago sa likod ng isang maskara. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga sinabi nila Zihan at Xiao na bago sana ako tuluyang kitilan ng buhay ay biglang lumabas ang emperador at ipinatigil ang ginagawa ng mga yinlian sa pagpaparusa at pagpapahirap sakin, na ang emperador daw mismo ang nagsabi na gawin akong isang taga-silbi sa loob ng emperyo. Hindi ko masang-ayunan o maitanggi ang mga sinasabi nila Xiao at Zihan sa akin dahil wala na akong malay tao nung mga sandaling iyon, at hindi ko na din nakita pa ang itsura o kahit ang maskara man lang ng emeperador na si Lawzian Yin. Dahil sa pagkakaalam ko ay wala itong pinapatawad basta't ikaw ay nagkasala o lumabag sa batas ng emperyo. "Basta sumunod ka lang sakin, at kung ano ang mga ginagawa ko gawin mo din para hindi ka maparusahan." Saad ni Zihan na nagpabalik sa aking ulirat. "Ano ba ang gagawin sa loob ng emperyo?" Tanong ko. "Basta." Simpleng tugon lang nito sakin. "At kung maaari, 'wag na 'wag kang gagawa na maaari mo o nating ikapahamak." Patuloy ulit ni Zihan sakin. "At kung sakali na makita natin ang emperador ay 'wag kang titingin sa kanyang mga mata." Sabat naman ni Xiao sakin. "Oo na. Napakahigpit naman." Reklamo ko sa kanilang dalawa. "Mas mabuti naman yan, ano mas gusto mo? Magsilbi o maisabit sa itaas ng tore?" Tanong ni Zihan sakin. "Oo na, sige na." Pagsang-ayon ko na lamang sa kanilang dalawa. Sabagay nga naman, mas mainam na ang magsilbi at maging alipin pansamantala kesa naman maisabit sa itaas ng tore at wala ng buhay. Mas mahirap naman 'yon, paglabas namin sa pahingahan ng mga tagasilbi ay nanibago ako sa paligid at nasilaw sa sikat ng araw. Napangiti ako dahil kahit nilaktawan ako ng mahika o kapangyarihan ay naging kakampi ko padin naman ang tadhana kahit na papaano dahil buhay padin ako. May pagkakataon pa ako na makatakas at makasamang muli ang aking pamilya pati na din ang mga matatalik kong mga kaibigan. Nakasunod lamang ako kina Xiao at Zihan habang dala-dala ang mga panglinis patungo sa loob ng emperyo, pasulyap-sulyap ako sa mga kawal na yinlian habang naglalakad. At nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng emperyo ay halos mapanganga ako dahil sa labis na karangyaan ng loob nito. Kung ano ang hirap mabuhay sa labas, paligid at nasasakupan ng emperyo ay sya namang kabaliktaran sa loob nito, mahahalata mong mga may katungkulan at makakapangyarihan lamang ang pwedeng makatungtong sa loob nito. "Sumunod ka sakin, dun tayo sa silid-aklatan maglilinis." Saad ni Xiao sakin. "Eh si Zihan?" Takang tanong ko naman. "Sa iba ako nakatalaga maglinis. Kita nalang tayo mamaya pagkatapos." Sagot naman ni Zihan sakin. Tumango na lamang ako at sumunod na kay Xiao at tumungo sa isang magarang hagdanan. At habang umaakyat ay napalingon ako sa kung saan kami nanggaling dahil may mga pumasok, na kung hindi ako nagkakamali ay mga heneral sa iba't ibang bayan o lugar. Mga tila nagmamadali habang nakasunod at nakabantay ang kanilang mga tauhan, sa pagmamadali nila ay naabutan nila kaming dalawa ni Xiao sa gitna ng hagdanan kaya naman agad kaming tumabi sa gilid at yumuko bilang pagbibigay galang sa mga may katungkulan. Pagkalagpas nila ay muli na kaming naglakad pero nakasunod padin ang paningin ko sakanila, tumigil sila sa isang malaki at magarang pintuan na sa palagay ko ay kung saan namamalagi ang emperador ng Yin. Bumukas ang pintuan at tumambad ang isang lalaki na nakamaskara, katulad ni Emperador Lawzian, ang kanyang tatlong gabay ay mga nakamaskara din. Ang mga gabay ay kasunod ng emperador pagdating sa kapangyarihan, katungkulan at salita. Sila ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa Yin kasunod ng mga heneral, mga administrador at mga rehente. Silang mga nakatalaga ay ang mga pinakamalalakas na kapangyarihan at mahika sa buong emperyo at sa mga nasasakupan nito. Pero sa lahat lahat ay ang emperador ang pinaka-kinatatakutan at iginagalang, sya ang may pinakamalakas na mahika o kapangyarihan sa lahat kasunod naman dito ay ang kanyang tatlong gabay. Sa tinagal-tagal kong nabubuhay ay ni minsan hindi ko nasilayan ang emperador na walang suot na maskara, hindi ko din ito nakitang nag-iikot sa kanyang nasasakupan o sa kabuuan ng emperyo. Kahit na minsan ay may mga gulong nangyayari o nagaganap ay palagi lang itong nasa loob ng emperyo, sabagay nga naman bakit ito lalabas kung ito ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihan sa lahat. "Dito tayo maglilinis." Saad ni Xiao na nagpabalik sa aking ulirat. "Ha? Kakayanin ba nating linisin lahat yan?" Takang tanong ko habang nakatingin sa silid-aklatan dahil sa sobrang laki nito. "Oo naman, tsaka hindi lang naman tayong dalawa ang nandito. Madami pa yan mamaya makikita mo." Sagot naman nito sakin. Nagkibit-balikat na lamang ako at tumuloy na kami sa loob ng silid-aklatan, kung tutuusin ay hindi naman mahirap linisin dahil wala kang makikitang mga dumi at halatang araw-araw ay nalilinisan. Nakigaya na din ako sa ginagawa ni Xiao at tumulong na sa paglilinis, pagpupunas ng mga kung ano-ano partikular na ang mga makakapal na libro. Habang abala ako sa paglilinis ay may naaninagan ang aking mga mata sa pinakagilid ng malaking silid. Isang pintuan na para bang napakabigat, napakunot ako ng noo at nagpalinga-linga muna sa paligid at siniguradong walang makakakita sakin o walang sinuman ang nasa palagid. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa tagong pintuan at namamanghang tinitigan ito ng mabuti, habang pinagmamasdan ang kabuuan nito ay akma ko na sana itong bubuksan nang bigla nalamang itong bumukas ng kusa at tila isang mainit na hangin ang lumabas mula sa loob nito. Una ay wala akong makita o maaninag na kahit ano dahil sa madilim ang loob ng nakatagong silid na may magarang pintuan, napalunok ako ng aking laway at huminga ng malalim bago humakbang papasok sa loob nito. Nang tuluyang masanay ang mata ko sa dilim ay bigla namang kusang bumukas ang mga sulo na nagsisilbing liwanag o ilaw sa loob ng silid. "Ano 'tong mga 'to?" Takang tanong ko sa sarili ko ng makita ang mga librong maayos na nakasalansan sa mga lagayan. Bubuklatin ko na sana isa-isa ang mga libro ng biglang mapukaw ang atensyon ko ng isang libro na kukay ginto at nagliliwanag na nasa pinakasentro ng silid at tila may mahikang kulay itim na nakaharang bilang proteksyon dito. Naglakad ako papalapit dito na tila ba nahihipnotismo, gusto ko mang hawakan ang nagliliwanag na libro ay hindi ko magawa dahil sa itim na mahikang nakapalibot dito. Halos magsalubong ang mga kilay ko dahil sa labis na kuryosidad kaya tinangka kong hawakan ang itim na mahika na nakapalibot sa nagliliwanag na libro. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang maglaho ang itim na mahika na nakapalibot sa nagliliwanag na libro, agad kong inilapit ang aking kamay dito at bigla na lamang itong kuminang ng husto kaya agad kong tinakpan ang aking mga mata. At nang humupa na ang pagkinang nito ay kusa itong gumalaw at nagpalipat-lipat ang mga pahina na para bang nagwawala, agad ko itong hinawakan para isara pero pagkahawak na pagkahawak ko sa libro ay tila ba tumigil ang oras kaya napatingin ako sa buong paligid. Pakiramdan ko ay nasa ibang dimensyon ako dahil sa nangyari at ang libro na kulay ginto at nagliliwanag ay naging itim na napapalibutan ng napakaitim na usok, bago pa ako makakilos ay bigla itong pumasok sa aking katawan at nawalang parang bula. "Yan? Yan gising! Ayos ka lang ba?" Napamulat ako ng mga mata at nakita si Xiao na nakatunghay sa akin at tila nagtataka. "Anong nangyari? Nasan yung libro? Y-yung usok." Sunod-sunod kong sabi dito. "Ha? Nakatulog ka habang naglilinis." Natatawang tugon naman sakin ni Xiao. Nilingon ko muli ang pintuan kung saan ako nagpunta kanina at kung nasaan din ang libro na bigla na lamang nawala. Nakasara na muli ang pintuan at dun ko lang napansin na nandun ako ulit sa pwesto bago ko makita ang nakatagong silid, nagtataka padin ako kung paano yun nangyari at siguradong sigurado din ako na hindi lang iyon isang simpleng panaginip lamang. Alam ko na totoong nangyari ang mga iyon kanina lamang dahil naramdaman ko pa sa kamay ko ang gintong libro na naging itim bago ito mawala ng tuluyan sa aking paningin. "Huy, ano ba nangyayari sa'yo?" Tanong ni Xiao sakin. "Xiao, anong meron sa silid na 'yon?" Sabay inginuso ang direksyon kung nasaan ang silid. "Naku, isa yan sa ipinagbabawal na puntahan ng kahit na sino at wala din makakapagbukas nyang pintuan na yan maliban sa emperador." Sagot naman ni Xiao sakin na ikana-kunot ko ng aking noo. "Bakit? Anong meron dyan?" Kunwari ay pasimpleng tanong ko dito. "Hindi ko sigurado, pero ang sabi-sabi nandyan daw nakatago ang kapangyarihan na katumbas ng sa emperador, o baka nga mas makapangyarihan pa." Paliwanag naman sakin nito. "Eh bakit dyan nakalagay? Bakit hindi nalang kunin mismo ng emperador?" Sunod-sunod kong tanong. "Hindi kasi pagmamay-ari ng emperador ang kapangyarihan na 'yon, tsaka alam mo ba?" Pabiting sabi pa ni Xiao sakin. "Hindi ko alam ha? Pero kapag naibalik daw sa tunay na may-ari ang kapangyarihan na nakatago dyan sa silid na yan ay mag-uumpisang magulo ang lahat." Sagot nito sakin. "Pa'nong magugulo ang lahat? Tsaka anong kapangyarihan ba ang nasa loob nyang silid na yan?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin padin sa pintuan ng silid. "Hindi ko alam, wala naman nakakaalam eh. Pero yun ang naririnig ko sa mga yinlian kapag nauulinigan ko silang mga nagku-kwentuhan." Simpleng tugon lang sakin ni Xiao. "Tsaka tara na nga, tayong dalawa nalang ang nandito. Tulog ka kasi ng tulog eh." Natatawang sabi ulit ni Xiao sakin at naglakad na papalabas ng silid aklatan. Agad na din akong tumayo at sumunod kay Xiao papalabas pero binigyan ko pa muli ang tagong silid ng isang sulyap at nalilito sa mga nangyari. Siguro nga ay panaginip ko lang ang mga nangyari at masyado lang akong nadala kaya inakala kong totoo. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang napanaginipan ko at inisip na baka sadyang nagkataon lang ang mga nangyari at imposible din naman kasi na nasa loob ako ng tagong silid na iyon at sa isang kisap-mata lang ay nasa dating pwesto ko na naman ako na para bang walang nangyari. "Pero sino nga kaya ang may-ari ng librong 'yon at ng kapangyarihan na kahit emperador hindi magawang makuha?" Tanong ko sa aking sarili bago tuluyang isinara ang malaking pintuan ng silid-aklatan. Pagkasara ng pintuan ng silid-aklatan ay biglang bumukas ang pintuan ng tagong silid at lumabas ang mga itim na usok na naging dahilan upang magulo at masira ang mga kagamitan sa loob ng napakalaking silid-aklatan. Nagdilim ang buong paligid at ang maliwanag na kalangitan ay biglang naging mistulang gabi sa sobrang dilim sanhi upang magkagulo ang mga nasa loob ng emperyo pati na din ang mga naninirahan sa paligid at nasasakupan nito. Na ang buong kapaligiran ay tila ba napapalibutan ng isang itim na mahika at isang napakalakas na kapangyarihan. "Mahal na emperador! Ang gintong aklat, nawawala!" Sigaw ng isa sa tatlong gabay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD