Pagdating ko sa bahay ay nakiramdam muna ako sa paligid bago ako tuluyang tumapat sa aming pintuan. Nakakarindi din ang mga tahulan ng aso ng aming kapitbahay na lalong nagpapalakas ng tensyon na aking nadarama. Malalakas din ang kabog ng aking dibdib. Ganito pala ang pakiramdam ng mga babaeng nagtataksil sa mga asawa nila. Napahinga ako ng malalim. Madilim na ang loob ng aming kabahayan. Marahil ay tulog na nga ang aming mga anak. Kinuha ko pa mula sa bag ko ang smartphone ko upang gamitin naman ito bilang flashlight at itapat ito sa door knob upang maipasok ko ang susi dito. Mabagal ang mga galaw ko. Masyado akong maingat sa bawat kilos ko. Ayoko kasing makalikha ng kahit anong ingay. Dahil pakiramdam ko ay lalo lang magtatahulan ang mga aso at makakakuha ako ng atensiyon mula sa

