"Ang totoo niyan Clarissa ay nahilingan lang naman ako ng aking Anak na si Dino. Baka daw mabigyan ko sila ng pag-inum." katwiran pa niya. "So, at binigyan niyo naman Papa? Kaya namimihasa ang asawa kong iyon eh." Diniinan ko pa ang word na "asawa ko" upang ipaalala din naman sa kanya na anak lang naman niya ang asawa ko kaya. She sighed for a while. "Sorry Clarissa. Subalit hindi na din ako nakatanggi pa dahil naisip kong mas malaya akong makakapunta dito kung ganon ang gagawin ko." Matapat na sabi niya. At tama naman, may point siya sa bagay na iyon. Ngunit masyado yong red flag para sa kin. Masyadong selfish ang ganitong gawain. "Sana po ay sinamahan mo ang Anak mo pala. Para naman nasulit ang ibinigay niyong pera sa anak niyo diba po?" Sarcastic na sabi ko pa. Natawa naman siya s

