Miyona Saimori
KININDATAN ko si Xandra. "Mamaya na lang tayo mag-usap," ani ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng office ko.
Sumunod din naman si Evren.
"So..." Dumiretso kaagad ako sa office table ko na na-miss ko ng ilang araw. "Gaano ka na katagal dito sa Pilipinas? Akala ko pa naman wala ka nang planong bumalik."
Tumawa naman siya. "Talagang hinihiling mo na huwag na akong bumalik, no?"
Napangiti rin ako. "Bakit nga?" Ipinatong ko sa console table ang bag ko at ini-hanger naman ang lab coat ko.
"Hindi ba pwedeng na-miss lang kita?"
"Hindi ako naniniwala," nakangiti ko pa ring sagot.
Muli naman siyang tumawa. “The truth is…” Hinila niya ang chair sa gilid ng office table ko at naupo doon.
Napahinto ako nang may mapansin akong lungkot sa mga mata niya.
"May problema?" tanong ko.
"Wala na si Mom," sagot niya, na ikinanganga ko.
"Really? K-Kailan pa? Ano'ng nangyari? Nagkasakit ba siya?" Lumapit ako sa kanya at naupo rin sa katapat na chair.
"Breast cancer," sagot niya habang nakatitig sa akin. "She hid it from all of us, kahit halos araw-araw naman akong tumatawag sa kanya dito sa Pilipinas."
Hinawakan ko ang mga kamay niya at marahang pinisil. “I’m sorry for your loss… Pero wala bang ni isa sa mga kamag-anak niyo na nakakasama niya sa bahay ang nakapansin niyon?"
Marahan siyang umiling. “She kept it from everyone,” malungkot niyang sagot.
"Pero bakit? Nawalan ba siya ng pag-asang mabuhay?"
“She didn’t like hospitals. That’s the only reason we could think of. She refused to go back after she developed trauma when my grandparents died in one."
Napahinga ako ng malalim. Parang nararamdaman ko rin ang bigat na nararamdaman niya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinagod-hagod ko ang likod niya. "Kaya mo 'yan, ikaw pa ba? Ako nga, dalawang magulang ko ang nawala pero kinaya ko... Hindi man niya sinabi sa’yo, siguro gusto ka lang niyang protektahan. Ayaw ka niyang makita na nahihirapan … o nag-aalala sa kanya... At least … bago siya nawala, alam niyang mahal mo siya. At alam mong mahal ka rin niya.”
Bigla rin siyang tumayo at yumakap muli sa akin ng mahigpit.
“I need someone with me right now, Miyo,” bulong niya. "Hindi ko pa kayang bumalik sa Beijing ng ganito."
Naririnig ko na ang pag-iyak niya sa balikat ko.
"Wala rin akong makakausap doon. Naroroon nga si Dad, pero sinlamig naman siya ng yelo. Kundi lang dahil sa mana, hindi ako sasama sa kanya. Pero ito ang naging kapalit nang pag-iwan ko kay Mama... Para sa kanya sana ito, para sa aming dalawa."
Hinagod-hagod ko na rin ang likod niya. "Huwag mong sisihin ang sarili mo."
“It hurts so much to lose a mother,” aniyang muli.
“I know,” sagot ko. "Naiintindihan kita. Iiyak mo lang. Alam kong hindi mapapawi ang sakit. Kahit gaano pa katagal. May mga araw na parang kahapon lang nangyari lahat... Pero matututo kang mabuhay kahit wala siya. Matututo kang tumayo ulit … kahit mabigat.”
“Just stay here with me, Miyona. Don’t leave, please.”
Tumango-tango ako. “Don’t worry. I’m here if you need someone to lean on.”
"Hinanap talaga kita dahil wala akong ibang malalapitan dito kundi ikaw lang."
Ngumiti ako ng bahagya habang patuloy na hinahagod ang likod niya.
*****
Noah Abram Delavega
"You have a good eye, Sir. That is our most exclusive and most expensive ring," turan ng jeweler habang hawak ko at pinagmamasdan ang isang diamond ring na hawak ko.
The center stone sparkled under the light, as if drawing attention to itself.
"The center stone is a premium-cut diamond—flawless, excellent clarity, and perfectly proportioned to maximize its brilliance," she explained. "Custom-made po iyan, and there is no other piece like it in our collection."
Napangiti naman ako ng bahagya. I imagined Miyona’s finger wearing it—and I was certain it would suit her perfectly.
"That piece costs—"
"I’ll take it," I immediately cut off the jeweler.
Nanlaki naman ng bahagya ang mga mata niya. "Really, sir? We have more designs—"
"No," I said coldly. "I don’t need options. I want the best. And this one…" Ibinaba ko nang muli sa velvet cushion ang ring. "That’s the one she deserves."
She smiled warmly in response. "Of course, sir. Excellent choice," she said. "A ring like that is meant for someone truly exceptional."
Carefully, she picked up the ring from the velvet cushion and placed it inside a small, elegant box.
“Would you like it engraved, sir?” she asked while arranging the box. “We can have your message or initials placed inside the band.”
Napaisip naman ako.
“Alright. I have something I want engraved on the band,” I answered.
She smiled again. “Sure, sir!”
Narinig kong bigla ang tinig ng ilan sa mga agent ko sa kabilang linya ng earpiece ko.
Nagkalat sila sa buong paligid nitong Delavega Luxe Complex na pag-aari ng pamilya namin. Sa lugar na ito matatagpuan ang mga high-end boutique stores, luxury jewelry houses, designer fashion brands, and various exclusive establishments accessible only to select clients—a hub for the elite and the powerful.
A day ago, I received a report at my office from a service technician assigned to maintain this building. Isa siya sa mga external contractors na regular na pumapasok sa gusali para sa mga repair at system checks.
According to him, may mga napapansin siyang hindi pangkaraniwang galaw sa ilang service corridors at restricted access points—mga lugar na dapat ay accessible lamang para sa mga authorized personnel. There were also instances in which individuals entered with valid access codes, but their identities did not match the records in the system.
Sa una, inakala niya na maaaring glitch lamang ito o isang pagkakamali sa database. But as time passed, the pattern became clearer—entries that didn’t match, logs that suddenly disappeared, and entry and exit times that never aligned.
At doon nagsimulang mabuo ang duda niya na hindi ito simpleng system error lang.
Someone inside our own building was using it to hide something that shouldn’t be there.
At nang mag-imbestiga ako, isa sa mga mukhang nakita ko sa footage ay si Hugo Varga—ang banyagang kamuntik nang bumili noon kay Miyona.
I strongly suspect they are using our place for their illegal activities, and even exploiting our own employees to get through unnoticed, at 'yon ang gusto kong alamin.
Kanina nga ay nagsimula na akong maglakad-lakad sa paligid nitong Delavega Luxe Complex. I was in disguise, wearing a plain casual outfit—an ordinary white polo shirt layered with a black jacket and dark pants, simple enough to make me look like just another visitor in the area. I had also put on a thick wig to alter my appearance, along with dark shades to conceal my identity further.
Naagaw namang bigla ang pansin ko nitong luxury jewelry boutique, at naalala ko ring bigla si Miyona. Kailangan niya ng engagement ring since fiancée ko na siya. Sinamantala ko na ang pagkakataon habang nagmamasid sa paligid.
Naglapag ng isang piraso ng papel at ballpen ang jeweler sa harap ko. “Sir, if you already have a design or message in mind, you may write it here,” she said. “We will ensure that the engraving is done precisely on the inner band of the ring.”
I picked up the pen and quickly wrote down the message I wanted.
Ibinalik ko rin agad ito sa jeweler.
“Thank you, sir,” she said as she took it. Muli rin siyang tumunghay sa akin. "Sir, engraving on a diamond ring’s inner band usually takes a short time. Around thirty minutes to one hour, depending on the precision of the design. We will make sure it is done with perfect detail and finish.”
Ngumiti at tumango ako.
“You may wait here, sir, or we can have it delivered to you once it’s done,” she added.
“It’s okay. I’ll wait here.”
“Alright, sir. Please have a seat.”
I nodded again and walked toward a sofa.
I took out my phone, turned off my earpiece line for a moment, and called Miyona. It was already ten in the morning—I wondered if she had eaten breakfast.
Six rings passed before she finally answered.
“Hello, Noah?”
Nangunot ng bahagya ang noo ko. “Were you busy?” I asked. “It took you a while to answer.”
"Ah, kasi... nandito ako ngayon sa clinic. Pumasok na ako sa trabaho."
Natigilan naman ako. "Why? Hindi ka pa gaanong magaling."
"Okay na ako, Noah. Kaya ko na."
"Miyo, lalabas na muna ako."
Natigilan ako nang may marinig akong boses ng lalaki sa background.
“Ah, o-okay,” Miyona replied.
“Thanks for the hug. Let’s have lunch together later,” the man added.
Lalo pang nangunot ang noo ko. Hug?
Wala akong narinig na sagot mula kay Miyona.
Ramdam ko ang biglaang pagpupuyos ng dibdib ko at pagkulo ng dugo ko, pero agad ko ring pinakalma ang sarili ko.
May narinig akong tunog sa background na tila nagsarang pinto.
"N-Noah? Nandyan ka pa—"
“You hugged another man?” I asked calmly, though my fists were already clenched. “So, you’re giving out free hugs now?”
“H-He’s just my friend, Noah,” she explained. "Namatay ang mommy niya at kailangan niya ng karamay."
"Dinayo ka pa niya dyan sa clinic para makuha ang pakikiramay mo?" muli kong tanong. 'Di ko mapigilang maging sarkastiko.
"Dito na siya nagtatrabaho sa clinic. Isa rin siyang vet."
Lalo pa akong natigilan. “Who is he?” I asked immediately.
"Dr. Evren Zhou. Classmate ko siya noong college at mabuting kaibigan siya."
“Is he new there?”
“Yes. He only started yesterday.”
“Is that why you were rushing to go back to work even though you’re not fully healed yet?”
"Ha? A-Anong ibig mong sabihin?"
"Nothing." Agad ko na ring pinatay ang tawag bago pa ako makapagsalita ng hindi tama.
I closed my eyes tightly. I could feel the tension running through my veins.
Fuck! Calm down, Noah.
It’s nothing. He’s just a friend.
A friend she hugs and even has lunch plans with? Goddammn it!