Chapter 3

1185 Words
TWO DAYS. I haven't seen her for two days and it's driving me crazy. Kahapon hindi ako mapakali. At ngayon, parang masisiraan ako ng bait kapag hindi ko pa s'ya nakita. I miss her beautiful face. I need to see her today. Nang tumingin ako sa oras ay alas dos pa lang ng hapon. Martes ngayon at tambak ang mga drawing na kailangan kong i-review pero wala akong magawa kahit isa.  I took my coat and car keys and looked for my phone then walked out of my office. Nadaanan ko ang sekretarya ko.  "Kim, I have to go early today. I don't feel well so whatever I need to sign, I'll do it tomorrow instead." "No worries, Boss. Feel better," nakikisimpatyang sabi nito. Sa halip na magdiretso ako sa condo ko ay nagpunta ako sa mansion nina Aris. I hope Paige is there. I want to see her so bad. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. The only thing I know is I want to be with her. Pagkaparada ko ng sasakyan ay halos takbuhin ko ang loob ng bahay. I don't think anyone is home. Nakasalubong ko ang isa sa kasambahay nila. "Hi Manang Lucy, magandang hapon po." "O Cairo, ikaw pala. Si Aris ba ang hinahanap mo? Wala s'ya dito, nasa opisina pa." "Hindi po, si -- " "Wala din si Lana." Napakamot ako sa leeg ko. "Si Paige po ang hinahanap ko." "Ah, 'yong bisita ba namin? Nasa pool area. Hindi sumama sa pinsan n'ya at kay Lana. Inaaya mag-shopping ay tinatamad daw." "Sige po, pupuntahan ko na lang." Dali dali akong naglakad papunta sa pool area. And there she is, doing her perfect butterfly strokes. Pumwesto ako sa lugar kung saan s'ya titigil pagkatapos. Hindi nga ako nagkamali at ng matapos s'ya ay bahagya pa s'yang nagulat ng makita ako. "W-what are you doing here? Kuya Aris is not home." Ngumiti ako sa kanya. "I am not here for Aris." "Kuya AJ and Lana aren't here either even their parents," inakyat n'ya ang hagdan at umahon. Hinagip ang tuwalya at tinuyo ang mukha n'ya. I had a glimpse of her sexy body. Unlike other women who fancies two piece bathing suits, Paige is wearing a one piece black swimsuit. Ibinalot n'ya ang sarong sa baywang n'ya at saka ako hinarap.  "I'm not here for any of them." Kumunot ang noo n'ya at pilit na inaarok ang sinabi ko. "Then who are you here for?" "I am here for you."  I took a step closer to her and she took a step back. I took another step and she did the same thing again. So when I took my third step, I grabbed her waist so she won't be able to get away from me. Narinig ko pa ang pagsinghap n'ya.  "What in the world are you trying to do now, Cairo?" Feisty, I like her more than ever.  I also like the way my name sounded from her lips. Salubong ang kilay at nakanguso s'ya ngayon. Ang mga mata ay sulimpat at ang mga palad na nasa dibdib ko ay biglang kumuyom. Is she about to punch me?  "I just want to see you." Tumaas ang isang kilay n'ya. "You want to see-- me?" Tumango ako. "Okay, nakita mo na ako. Pwede ka ng umuwi."  I can't help but chuckle. Kung gaano s'ya ka-mahiyain noong una kaming nagkita, kabaligtaran na s'ya ngayon. May kasupladahang taglay at mukhang hindi basta naiimpress. I probably just caught her off guard that day. Was it the jet lag, maybe? Lalo ko s'yang hinapit. "Mababasa ka," nakaismid n'yang sabi sa akin. "So? I don't care." "Your suit is expensive at wala kang pake kung mabasa lang? Don't you have work to do? Mataas pa ang araw ah. Bakit wala ka sa office mo?" Ang dami na agad n'yang nasabi. "I can't concentrate. I had to see you." Napangiwi s'ya. "Look, I don't know what you're up to but --" Bago pa n'ya ako itaboy ulit pauwi ay aayain ko na s'ya. "Have dinner with me tonight."  Kumunot ang noo n'ya at tinitigan ako. Mayamaya ay hinipo ang leeg at noo ko. "Wala ka namang lagnat, anong pinagsasabi mo?" "I am not sick. I am asking you to have dinner with me tonight."  Kapit ko pa rin s'ya sa baywang at ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan n'ya. I can't help but caress her waist. Kung hindi lang n'ya ako susuntukin ay kanina ko pa nilamukos ng halik ang labi n'ya. Kanina pa s'ya nakanguso at parang lalo akong naeengganyong ilapat ang labi ko sa kanya.  "Dinner?" Tumango ako. Sinipat n'ya ako ulit at saka pinag-krus ang mga braso n'ya. "Where and what time?" "Anywhere you want. I will pick you up at six." "Verjus. I want to eat there but they are always fully booked. Six is fine." Napangisi ako. Verjus lang pala. I just have to call Jamie. I'm sure she can squeeze me in. With a price of course. Alam kong matagal na n'yang crush si River, ang bunsong kapatid ni Sage.  "Verjust is a good choice. I will see you then."  "Okay, I w-- uhmp!" Sa halip na bitawan ko s'ya ay nagnakaw ako ng isang mabilis na halik sa labi n'ya at saka mabilis na lumakad palayo. She even purred my name. "Cai --" Nang makarating ako sa kotse at nagmaneho pauwi ay tinawagan ko agad si Jamie. "Young, I need your help." "Ano na naman ang kailangan mo?" "I need a table for two at Verjus." "Nope, we are fully booked." "Come on. Do something." "Nope. I can't. Alangan naman bigla kong kanselahin ang reservation ng mga tao doon para paupuin ka ano? Malalagot ako kay Daddy," tatawa tawang sabi nito. "Even if I host a party and.. invite River?" Saglit s'yang tumahimik at napabuntong hininga. Si River ang kahinaan n'ya. "What time do you need a table for? I'll call Marge to squeeze you in." "Yes! Sabi ko na nga ba at hindi mo ako bibiguin!" "Oo na. Sino ba 'yang ka-date mo at mukhang VIP?" "Her name is Paige." "Sounds fierce. I think you've finally met your match. Good luck! Pa-champagne ka kapag sinagot ka na n'ya." "Champagne lang? Pwedeng i-set up kita ng date kay River." "Tarantado ka! Gusto mong bawiin ko na lang ang reservation mo?" "Ang bagal mo kasi. Ang tagal mo ng sinisinta hindi mo pa lapitan ng magkaalaman na." "Ewan ko sa 'yo. Good luck sa date mo. Sana hindi ka mabasted!" Oh I'm pretty confident that she won't turn me down. I can feel it in her kiss. Dalawang beses ko na nga s'yang hinalikan eh. A few hours later, I picked her up and I took her to Verjus. We were in the middle of dinner when I asked her to go out with me again. "Hmm.. no. One dinner date is enough. Besides, I really wanted to eat here and thanks to you -- I finally did." Napanganga ako. So that's it? Basted na ako? Crap. May sumpa yata ang salita ni Jamie kanina. Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD