CHAPTER FIVE

4830 Words
"Isang araw kang nawala, saan ka galing?" Tanong ni Aling Cyntia. Kasalukuyan akong nasa tapat ng pinto niya para magbayad ng upa. Hindi ko siya nililingon at kunwari ay busy ako sa pagkakalkal sa wallet ko.   "Hoy babae. Baka naman kinarir mo na pagka-p****k mo. Ano may matandang-mayamang-madaling-mamatay kana bang mapapangasawa?" Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis e. Hindi ko rin alam kung joke lang ba yon. Nilingon ko siya ngayon. Nakapamewang siya na akala mo nanay na nagagalit sa anak. I sigh.   "May ginawa lang po ako. Nothing important." I said. Tinitigan nya ako sa mata as if she knows all my sins. Ilang sandali ay nakita ko na siyang tumango. Hindi ko na rin siya pinansin at umakyat na sa aking apartment.   Pagpasok duon ay pinagmasdan ko ang buong apartment ko. Simple lang. Medyo madilim ng konti dahil nakasarado lahat ng bintana dito. Para akong taong takot sa liwanag sa labas. Naglakad ako patungo sa sofa. Until now, hindi pa rin nagpaparamdam si Kuya. Simula ng magtungo siya sa condo ni Lex, hindi sya nagtetext o tumatawag. Masyado kayang busy?   Tinitigan ko ang reflection ko sa TV. Kahit malabo iyon ay naaaninag ko parin ang sarili ko. Mabuti nalang at nakatulog na rin ako kanina. Hindi na rin siguro kinaya ng sarili ko yung antok ko. Wala pa akong tulog simula nung dinala ako ni Clark sa lugar na iyon.   Muli ko nanaman naalala ang mga sinabi niya. From now on, kasama na ako sa organization na sinasabi niya. I don't know kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ako takot. Hindi rin ako kinakabahan o masaya. Wala akong nararamdaman. Muli kong inalala ang lugar na iyon. Ang loob non, ang kwarto kung saan ako namalagi, at ang mga taong nanduon. Alam kaya nila kung sino ako? Kung sino ang totoong ako?   I stand up and stretch my arms. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa paglingon sa aking cellphone. Ewan ko ba. I am waiting for a call from someone else.   Nagtungo ako sa kwarto. I take a bath. Kating-kati ang paa kong pumunta sa kung saan. Wala naman akong maisip puntahan kung hindi yung lugar na iyon. Kung saan nagsimula ang lahat.   Gusto kong malaman kung ano pang meron sa organization na iyon. Hindi ako mapakali. There's something bothering me about that place.   Pagkatapos kong magbihis ay mabilis kong isinuot ang aking sapatos. I get my important things na palagi ko rin namang dala. Paglabas ko ay naabutan ko pa si Mrs. España kasama ang anak nitong lalaki. As usual, she look at me from head to toe. Hindi ko siya pinansin. Agad kong sinara ang pintuan ko at ni-lock. Ngumiti ako sa kanya ng maikli at nagtungo na sa baba. Naabutan ko ring nagbibingo sila Aling Cyntia kasama ang mga kumare niya. Napatingin siya sakin. Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin bago naglakad.   After a seconds, nakahanap na rin ako ng taxi. Hindi naman mahirap iyon dahil palaging may nagagawing taxi sa lugar namin. Napaisip tuloy ako kung bibili na ba ako ng sarili kong sasakyan. I know how to drive naman kahit papaano. Also, I have a lot of money. Sa tingin ko nga ay hindi ako mauubusan dahil alam kong kahit kailan, hindi mawawala ang trabaho ko. I suddenly smile. I don't know. Sa loob lang ng isang araw na pagkawala ko ay parang andami kong na-realize. May trabaho na ako. May nag-alok sakin ng trabaho.   Ilang oras din akong nasa loob ng taxi. Nagkaroon kase ng matinding traffic dahil may nabangga daw na kotse. Hindi rin maka-usad ang ilang sasakyan dahil nagmamagaling lahat. Kanya-kanyang gawa ng paraan. Walang bigayan.   Nang makalagpas kami sa lugar na iyon ay sandali kong sinilip ang kotse. Napatigil ako. Parang bumagal ang paligid ng makita ko ang kotseng nakasalpok sa puno. Basag at sira ang harapan nito. Marami ding dugo ang nagkalat at basag na salamin. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng lungkot na hindi maipaliwanag. Naalala ko nanaman sila Mama.   I close my eyes as I hold my hands tight. Sa ganoong paraan nawala ang parents ko. Tuwing nakakarinig ako ng balita tungkol sa ganoong aksidente ay hindi ko maiwasang malungkot. Pero ngayon, pinipilit kong hanapin ang lungkot. Ayon ang hindi ko maintindihan ngayon. Wala akong maramdaman. Iniisip ko na nalulungkot ako. Pinipilit kong iparating sa puso ko na nalulungkot ako ngunit hindi ko magawa. Muli kong nilingon ang aksidenteng iyon sa huling pagkakataon. Medyo nakalayo na kami but I can still see the smokes coming from it.   Medyo malapit na kami sa lugar na iyon ngunit nagpababa na ako. Minabuti kong ibaba nalang sa malayo para di na ito marating ng taximan. Ayokong may makakita pa sa kanya at may mangyareng masama.   Tahimik akong naglakad sa gubat. Matataas ang mga puno at sobrang tahimik. Walang halos dumadaan sa kalsada dahil wala namang gaanong kotse ang nagtutungo sa lugar na ito. Nag-aalinlangan pa nga yung taximan kanina na ibaba ako.   I look at my wristwatch. It's 3 pm. Ngunit hindi na nasisinagan ng araw ang kalsada dahil sa matataas na punong bumabalot duon. I placed my hands behind my back. Nilasap ko ang sariwang hangin habang patuloy na naglalakad papunta sa lugar na ito. Naalala ko lang ang daan ng ihatid ako sa bahay kaninang umaga. Mula sa pwesto ko ay medyo tanaw ko na din ang bubungan ng mansyon. Naisip kong bumalik sa lugar na ito dahil hindi ako mapakali. Ang daming tanong sa utak ko. Alam kong dapat ay manahimik nalang ako at sundin ang mga utos nila ngunit hindi ko iyon magawa. Kapag nasa kwarto ako ay andami kong tanong. Ni-hindi ko nga alam kung para saan ang organization na ito. Anong pakay nila?   I suddenly here the car from my back. Napalingon ako duon. I see a Black Lamborghini coming from me. Agad ako napahanga sa sasakyang iyon. Hindi ako makapaniwala na makakakita ako ng ganong sasakyan sa gubat.   Huminto ito sa harap ko. Natauhan ako ng makilala kung sino ang nagmamaneho nito. He smiled at me.   "Yow, Sync." Panimula niya. He open the door in passenger seat. Sumenyas siyang umupo ako duon. Wala na akong nagawa. Siya rin naman ang pakay ko dito.   "What are you doing here?" He asks.   "Fill up curiosity," I replied. Nakita kong ngumiti siya as if he expects me to come here.   "Dapat tinext mo nalang sakin yung mga tanong mo. Sumadya ka pa dito." He said. Ipinagpatuloy na niya ulit ang pagmamaneho. Tahimik lang ako habang nakadungaw sa labas. Ano na self? Ano na yung mga questions mo?   "By the way, I have a gift for you." Napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakangiti ulit siya. Ano bang problema niya? Bakit sya nakangiti ngayon? Did something good happened today?   "What is it?"   "Mamaya makikita mo." Sabi niya saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Napahawak tuloy ako ng mahigpit sa seatbelt ko. Narinig ko lang ang bungisngis niya. Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa tapat ng mansyon. May mga kotse duon. Marami atang tao ngayon.   Bumaba ako. Hindi ko na inintay pang buksan niya ang pinto dahil pakiramdam ko ay gagawin niya. Bumaba na rin siya sa kotse. Hindi ako nagsalita. Sinundan ko lang siya hanggang makarating kami sa isang malaking garahe. Maraming nakaparadang sasakyan duon. Halos kumikinang pa ang iba na parang hindi naman ginagamit. Tiningnan ko siya habang naglalakad papunta sa isang kulay black na kotse.   "This is my gift." He said. Napataas ako ng kilay. Muli kong tinapunan ng tingin ang Montero sports car na iyon. Seryoso ba sya?   "Here's the key. Para hindi kana magtaxi." He said. Agad niyang binato ang susi sakin. Napakagentleman. Nasalo ko naman iyon ngunit may pag-aalinlangan din sa akin. I have a lot of money to buy a car. Nagmumukha naman akong pulubi.   "Tanggapin mo na iyan. Sabihin nalang natin na welcome gift ko iyan." He said. Tumango ako saka muling tiningnan ang sasakyan.   "Thank you." I replied. Tumango siya saka inaya ako sa loob. Pagpasok namin sa loob ng mansyon ay medyo nanibago ako. Marami na ang tao duon at parang may auction na mangyayare. Halos naka-mask ang mga nanduon. Alam kong mga mayayaman, politiko, at kilalang celebrities ang nandito. Dumaan kami ni Clark sa hindi mataaong lugar. Halos hindi naman kami napapansin ng mga nanduon dahil kita rin ang mga babaeng sumasayaw sa gitna na halos kita na ang kaluluwa. May malalakas na tugtugin ding pinapatugtog. Medyo mausok ng konti dahil may mga ilang nagve-vape. Nanatili lang akong nakasunod kay Clark. Maya-maya ay pumasok kami sa isang silid. Hindi na namin narinig ang mga nasa labas pagpasok namin. Para itong isang mahabang hallway. Hindi na ito pamilyar sakin dahil hindi ko ito napuntahan kahapon. Sa dulo ng hallway ay may isang pinto. Hindi lang ako umiimik habang nakamasid sa kanyang likod. Matangkad na tao si Clark. Masasabi kong kasabayan nya lang sina Lex at Kuya.   "Pasensya na sa gulo dyan." Wika niya. Napagtanto ko na isang opisina ito.   "Anong gagawin natin dito?"   "You said you want an answer." Nilibot ng mata ko ang paligid. Maraming libro dito at may mga iba't ibang uri ng baril. May pang-sniper, machine guns, and rifles. May iba't ibang uri din ng mga katana ang nakadisplay.   "What is this organization all about?" Panimula ko.   "Sync, as you can see, more on kilalang tao ang nandito. Honestly, hindi pa kita lubos na kilala. Hindi ako nagtitiwala sayo. Masyadong private yang tanong mo. Next please.."   Tiningnan ko siya ng masama. Akala ko ba nandito sya para sagutin mga tanong ko?   "Hindi ko gets trabaho ko dito."   Napangiti siya. Sandali siyang tumalikod sakin at may kinuhang papel. Humarap na siya sakin at inabot ito. List iyo ng mga kilalang politiko. Nagtataka akong napalingon sa kanya.   "You are the only person who can do that." Mula sa mga salitang iyon, alam ko na agad ang gagawin ko. He gave me a gun. May nakalagay na duong silencer. Itinuro niya sakin ang isang bag. Nilapitan ko ito at nakita kong gaya din ng mga gamit ko. Meron na rin akong mga ganito. Ginagamit ko ito para sa pagkubli ng aking sarili.   "Good luck." KASALUKUYAN kong minamaneho ang Montero sports car na regalo sakin ni Clark. Halos hindi ako matigil sa paghaplos ng mga bagay na nanduon. Kasalukuyan kong binabaybay ang daan kung saan ako naglakad kanina. Bakit ba hindi ko naisip bumili dati?   Medyo madilim na rin dahil mag-aalas syete y medya na ng gabi. Nang makalagpas ako sa gubat na iyon ay tanaw ko na ang bayan papunta sa syudad. Hindi ko na naisipan pang dumiretso sa bahay. Agad ko ng tinungo ang tirahan ng bago kong biktima. Muli kong sinulyapan ang papel na nakalatag sa passenger seat. May anim na taong nakalista duon. Ganon din ang pictures nila kalakip ang mga personal information nila.   Agad ko ng pina-andar ng mabilis ang kotse ko. Ewan ko ba. Wala pa akong lisensya ay anlakas na ng loob ko sa kalsada.   Hindi nagtagal ay nakarating din ako sa bahay niya. Namangha ako sa laki ng bahay ni Governor Esmelita Guzman. Siya ang Governor ng lugar namin. Masasabi kong mabait siya pero hindi ko gusto ang mga plataporma niya. May pinapanigan kase siya. Hindi ako lumabas sa sasakyan ko. Pinagmasdan ko lang ang bahay niya hanggang sa makita kong bumukas ang gate. Nakaramdam ako ng tuwa ng makita si Governor palabas duon. May kausap siya sa telepono niya bago sumakay sa sasakyang nakaparada sa di kalayuan. Nakita kong umalis ang sasakyan nito. Sinundan ko ito pero siniguro ko ang distansya. May mga pasikot-sikot siyang dinaanan hanggang sa pawala na ng pawala ang mga nakatayong bahay o establishments.   Maya-maya ay huminto ito sa isang bahay. Mukhang abandonado na ito. Nakakapagtaka dahil bakit siya pumasok duon. Pinatay ko ang makina ng sasakyan kasunod nun ay hinanda ko na ang aking sarili.   Third person's point of view   Kasalukuyang tahimik na nakaupo ang driver ni Governor Esmelita Guzman habang nakatingin sa kanyang cellphone. Busy ito sa panonood ng isang malaswang video. Kitang kita sa mata niya ang kasabikang makatikim ng katawan ng babae. Hindi niya maiwasang himasin ang kanyang alaga habang pinagmamasdan ang hubad na katawan ng babae sa video. Hindi niya napansin ang pagpasok ng isang tao sa likurang bahagi ng sasakyan. Nakasuot ito ng hoodie na black habang tahimik na inihahanda ang chloroform sa panyong inihanda niya. Hindi pa rin siya napapansin ng driver ni Governor Esmelita Guzman. Dahil dito, dali-dali niyang itinakip sa bibig ng lalaki ang panyong may chloroform. Ilang minuto ay napansin niyang hindi na gumalaw ang lalaki. Mahimbing na itong natutulog ngayon. Agad siyang bumaba at pumasok sa abandonadong bahay. Medyo marupok na ang sahig na gawa sa kahoy. May mga lumang gamit din dito na sira-sira na. Medyo madilim ito. Bawat yabag niya ay naglilikha ng kakaibang tunog.   Naabutan niya sa isang silid ang Ginang habang nagbibilang ng pera. Kasalukuyan itong nakangiti dahil sa perang hawak mula sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Sumisinghot-singhot pa ito habang nakangiti.   Lingid sa kaalaman ng Ginang ang taong kasalukuyang naglalakad ng tahimik sa likod niya. May hawak ito baril na may silencer. Nang makalapit ang tao ay itinutok nya ito sa gilid ng ulo ng Ginang. Gulat na napatigil ito sa ginagawa niya. She suddenly feels that uncontrollable heartbeats. She knew this day was coming. The day where someone gonna shoot her.   "Sino nag-utos sayo nito?" Ngunit bago pa siya makatanggap ng sagot ay isang putok ng baril ang tumama sa gilid ng utak niya. Mabilis na bumagsak ang ulo niya sa lamesa. Dumaloy ang sariwang dugo mula sa ulo niya at umagos ito sa pera na kanina nya lang binibilang. May ilang mga sachet na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot duon. Saglit itong tiningnan ng taong iyon bago iniwan sa kamay ng Ginang ang baril. Nilisan nya na rin ang lugar na iyon. Tulog pa rin ngayon ang driver ni Governor Esmelita Guzman. Napangiti ang taong iyon ng maisip na may panibago nanamang balita ang madadatnan niya bukas.   Zerrie's POV   Halos hindi magkanda-ugaga ang mga chismosang kapitbahay namin. Kasalukuyang nakapalibot ang mga ito sa tapat ng bahay ni Aling Cyntia. Napapa-iling naman si Aling Cyntia habang nakatingin sa mga gamit ko na isa-isang isinasakay sa truck bago ilipat sa panibagong bahay. Napagdesisyonan ko nang umalis duon. Hindi dahil sa lugar pero para sa seguridad nila. Kahit hindi naman kami masyadong close ay ayokong madamay sila sa mga katarantaduhan ko.   Nakita ko rin si Mrs. España habang pinagmamasdan ang bago kong sasakyan. Napapa-iling din ito. Paniguradong ang mga nasa isip nito ay nakapag-asawa ako ng 4M's: Matandang Mayamang Madaling Mamatay.   "Ma'am wala na pong ibang gamit sa taas." Wika ng isang trabahador. Tinanguan ko sila. Agad kong sinabi ang location ng lugar kung saan iyon dadalhin. Tumango naman ang mga ito bago sumakay sa truck.   Nilapitan ko naman si Aling Cyntia. Hindi ko maipaliwanag ang reaction niya. Ewan ko din kung bakit parang nalulungkot ako. Bago ako mag-college at pagaka-graduate ay dito na ako sa apartment niya. Kahit ganito siya ay ramdam ko ang concern niya.   "Sige po Aling Cyntia." Malungkot kong sabi. Umiling-iling siya. Halatang dismayado.   "Hay nako. Kung ano man iyang pinagkaka-abalahan mo, siguraduhin mong marangal. Hay nako. Kay bata-bata pa e." Hindi ko alam kung matatawa ba ako. Natamaan ako sa sinabi niya ngunit parang iba ata nasa utak ng matandang to. Sinulyapan ko si Mrs. España sa taas, buhat-buhat ang anak niya. Ngumiti ako. Tiningnan nya lang ako mula ulo hanggang paa gaya ng dati. Nalulungkot talaga ako. Ngunit kailangan kong umalis dito. Hindi maganda ang mundong pinasok ko. Ayokong dumating ang araw na madamay pa sila.   Naglakad na ako papunta sa Montero sports car ko. Pagsakay ko ay muli kong nilingon ang apartment ko. Aalis na ako dito. Napamahal na sakin ang lugar na ito.   Pina-andar ko na ang sasakyan ko at dahan-dahang umatras para maka-alis. There's a part of my brain saying that I will visit it again, soon. But I know that it's not gonna happen.   Nakalimutan ko pa palang sabihan si Kuya Steve at Lexin about this. Gusto ko mang sabihin ngunit may parte sakin ang pumipigil. Isang pulis si Lexin. I was still afraid of what would happen to me when he found out the truth about myself, that I am Sync. Ang taong matagal na niyang tinutugis.   Kasalukuyan ko ng binabagtas ang daan patungo sa main road. I open the radio to give life inside the car. Ngunit napangiwi lamang ako ng bumungad sakin ang inaasahan ko ng balita. Tininuon ko nalang ang mata at atensyon sa kalsada habang pinapakinggan ang kanilang sinasabi.   "Kaninang alas kwatro ng madaling araw ng matagpuang walang buhay sa isang abandonadong lugar ang Governor na si Esmelita Guzman. Pinag-iimbistigahan na ang naturang kaso. Kasama dito ang driver nito na natutulog umano sa loob ng kotse. Napag-alamang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang Governor. Nakita din sa crime scenes ang mga pakete ng droga at mga pera na galing umano sa pagbebenta nito....."   Napa-iling ako. Kaya naman pala sya kasama sa list na ibinigay sakin ni Clark. Drug user pala ang taong to. Napa-isip tuloy ako. Ibig sabihin ba nito mabait na vigilantes ang organization na ito? They exposed corrupt people. But what's the point? I don't get it.   Muli kong sinulyapan ang papel na nakapatong sa passenger seat. May apat pang taong nanduon. I read the second name of people who will be going to hell tonight. Maricar Sandoval.   Sinasalit-salit ko ang paningin ko sa passenger seat at sa kalsada. I know it's too dangerous.   So ang taong ito ay isang kilalang actress. Isa din siyang activist gaya ni Alfred Cruz na kasali din sa isang grupo. Ano naman kayang kasalanan ng taong to? Scammer? Druglord?   Ilang oras lang ay nakarating na rin kami sa bago kong bahay. It's a two storey building. Kasalukuyan itong nakatayo sa isang subdivision na hindi naman gaanong kilala. Hindi ko alam kung gaano kabilis na-process ito. I guess si Clark ang may pakana nanaman.   I parked my car behind the truck. Kasalukuyan na itong nagbababa ng gamit.  Bumaba na ako at pumasok duon.   "Good morning Ma'am." Bati ng isang babae na sa tansya ko ay 18-20 ito. Nagtataka ko siyang tiningnan. I don't remember someone na nag-aapply as a maid here.   "Sir Clark sent me here. I will tell you later all the answers you needed." Napa-awang ang aking bibig. Is she really my maid?   Matapos ang pagbababa ng gamit ay kinausap na sila ng babaeng iyon. Sya na rin pala nag-ayos dito. May ilang mga gamit ko ang hindi na niya tinanggap. Saan naman kaya iyon mapupunta?   Namataan ko siyang papasok na ulit sa loob. She close the door and face me.   "I am Riabelle. Nice to meet you." I nodded. Tiningnan ko siya na para bang nag-aantay parin ako ng susunod nyang sasabihin. Tumikhim siya saka inayos ang sarili.   "Sir Clark bought this house. I guess you received a message from him after you kill Esmelita...." Napatango ulit ako. Pagkatapos kong patayin ang babaeng iyon ay nakatanggap ako ng text na lumipat na raw ako ng bahay. He even gave me the address. Pero hindi ko inaasahan na magpapadala pa sya ng tao. I guess he doesn't really trust me.   "... don't worry, hindi ako mangengealam sa mga trabaho mo. Let's say, I am an apprentice." Tinaasan ko siya ng kilay bago tiningnan mula ulo hanggang paa. Seryoso ba siya? Don't tell me talagang gusto nya rin gayahin ang propesyon ko. Masyado pa syang bata.   "Okay." Pero hindi ko na siya pinigilan. Siguro naman nakapag-isip ang isang ito bago pumasok sa ganitong mundo. Hindi ko na siya pipiliting umalis dahil siguradong napaghandaan naman nya na ito.   Nagtungo ako sa taas. May dalawang kwarto ito sa taas. Isa sa kanya at isa sakin. Magkatapat lang ang mga iyon. Nasa kaliwa ang kwarto ko. Pagpasok ko ay nagulat ako sa nadatnan ko. May mga gamit na duon. A one queen size bed and a bookshelves. Meron pang table kung saan ako magtatrabaho.   I silently close the door. Medyo maaliwalas ang loob dahil sa kulay nitong white and light pink. Hindi bagay sa pagkatao ko. Sa tabi ng working table ko ay may pintuan. I guess that is for the comfort room.   Pagkatapos suriin ang kwarto ay agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama. Malambot ito at halos tumalbog ako pataas. Napangiti ako at the same time, nakaramdam din ako ng antok. Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko ng maramdaman ko ang bigat nito.   NAGISING ako sa katok ni Riabelle. I check my phone. It's 7:30 pm. Hindi ko inaakala na ang haba ng tulog ko. May trabaho pa akong gagawin. Nilingon ko ang side table ko. Nakapatong na duon ang papel kung saan nakalista ang limang victims ko. I get the nearest red ballpen and mark a cross on top of the name of Esmelita Guzman. Four more victims.   "The dinner is ready Ma'am....." Narinig kong sandali siyang natahimik. Tumayo na ako at mabilis na tinungo ang pinto. Nakita kong kakatok pa sana siya ngunit nabuksan ko na.   "Sync." Maikli kong tugon at inunahan na siya sa baba. Naramdaman kong sumunod siya. Pareho kaming babae dito ngunit hindi ko na inisip iyon. I can protect myself. Literally.   Naamoy ko bigla ang niluto niya. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.   "Ayaw nyo po ba nun? Sinigang?" She said. Umiling ako saka naupo sa upuan. Ganon din ang ginawa niya. Hindi ko na siya pinansin at nag-umpisa ng kumain. Nakita kong natigilan siya.   "Hindi po ba tayo magdadasal?" Ewan ko ba kung tatawa ako o hindi. Tiningnan ko sya sa mata. So innocent.   "Do you really know who I am? Do you think your God will listen to me?" I said. Nakita kong nagbago ang expression ng mukha niya. Hindi ko na siya pinansin. Ipinamukha ko sa kanya na hindi ako interesado sa kung anong sasabihin niya. Mukhang naintindihan naman niya iyon kaya tumahimik na rin siya.   Pagkatapos kumain ay umakyat na ako. I change my clothes and bumaba na ako. Nagulat ako ng makita ko siya sa baba na nakabihis.   "Where are you going?"   "I'm your apprentice. Let's finish your job." Hindi ko na siya sinagot. Nagtungo ako sa labas kung saan nakapark ang kotse ko. Si Riabelle naman ang bahala sa pagsasarado ng bahay. Nang makasakay ako ay sumakay na rin siya. Pina-andar ko na ang kotse ko. Nakita kong inilabas niya ang kanyang laptop at may kung anong galaw ang ginawa niya duon. Hindi ko na rin siya inintindi at nagpatuloy na sa pagmamaneho.   Itinuro niya sakin kung saan mahahanap si Maricar Sandoval. Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman. Siguro sa laptop na dala niya. I can trace where the h*ck is that b***h without her help naman. Pero para matapos na ito, I accept her help.   Nakarating kami sa isang five star hotel. Mukhang may handaan duon. I park my car and leave. Hindi ko na hinintay pa si Riabelle. Pakiramdam ko ay sagabal lang siya.   Pagpasok namin ay agad kaming dumiretso sa receptionist. Pero magsasalita na sana ako ng sumabat siya. Nilingon ko siya ng may pagtataka.   "Thank you." Sagot niya saka ngumiti. Tiningnan niya ako saka naunang mag-lakad. Wow. Just wow. Ano yun? Anong attitude yon? Apprentice lang siya, ako ang masusunod.   Sinundan ko siya ng paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakasunod lang ako sa kanya. Pinagbibigyan ko lang siya.   Pumasok kami sa isang malaking pinto. Duon ay bumungad samin ang isang theater room. May mga manonood na duon. Namangha ako sa mga disensyo sa buong paligid. Inilibot ko ang paningin ko. Madaming tao. Nagkatinginan kami ni Riabelle. Ewan ko ba pero sa pagkakataong ito, parang naging iisa ang laman ng utak namin. Pareho kaming napangiti.   Third person's point of view   Kasalukuyang naka-upo sa loob ng dressing room si Maricar Sandoval. Wala ang kanyang P.A duon dahil inutusan niya itong bumili ng maiinom. Inaantay nya ang kanyang P.A ng may pumasok sa kwarto. Hindi niya ito pinansin. Isa lamang itong staff ng hotel kaya naman hindi na siya nag-abala pang lingunin ang taong iyon.   Lingid sa kaalaman niya, kasalukuyang inihahanda ng taong iyon ang isang syringe na naglalaman ng nakalalasong inumin. Nakangiti ito habang nakamasid sa salamin kung saan makikita ang reflection ng aktres.   May nakasalpak na earphone sa kanyang tainga. Kaya hindi niya namalayan ang paglapit ng taong iyon. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang taong iyon at agad itong itinurok sa kanya. Halos mapatayo sa gulat si Maricar.   "What the..." Ngunit nanghina lamang ang kanyang tuhod. Hindi niya nagawang lingunin ang may sala.   "See you.." ito lamang ang huling mga salitang binigkas ng taong iyon. Lumabas ito sa silid ng parang walang nangyare. Maya-maya ay dumating ang P.A nito. May dala siyang bote ng soft drinks. Dahil sa gamot na kung anong tumurok sa kanya ay mabilis niyang inabot ang dala ng P.A.   Nanunuyo ang kanyang lalamunan dahil sa gamot. Nang maka-inom siya ay nakaramdam siya ng ginhawa. Nilingon nya pa ang P.A ng masama.   "Napakatagal mo. Letse!" Yumuko lamang ang P.A dito pero labis ang inis na naramdaman niya sa amo.   Ilang minuto ay tapos na maghanda si Maricar. Tatawagin na siya sa entablado. Taas noo itong umakyat ng marinig ang pangalan niya. Wala namang reaksyon ang kanyang P.A na masama parin ang loob sa amo.   Kumakaway ng masaya si Maricar. Halos masilaw siya sa liwanag na nakatutok sa kanya. Ni-hindi na niya maaninag ang mga tao duon.   Nakipag-batian muna siya sa host. Pa-ngiti ngiti na animo'y walang buntot at sungay na itinatago. Sa kabilang banda ay matalim siyang tiningnan ng kanyang P.A.   Kung anu-anong bagay ang pumasok dito patungkol sa amo.   Hindi naman maiwasan ni Maricar na maramdaman ang matatalim na titig na iyon galing sa kanyang P.A. hinayaan nya ito. Inisip niya na mamaya nya na ito pagalitan. Ngunit maya-maya para nakaramdam siya ng hilo. Kasabay nun ang biglaang panunuyo ng kanyang lalamunan. Mabilis siyang napahawak dito. Gulat din ang mga audience gayun din ang host sa tabi niya.   "Tu.....big" ilang beses niya itong inuulit ngunit para bang hindi siya naririnig. Walang halos nakakarinig. Muli niyang tinapunan ng tingin ang P.A na ngayon ay gulat na nakatingin sa kanya.   "T-tu........b-big......." Halos hindi na siya makahinga. Hawak-hawak niya ang kanyang leeg. Nataranta na rin ang mga staff at ang mga audience. Ngunit huli na dahil agad binawian ng buhay ang aktres. Napuno ng labis na ingay ang buong theater room.   Sa kabilang banda ay nakangiting nakamasid lang sa kanila ang taong iyon. Labis siyang nagalak.   "Napakagandang palabas."       Zerrie's POV   Sunod-sunod na nagsidatingan ang mga pulis. Kasalukuyan kaming nasa labas ng theater room. Pinalabas muna lahat ng nanduon. Nakahawak naman sa aking braso si Riabelle na parang bata. Seriously?   "Makikiraan po. Makikiraan." Wika ng isang pulis. Halos madaming tao ngayon ang nakiki-chismis sa sinapit ng sikat na aktres na si Maricar Sandoval. Maraming nag-iiyakan, meron ding tulala lang. Nahawi kami sa gitna ng dumating mga mga pulis na at investigators sa mga murders or killing. Agad hinanap ng mata ko si Lexin. Nang matanaw ko siya ay nakaramdam ako ng pagkasabik. Hindi siya nakatingin sa pwesto ko. Tatawagin ko sana siya ngunit naalala kong nasa tabi ko si Riabelle. Hindi niya pwedeng malaman na may kaugnayan ako sa mga pulis.   "Let's go." Wika ko. Tiningnan niya ako ng may pagtataka.   "But why?" Nag-isip pa ako ng dahilan.   "Masyado ng gabi para sa mga bata."   "I'm not bata anymore and also....." Sinulyapan niya ang theater room. "...hindi ba tayo mag-aabang ng result?"   "Nasa news yan bukas." Sagot ko. Nauna na akong maglakad. Bahala siya kung magpapaiwan siya o hindi. Naramdaman ko ring sumunod siya.   "How was the feeling?" I ask. Patungo na kami ngayon sa aking sasakyan. Hinintay ko ang sagot niya. Dahil duon ay nilingon ko siya.   "Ang tagal..." Iyon lang ang sinabi niya. Maski ako natagalan sa epekto ng gamot. Siya ang nagbigay non sakin. Galing daw iyon sa organization. Kanina ko pa iyon iniisip. Tahimik kaming dalawa habang binabagtas ang daan pauwi. Pasado alas onse na. Medyo tahimik na rin ang mga nasasalubong naming establishments and bahayan. Konti nalang din ang sasakyan sa main roads.   Minsan ay nililingon ko si Riabelle. Nakatungo lang siya habang nakamasid sa labas. Iniisip ko kung first time nya ba ito kaya ganito siya katahimik.   Nang makarating kami sa bahay ay tahimik parin kami. Hindi ko na rin siya kinausap. Dumiretso agad siya sa kwarto niya. Bago umakyat ay in-activate ko muna ang security ng buong bahay. Pagkatapos ay umakyat na rin ako sa taas. I took a shower before I go to bed.   Naalala ko bigla ang gamit na ibinigay niya. Gawa daw iyon ng organization. Bakit naman gagawa ng ganong klaseng gamot ang organization na iyon? Para saan? Siguro until now, hindi ko pa talaga lubusang kilala ang The Coetus. Ultimo si Clark, wala ring tiwala sakin. Nagpapadala pa siya ng tao to ensure my loyalty.   I smirk.   Bigla ko tuloy naalala si Lexin kanina. Kamusta na kaya sya? Ang tagal na rin naming hindi nag-uusap. Hindi manlang nila ako kinontak ni Kuya. Maski din iyon. Sariling kadugo, di manlang tinatawagan. Pero kahit ganon paman, makita ko lang si Lexin kanina ay ayos na ako. Mukhang buhay pa naman sya bukod sa panibagong problemang kinakaharap ngayon.   I get my phone. I want to text him about my new address. Pero napatigil ako. Hindi nya pwedeng malaman ang lugar ko. Ang kasama ko. Kasalukuyan akong nasa pwesto kung saan kinukuha ang tiwala ni Clark. Mabuting hindi muna ako magpakita. Maski kay Kuya Steve.   I sigh as I remember my old me. I feel like, I am not free anymore. Ano ba itong mundong pinasok ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD