AKAY-AKAY ko siya habang papasok kami sa bahay. Anong klaseng tulog ito? Hindi manlang magising-gising. Tanghaling tapat palang e.
Mabuti nalang at hindi nakalock ang bahay. Iniwan namin ni Jasmin na bukas ito dahil anytime pedeng bumalik ang kung sino man samin. Pagpasok namin sa loob, agad ko siyang ipinagsak sa sahig. Pagkatapos ay isinara ko ang pinto. Hindi na ako nag-atubili pa na ilagay siya sa kama o sa sofa. Ang kumot at unan na mismo ang dinala ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung anong klaseng tulog meron si kuya. Hindi nya ba ako nararamdaman? Tsk!
Umakyat ako sa taas upang tingnan kung nandito naba si Jasmin. Ngunit walang ni-isang anino ang naramdaman o nakita ko sa taas. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto kung saan ako inihiga ni Jasmin, duon ko lang naramdaman ang antok. Hindi pa nga pala ako nakakatulog simula kanina. Ngayon ay dinadalaw na ako. Hindi ko na rin mapigilan dahil dumadagdag sa antok ko ang aura ng kwartong ito. Ang mga ala-ala nung mga panahon na nandito pa sila, lahat iyon ay nararamdaman ko ngayon.
HINDI ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Pumupungay pa ang aking mata habang hinahanap ng aking mga kamay ang cellphone ko. Medyo tinamad pa ako ng makita ito sa paanan ko, sa loob ng bag ko. Para akong tamad na tamad ngayon. Siguro ay dahil sa puyat at kulang sa tulog. I turn on my cellphone if there are texts or calls. I have not received anything. Even from Riabelle. Muli kong ipinikit ang mata ko. Medyo madilim na ang loob ng bahay. Ibig sabihin ay madilim na rin sa labas. Gabi na. I closed my eyes to sleep again.
“SINO KA?” Napamulat ako ng mata ng marinig ang isang pamilyar na boses mula sa baba. Dahil duon, mabilis akong bumangon upang tingnan iyon.
“ANONG CALM DOWN? MAGPALIWANAG KA. SINO KA? ALAM MO BANG TRESPASSING KA?”
“ANONG TRESPASSING? KILALA KO ANG MAY-ARI NG BAHAY NA ITO. IKAW ANG TRESPASSING.”
“OWWS TALAGA? SINONG NAGTANONG?”
Pagdating ko sa baba, naabutan ko si kuya na nakahiga sa sofa habang nakatayo naman si Jasmin at nakapamewang. Napatingin sakin si Jasmin at mabilis na lumapit. Bumangon na sin si kuya ng makita ako.
“Llana, there is an intruder. What do you want me to do?” She asks. Hindi ko mapigilang matawa. Para siyang bata na nagsusumbong sa tabi ko habang sinasamaan ng tingin si kuya. Wala namang ekspresyon ang mukha ni kuya habang nakatingin sakin. Huminga ako ng malalim saka hinarap si Jasmin.
“Jasmin, he is not an intruder. I know him. He’s a friend of mine…” sambit ko sabay tingin kau kuya na ngayon ay nakakunot na ang noo. Kinindatan ko lang siya saka muling tumingin kay Jasmin na ngayon ay mukhang naguguluhan. “He is Hans, Hans this is Jasmin.” Sambit ko. Napatingin naman si Jasmin kay kuya na ngayon ay mukhang hindi pa rin kumbinsido. Nilingon ko si kuya at binigyan ko siya ng sumabay-ka-na-lang-at-papaliwanag-ko-sayo-mamaya-look. Mukha naintindihan naman niya dahil nakita kong tumayo siya at lumapit kay Jasmin. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Jasmin ng makitang papalapit sa kanya si kuya.
“Paumanhin, binibini.” Sambit ni kuya sabay akmang kukunin ang kamay ni Jasmin para halikan ngunit iniwas iyon ni Jasmin.
“Sukot.” sagot niya saka tumalikod. Nagkatinginan kami ni kuya. Napapailing nalang ako. Maski din naman ako, makakaramdam din ako ng cringe sa mga salitang binitiwan niya.
“Hindi ko alam na may ganito kang side.” sambit ko kay kuya. Tiningnan nya lang ako saka tumalikod. Hindi ko tuloy mapigilang matawa.
Naglakad ako sa kusina gamit ang flashlight na nagmumula sa cellphone ko. Wala na kaseng ilaw dito. Ang medyo malakas na ilaw ay yung nasa sala na nakuha ko sa storage room.
Pagpasok ko sa loob ng kusina ay naabutan ko si Jasmin na kumakain ng mansanas. Flashlight mula sa cellphone niya ang tangi niyang ilaw. Nasa likod niya ang mga plastic na naglalaman ng mga pagkain. Sinulyapan niya ako saglit at umiwas din.
“Pasensya na kung dinala ko sya dito.” Sambit ko. Lumingon ulit sakin si Jasmin. She smiles at me.
“Its okay. Hindi rin naman ito sakin. Besides, kilala nya daw ang owner nito.” Sagot ni Jasmin. Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Kailangan ko pala makausap si kuya about this. Lalo na ang tungkol sa pagkatao ko. Nanatili akong nakatingin kay Jasmin hanggang sa maubos na niya ang kinakaing mansanas. Nilingon niya ako saka tiningnan ng may pagtataka.
“Why?” tanong niya. Umiling ako sa kanya. Pagkatapos ay tumalikod ako para sana lumabas ng marinig ko ulit si Jasmin sa likod ko. Mabilis akong humarap sa kanya.
“Ano nga ulit ang name nya?” Tanong niya. Napakunot ako ng noo. Hindi ko maintindihan kung seryoso ba siya sa mga tanong niya o hindi.
“Steve Hans.” Sagot ko. Nagdadalawang isip pa akong banggitin ang apelyido ni kuya.
“Okay.” Wika niya saka tumayo. Inilahad niya sakin ang supot na kanina ay dala niya. Hindi siya tumingin sakin habang inaabot niya iyon. Napatingin ulit ako sa kanya ng may pagtataka.
“Tapos na akong kumain. Sa inyo na ito. Inaantok na rin ako e.” Sambit niya. Tinanggap ko ang supot na ibinigay niya. Nagmumukha na tuloy akong palamunin ni Jasmin. Bukas ay babawi ako.
Lumabas ako sa kusina at naabutan si kuya sa sala na nakahiga na sa sofa habang ang mga braso ay nakatakip sa kanyang mata. Naramdaman kong medyo gumalaw siya kaya naman alam kong napansin niya ang pagdating ko. Nakita ko rin si Jasmin na naglakad pa-taas.
“Hey.” Sambit ko. Narinig ko ang isang buntong hininga mula sa kanya at kasabay nun ang pagbangon niya. Alam ko na ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
“Explain it.” Wika niya ng hindi tumitingin sakin. Huminga ako ng malalim. Paano ko ba sisimulan ito? Hindi ako makahanap ng tamang words. Kahit alam kong inosente si Jasmin, kailangan ko paring mag-ingat sa kanya. Lalo na dahil sa ugaling pinakita sakin ng pamilya ni Jasmin. Mukhang hindi sila ordinaryo lalo na ng malaman nilang may tracking device ang kotse ko.
“What is the meaning of this?” sambit niya. Sa pagkakataong ito, lumingon na siya sakin. Hindi ko maiwasang kabahan.
“Alam nya ba ang pagkatao mo?” Umiling ako sa kanya. Ang tanging pangalan lang naman na nabanggit ko sa kanya ay ang second name ko.
“So, hindi niya alam na bahay mo ito?” Tumango ako sa kanya. Nakita kong napapikit siya sabay tingin sa taas. Pareho aming pinakiramdaman kung may kahit ano bang paggalaw sa taas. Mukha namang wala siya.
“Nga pala, ano na ang susunod mong gagawin? Ano yung pinapagawa nila sayo?” Iniwas ko ang tingin kay kuya. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba siya. Hindi ko alam kung ano ang tamang words. Lalo na sa assignment ni Clark, iyon ay ang patayin ang pinuno ng kabilang grupo.
“Wala naman gaano. May ipinahahanap lang sila.” Sambit ko at sinimulan ko ng kainin ang binili ni Jasmin.
“Do you need help?” Tanong niya. Tumingin ako sa kanya. Mukhang seryoso siya. Muli kong iniwas ang tingin ko at itinuon nalang ang atensyon sa kinakain. Ayokong pati dito ay madawit pa si kuya. Lalo na’t isa siyang American agent. Mapapahamak ko lang siya.
“I’m fine.” Muli kong sabi. Hindi na rin siya umimik. Mabuti na iyon. Wala rin naman akong sasabihin. Isa pa, maski ako ay wala pa ring nahahanap na lead tungkol kay Syncro. Nakakainis lang. Alam kong sobrang lapit na niya sakin. Ngunit pakiramdam ko ay malayo siya. Kahit alam kong nandyan lang siya sa paligid, pakiramdam ko ay malayo parin siya.
Pasimple akong sumulyap sa itaas. Kahit madilim iyon, pilit ko paring pinakikiramdaman si Jasmin. Inosente siyang bata. Ayokong madamay siya sa gulo ko. Hindi ko kilala ang kalaban. Hindi ko alam kung anong klaseng tao si Syncro. Although I already meet his comrade.
Ilang minuto ay natapos kami ni kuya. Parehong walang umiimik samin. Siya na rin ang nagligpit ng mga kalat. Pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa iyon. Lumabas siya saglit para itapon ang mga iyon at bumalik din.
“Osya! Uuwi na ako. Thanks, and be careful.” Sambit niya saka tinapik ang balikat ko. Tiningnan ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang lumabas sa bahay na ito. Nasakot ako ng sobrang katahimikan. Talaga ngang nakakabinge ang ganito. Walang kahit anong tunog ang aking narinig. Madilim din ang aking paligid kahit na may flashlight naman na nandito. Alam kong nasa taas si Jasmin ngunit para bang nag-iisa parin ako sa bahay na ito.
Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa madilim na parte ng aming bahay. Hindi na dapat ako nagsasayang ng panahon. Kailangan ko nang malaman kung nasaan si Syncro. Pagnangyare iyon, makaka-alis na ako sa organization at magagawa ko na ring maghanap ng sagot. Alam kong mahirap makahanap ng sagot kung wala na ako duon. Pero wala rin naman akong planong magtagal. Lalo na’t nalaman ko na may mga pulis na sa loob ng organization nila. Sooner or later masisira na ito. I better leave it now as soon as possible.
Bumagsak ang aking sarili sa sofa. Muli ko nanaman naramdaman ang antok. Hindi sa pagod kung hindi dahil sa dami ng iniisip. Bukas ay madami nanamang mangyayare. Pero kahit ano man iyon, handa ako.
Third person’s point of view
Katahimikan ang namayani sa kwarto kung saan nakahiga si Jasmin. Kahit nakadilat siya, pakiramdam niya ang nakapikit siya sa sobrang dilim. Hindi na rin naman siya nagbalak na buksan ang flashlight dahil gusto niya ito. Hindi nya rin alam kung ano nang ginagawa ng dalawa niyang kasama sa baba. Medyo naiilang siya lalo na at nagsama si Llana ng boyfriend sa bahay na ito.
Hindi nya tuloy maiwasang mapa-iling habang iniisip ang mga bagay na posibleng mangyare sa dalawang iyon. Isipin mo, madilim at sila lang ang nasa baba.
“Ano na kayang ginagawa nila ngayon?” Hindi maiwasan ni Jasmin ang mapatanong. Hindi rin kase siya makatulog. Kahit anong pilit niya ay hindi nya talaga magawang matulog. Dahil dito, napilitan siyang bumangon. Kahit madilim hindi niya ito inalintana. Sanay na ang kanyang mga mata. Para bang maliwanag at nakikita niya ang daan kahit sobrang dilim. Naglakad siya patungo sa hagdan ng marinig niya ang boses ng lalaki. Mukhang paalis na ito kaya naman nagtago muna siya habang pinagmamasdan ang mga nangyayare sa dalawa.
“Osya! Uuwi na ako. Thanks, and be careful.” sambit ng lalaki at lumabas na. Nag-intay siya ng limang minuto bago mapagdesisyonan na bumaba. Nakita niyang nakahiga na si Llana sa sofa. Mukhang tulog na ito dahil nakapikit na ang mga mata. Hindi na rin niya maramdaman kung gising ito. Napagtanto niyang tulog nga ang dalaga. Mabilis siyang lumabas ng bahay. Nagbabaka sakali na makita ang lalaki. Ngunit paglabas niya ay wala na ito. Wala siyang nakitang naglalakad sa malapit. Naisipan ni Jasmin na libutin ang harapan. Baka sakaling matanaw nya pa ang lalaki. Nang makitang wala na nga ito ay huminga siya ng malalim at naglakad papasok sa loob ng bahay.
“Are you looking for me?” tanong ng isang hindi inaasahang boses. Mabilis siyang napalingon sa gilid niya at nakita si Steve na nakasandal sa puno. Nakasuot ang dalawang kamay nito sa bulsa niya habang nakatitig sa kanya.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Kahit madilim sa lugar na ito, nakikita parin niya ang mga mata ng binata na nakatitig sa kanya. Sa unang pagkakataon, para bang kinilig siya sa porma at tindig ni Steve. She saw him smirk at her. Napataas ang kilay niya dahil duon.
“What do you want?” Malamig na tugon niya. Napa-irap nalang si Jasmin. Kahit alam nya sa sarili niya na hinahanap na talaga ang binata, nag-iisip parin siya ng ibang palusot upang makaiwas. Hindi nya rin kase alam kung bakit nya ba hinahanap ang binata.
“Wala.” Maikli niyang tugon. Mukhang hindi kumbinsido si Steve sa sagot niya dahil sa pagngisi nito. Alam niyang may iniisip na kalokohan ang binata.
“C’mon. You don’t have to be so shy.” sambit ni Steve at lumapit sa kanya. Hindi tuloy ni Jasmin mapigilang mapa-atras dahil sa dahan-dahan nitong paglapit sa kanya.
“Sabi kong wala nga. At saka bakit ba nandito ka pa?” Tanong niya kay Steve. Huminto ang binata at nag-akmang nag-iisip. Medyo nairita si Jasmin dahil para bang nang-aasar ito sa kanya.
“Sa pagkaka-alala ko, kilala ko ang may-ari ng bahay na ito.” Sambit ni Steve.
“Okay.” Sambit ni Jasmin at nagsimula ng maglakad papunta sa loob. Medyo naiirita na siya sa lalaking ito. Pakiramdam niya ay ipinamumukha sa kanya ni Steve na mas may karapatan siya sa bahay na ito. Wala na rin naman siyang laban pagdating sa usaping iyon dahil totoo naman ang sinabi ni Steve.
Pagpasok niya sa loob ay aga niyang isinara ang pinto. Bumungad sa kanya ang madilim na sala. Although there is a flashlight beside Llana, para bang ang dilim parin ng paligid. Huminga siya ng malalim at napasandal sa pinto. Para bang may kung anong nangyayare sa kanya. Sa unang pagkakataon, ngayon nya lang naranasan ang pakiramdam na ito. Bago ito sa kanya kaya hindi niya alam kung paano ito bibigyan ng solusyon.
Inilagay niya ang kanang kamay sa tapat ng kayang puso. Ramdam niya ang kakaibang t***k nito. Hindi nya talaga maintindihan ang sarili. Napapikit nalang sya habang lumilipad sa isip niya ang lalaking ngayon nya lang nakilala.
Sh*t!
Napailing siya habang iniisip ang napaka-imposibleng bagay. Hindi niya dapat iniisip ang ganito. Hindi nya dapat pinagtutuunan ng pansin ito. Ito ang mga bagay na sumasagi sa isip niya. Hindi ito ang priority ko. Wika niya sa kanyang isip. Isa lang ang dapat niyang iniintindi. Ang bagay na maaaring makasira sa kanila. Ang bagay na alam niyang malapit ng dumating.
Sa ngayon, wala pa siyang naiisip na plano kung paano niya ba bibigyan ng surprise ang taong iyon. Hanggang ngayon kase ay wala pang planong kumilos ang kanyang ama. Ito ang ipinagtataka niya.
Matagal nang pinag-aaralan ang sinusundan ng kanyang ama ang hakbang ng organization na iyon. Kaya iba ang pagtataka niya ngayon dahil sa biglaang pagtahimik nito lalo na ng malaman ang bagong plano ng organization.
Kung hindi gagawa ng paraan ang kanyang ama ay siya na lamang ang mag-iisip. Ito ang mga bagay na tumatakbo ngayon sa isip niya. Marami pa siyang trabahong dapat gawin bago ang mga bagay na ito lalo na ang paniago niyang nararamdaman.
Kailangan kong mahanap si Sync!
Napatayo siya sa kina-uupuan niya at huminga ng malalim. Kasabay nun ang pagtingin niya kay Llana na natutulog sa sofa. Hindi niya maiwasang mahiya dito. Hindi niya dapat malaman kung sino siya. Natatakot siyang madamay ang taong una niyang naging totoong kaibigan. Iyon ay si Llana.
Dahan-dahan siyang lumapit dito at tinitigan ang maamong mukha ng kaibigan. Si Llana lang kase ang naging tunay niyang kaibigan. Siya lang ang nakasama niya ng matagal gaya nito. Kaya hindi niya maiwasang mapalapit ang loob sa dalagang nakahiga sa harap niya. Nginitian niya si Llana at inabot ang kumot na nasa kabilang sofa. Pagkatapos ay ibinalot niya ito sa kaibigan.
Kahit anong mangyare, ayaw niyang madamay sa gulong pinasok niya ang kaibigan niya. Ayaw niyang madamay ito sa magulo niyang mundo.
Umakyat na siya sa taas. Muli niyang nilingon si Llana sa baba bago tuluyang pumasok sa isa sa mga kwarto kung saan siya natutulog. Bukas ay sisimulan na niya ang trabaho. Bukas ay kailangan na niyang gawin ang mga bagay sa lalong madaling panahon. Bago pa mahuli ang lahat. Bago pa sila mapatay lahat ni Sync.