Zerrie's POV Natigilan ako sa paglalakad ng maramdaman ang pagvibrate ng cell phone ko sa aking bulsa. Huminto ako sa paglalakad. Ganon din si Jasmin ng maramdaman nyang huminto ako. "Why?" Tanong niya sa akin. Ipinakita ko sa kanya ang aking cell phone upang ipahayag na may tumatawag. Tumango siya ng maintindihan niya ang ibig kong sabihin. "Wait..." Wika ko sa kanya. Tiningnan ko ang numerong naka-flash sa cell phone ko. Galing ito kay kuya. Napakunot ako ng noo. Ano kayang kailangan ni kuya? "Hello?" Bungad ko sa kanya. "Where are you?" May pag-aalala sa boses ni kuya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Jasmin papunta sa hideout nila Riabelle. Napag-desisyonan namin ni Jasmin na pumunta na sa hideout nila ng wala ng pag-aalinlangan. Sa p

