"Saan tayo pupunta?" Wika ni Lexin. Hindi niya maiwasang magtaka dahil kanina pa sila naglalakad ni Riabelle. Hindi naman umimik si Riabelle. Ngayon ay nagdududa na siya. Agad nakaramdam si Lexin ng pagsisisi. "Don't worry. Malapit na tayo." Wika ni Riabelle. Hindi na sumagot pa si Lexin. Ang nasa isipan nya lang ngayon ay kung paano na aalis. Iba na ang pakiramdam niya. Maya-maya ay nakarating sila sa isang malawak na damuhan. Napaliligiran ito ng mga puno. Sa gitna ay may para bang bakal na pinto na nakabukas mula sa lupa. Lumapit siya dito at sinilip ang ilalim. Hindi niya makita kung ano ang nasa baba. "What's this?" Tanong niya kay Riabelle. Nanatiling nakangiti si Riabelle sa kanya. Napakunot ang kanyang noo dahil pakiramdam niya ay hindi maganda ang ibig sabihin ng ngiting iyon.

