"Sa ngayon ay naka-alis na ng bansa ang ilang ambassador na nagpunta dito nung nakaraan." Nakatitig sa kawalan si Steve habang lubog na lubog sa lalim ng iniisip. Naghahalo-halo na sa utak niya ang mga problema at hindi na niya alam kung alin dito ang uunahin. Ultimo ang mga salita ay naghahalo-halo na rin sa kanyang isipan. "Sir, ayos lang po ba kayo?" Napalingon siya sa gilid niya ng marinig ang sinabi ng isa sa kanyang kasamahan. Umayos siya ng pagkakatayo mula sa pagkakasandal sa pader. "Why? May problema ba?" Malumanay niyang tanong dito. Umiling ang kasama niya. "Wala po sir. By the way, gusto daw po kayo makausap ng chief." Wika niya. Tumango-tango siya at saka inayos ang sarili. Bago lumakad ay nagwika siya. "Alamin mo kung saan nanggaling ang mga ambassador na iyon, kahit s

