CHAPTER FORTY-ONE

2477 Words
Zerrie’s POV   Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Ang tagal naman umalik ni kuya. Sabi nya sakin kanina ay hindi daw siya magtatagal. Magpapahangin lang daw. Inabot na siya ng siyam-siyam, hindi parin nakakabalik.   Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagpasiyang lumabas. Susunduin ko nalang siya. Baka naligaw lang siya sa sobrang laki ng mansyong ito. Madali pa naman maligaw ang lalaking iyon. Hindi ko ba alam kung sadya niya iyon o talagang mabilis lang siyang maligaw.   Tahimik akong naglakad palaas sa kwarto ko. Tahimik na rin ang paligid. Malamang na ang mga maid at ang iba pang staff dito ay nasa kani-kanilang kwarto. Tinahak ko ang daan papuntang terrace. Walang Steve ang bumungad sakin duon. Tumaas ang kanag kilay ko. Nasaan naman iyon nagpahangin?   Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa nakarating ako sa first floor. Isang lugar ang pumasok sa utak ko na posibleng lokasyon ni kuya. Sa golf course. Sariwa ang hangin duon. Malamang na duon niya naisipang tumambay at manigarilyo nanaman.   Naglakad ako patungo duon. Dito ay may pangilan-ngilan akong nasaalubong na mga maid na mukhang katatapos lang sa kani-kanilang mga gawain. Bumati sila sakin kaya naman ngumiti ako pabalik sa kanila. Nang makalagpas ako sa kanila ay isang hindi inaasahan na tao ang nakita ko sa di kalayuan. Naglalakad siya papalapit sa direksyon ko na tila malalim ang iniisip. Naiwan akong nakatayo lang habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung iiwas ba ako o hindi.   Nang mapag-isipan kong umiwas ay huli na. Nakita kong nakatingin na si Jasmin sakin. Hindi siya nagulat, hindi rin siya nabigla o kahit ano pa man. Walang emosyon siyang nakatingin sakin at tila nababalot ng malalim na pag-iisip. Nagsimula na siyang maglakad papalapit sakin ng hindi inaalis ang mga tingin sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang titigan din siya pabalik. Nang magtapat kaming dalawa ay hindi manlang natinag ang mga titig niya.   “Have you seen my kuya?” Panimula ko sa kaniya na akala mo ay walang nangyareng tensyon sa amin.   “Umalis na. May importante daw aasikasuhin.” mabilis niyang tugon. Tumango-tango ako sa kanya. Ano naman kayang importante iyon? Tungkol ba sa work? Kung sabagay, isa nga pala siyang undercover agent. Malamang ay ipinatawag siya ng kanilang commander.   “Thank you.” Tugon ko at tumalikod na sa kanya. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa kwarto ko ng mapahinto ako dahil sa isang tunog na galing kay Jasmin. Dahan-dahan akong humarap sa kanya at nakita kong nakatutok sakin ang kanyang baril. Walang emosyong nakatitig sa aking mga mata si Jasmin.   “What do you want?” I ask. Umiling siya at muling inayos ang pagkakahawak sa baril. I didn’t feel anything. I’m not scared totally. I just look at her with no emotions. Kung sabagay, matagal na nga rin pala niyang hinahanap si ‘Sync’ upang patayin. Hindi nya lang iyon nagawa dahil sa hindi maganda ang huli naming pagkikita.   “Siguro naman may idea kana Sync or should I say, Llana.” Mahinahong wika ni Jasmin. Huminga ako ng malalim. Tama siya, I already have an idea. I clapped my hands at tumango-tango sa kanya.   “Kung sa bagay, tama ka. Alam ko kung bakit o anong dahilan. Ang tanga ko talaga. Bakit ko pa ba tinatanong?” Sambit ko habang tumatawa na parang tanga. Nakita kong mas lalong nairita si Jasmin. Ngayon ay unti-unti nang nagkakaroon ng emosyon ang kanyang mukha. Huminga ako ng malalim dahil wala ako ngayon sa wisyo upang makipagbangayan sa kanya. Alam kong ang mga sinabi ko sa kanya ay talagang masakit.   “I still remember your last words to me. I can’t believe it. I thought you are my friend. Nagkamali ako.” May diin sa bawat bigkas na iyon ni Jasmin. Dahil duon, natahimik ako. Hindi ko nagawang makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I never wish to hurt a friend. Hindi ko ito ginusto. But this is the only way for us to do our job. Mahihirapan kami pareho kung parehong may pumipigil sa amin na gawin ang isang bagay na iyon.   Dalawang kamay na niya ang nakahawak sa baril. Madiin ang hawak niya dito na nakatutok sa akin. Huminga ako ng malalim. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang baril. Itinutok ko ito sa puso ko kahit hawak nya pa. Gulat na napatingin sakin si Jasmin.   “I know you can’t.” Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa mga mata ko. Tama nga ako. Nag-aalinlangan siyang pindutin ang trigger. Kitang-kita ko sa mata niya ang pag-aalinlangan. Dahil duon, mabilis kong kinuha sa kamay niya ang baril. Sa isang iglap ay nasa kamay ko na ang baril.   “I’m not doing this just to hurt you. See? You can’t because of that damn reason.” Sambit ko at binato sa kanya ang baril hindi nya ito nasalo at bumagsak ito sa sahig. Napatingin ako duon at muling lumingon sa kanya. Kitang-kita ko ang mga mata niya na tila ba gulong-gulo.   “Itulog mo muna iyan, Jasmin.” Nakaramdam ako ng kung ano dahil sa pagbigkas ko sa kanya ng pangalan niya. Sobrang tagal na rin simula ng huli kong binanggit ito sa harap niya. Sobrang daming nag-daan at hindi ko na talaga namalayan.   Nakabalik na ako sa kwarto ko. Pagsara ko ng pinto ay isang malalim na paghinga ang binitiwan ko. Sa dami-dami ba naman ng pwede kong makita ay si Jasmin pa pero maganda narin iyon. At least ay nagkaroon kami ng pag-uusap at hindi awkward sa mga sumunod na araw.   KINABUKASAN ay nagising ako sa katok mula sa pinto ng kwarto ko. As expected, mula iyon sa isa sa mga maid na umaasikaso sa akin. Bumangon ako at tinungo iyon.   “Pinapupunta po kayo ni Syncro sa dining room. Sumabay na daw po kayo.” Sambit ng maid. Tinanguan ko siya at muling sinarado ang pinto. Ano bang meron at nag-aaya siyang kumain kasabay ko? Dati naman ay hindi nya iyon ginagawa. Malamang ay dahil kasama na nga si Jasmin.   Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas ako at nagtungo duon.Medyo nahiya ako dahil nandun na silang tatlo. Mukhang kanina pa nila ako inaantay. Tahimik lang silang tatlo habang nakatingin sa pagkaing nakahain sa lamesa. Nang dumating ako ay sabay na napatingin sakin ang tatlo.   “Pasensya na at ako’y nahuli.” Bngad ko. Ngumiti sakin si Fernando sabay tingin kay Jasmin. Iniwasn naman ni Jasmin ang tingin nya sakin. Sumagi sa isip ko ang tagpo namin kagabi. Malamang ay sariwa parin kay Jasmin iyon.   “Maupo kana.” Sabi ni Syncro. Mabilis akong umupo sa bakanteng upuan na itinuro sakin ng isang maid. Wala manlang nagsalita pagkatapos nun. Tahimik kaming kumain ng agahan at tila may kanya-kanyang iniisip. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng komportable dahil sa tagpong ito.   Natapos ang agahan at tahimik parin kaming apat. Hindi ko magawang sabihin na aalis na ako dahil mukhang may sasabihin pa si Syncro. Kung anuman iyon, sobrang tagal naman. Ramdam kong importante iyon. Hindi ko lang mapaliwanag kung bakit parang may kung ano sa sasabihin niya.   “Dahil nandito na si Jasmin, maaari na nating simulan ang gagawing hakbang…” Natigilan ako ng marinig ko si Syncro. Nagkatinginan kami ni Jasmin ngunit mabilis din siyang umiwas.   “Mayroon na akong nakalap na impormasyon tungkol sa mga missing persons.” Bulalas naman ni Fernando. Nagkatinginan sila ni Syncro at tila nagkakaintindihan silang dalawa. Hindi ko maiwasang mapaisip sa nangyayare.   “Ayon sa nakalap naming report, karamihan ng mga nawawala ay sangkot sa ipinagbabawal na gamot.” Napakunot ako ng noo. Saan naman nakuha nila Fernando ang ganitong ka-sensitibong impormasyon.   “Tungkol sa gamot na nagawa ng organisasyong iyon, ibig mo bang sabihin ay may kaugnayan iyon dito?” Sa wakas ay nagsalita na rin si Jasmin. Tumango si Syncro sa kanya.   “Isang bagong uri ng formulated drug ang ginawa ng organisasyong iyon. Maaari nating ipalagay na sila ang nasa likod nito.”   “We don’t have proof.” bulalas muli ni Jasmin. Napatingin kaming tatlo sa kanya. May punto siya. Hindi sapat ang mga ganitong ‘nagkataon’ para sabihing sila ang nasalikod nito. Lalo na’t ilang araw na silang walang paramdam. Hindi ko na nga alam kung nasaan na sila ngayon o ang bago nilang hideout.   “Edi maghahanap tayo ng proweba.” Sambit ni Syncro. Natahimik si Jasmin. Napatingin naman sakin si Fernando at tila may kahulugan ang mga tingin na iyon. Iniwas ko nalang ang tingin ko dahil hindi ko nagugustuhan iyon.   “First, we have to find out where are they now.”  Singit ni Fernando. Nanatili akong tahimik at nakikinig sa kanila. Hindi ko naman alam kung ano ba ang masasabi ko. Ilang araw akong nakakulong sa kwarto kaya wala pa akong ginagawang hakbang.   “Ako na ang gagawa dyan.” Muli nanaman akong palingon kay Jasmin ng sabihin niya ang mga iyon. Seryoso siyang nakatingin sa kanyang ama habang sinasabi ang mga salitang iyon. Natahimik si Fernando dahil sa pagpiprisinta ni Jasmin. “Ako na ang gumawa sa parteng iyan.” Dagdag pa niya.   Nagkatinginan si Fernando at Syncro dahil duon. Mukha namang pursigido siyang gawin ang task na iyon. Sa akin ay ayos lang. Mukhang mas magagawa nga ni Jasmin ng maayos ang parteng ito.   “Kung iyan ang gusto mo.” Tugon ni Syncro. Tumango si Jasmin sa kanya at tumayo. Mabilis itong lumabas sa dining room. Nang mawala si Jasmin sa paningin ko ay mabilis akong tmingin sa kanila na ngayon ay nagdadalawang isip pa sa naging desisyon nila.   “Ano ang gagawin ko?” Bulalas ko. Napatingin naman silang dalawa sakin. Mukhang wala pang hakbang nabubuo sa isipan niya. Tahimik siyang nakatingin sakin at tila nag-iisip. I try to think what I can do too. Pero walang pumapasok sa isip ko. Siguro ay nakailangan nga talaga muna naming malaman kung nasaan sila Riabelle.   “You know what you can do, Sync.” Mabilis na tugon ni Fernando. Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Bakit parang pakiramdan ko ay may kahulugan ang mga salitang iyon? Bakit pakiramdam ko ay may ibig sabihin ang mga iyon? O talagang nagi-illusion lang ako at kung anu-anong iniisip.   “What do you mean?” Matapang ko siyang hinarap. Ngumisi lang siya sa akin at tiningnan ako sa mata.   “If I remember, you are the murderer. Hindi ba’t nagtatrabaho ka sa kanila upang patayin ang mga traydor?” Tanong ni Fernando. Tumango-tango ako upang ipahayag sa kanya na naiintindihan ko na. Nakangiti lang siya sakin at muling inilipat ang paningin sa papel na hawak.   Muli kaming natahimik. Sa tingin ko ay alam ko na nga ang gagawin ko. Hindi ko lang maisip kung paano nagbago ang ikot ng mundo naming lahat, kung paano nagbago ang takbo ng buhay ko. Dati ay iniisip ko lang ang araw-araw kong pamumuhay. Ang mga buhay ko sa gabi. Nagtatrabaho lang ako sa mga nasa gobyerno kug sino ang iutos nila sakin.   Sa mga nagdaang araw, linggo, at buwan ay sobrang daming nangyare. Sobrang daming sikreto ang aking nalaman. Lahat ng iyon ay dahil sa isang katanungan sa isip ko. Ang mga katanungan ng isang taong punong-puno ng kuryosidad.   Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at tumingin sa kanila. Alam kong hindi pa tapos ang gyerang ito. Nararamdaman kong ang nangyareng iyon ay panimula palang. Lalo na’t hindi pa namin alam kung nasaan sina Riabelle. Ang mansyon nila ay nasunog na at wala kaming ideya sa kung anong inabalak nila sa gamot na ginawa nila.   “Aalis na po ako.” Sambit ko at naglakad palabas duon. Hindi ko na rin narinig pang sumagot ang dalawa. Paglabas ko ay isang bagay lang ang pumasok sa isip ko. I have to prepare the next wave of this battle. Hindi ko alam kung anong plano nila ngunit ramdam kong hindi ito maganda.   Third person’s point of view   Isang ngiti ang pinakawala niya ng makita ang bunga ng kanilang paghihirap. Ngayon ay kitang kita niya na nagiging maayos ang takbo ng lahat. Maaari na silang kumilos anumang oras. Napatingin siya sa lalaking nasa tabi niya na kasalukuyang umiinom ng alak. Tahimik itong nakamasid sa kanilang pinaghirapan.   “Anong plano?” Bulalas niya dito. Hindi ito sumagot sa kanya. Malamang ay wala rin itong plano. Huminga siya ng malalim. Kailangan na nilang kumilos. Handa na ang lahat.   “Ano pa bang inaantay mo, Clark?” Bulalas ni Riabelle. Sa wakas ay napatingin na rin sa kanya si Clark ngunit gaya nung una ay hindi rin ito sumagot. Nakaramdam ng inis si Riabelle dahil hindi niya nagugustuhan ang attitude na ito ni Clark.   Padabog siyang tumayo at lumabas sa kwartong iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nya pang antayin ang pahintulot ng lalaking iyon gayon maari naman siyang magdesisyon. Sa katunayan, malaki ang ambag niya sa proyektong ito. Handa na rin siya kung sakaling dumating ang araw na tumalikod sa kanila si Clark.   Habang naglalakad ay may nasasalubong siyang mga doktor. Bumabati ang mga ito sa kanya. Naririnig niya ito ngunit hindi niya pinapansin. Sanay na rin ang mga doktor sa ganitong engkwentro kay Riabelle. Paglagpas ng mga doktor ay naiwan siya sa hallway. Wala ng ibang taong dumadaan o nanduon. Sinamantala niya ito at inilabas ang telepono. Isang numero ang pinindot niya. Ilang ring lang ay sumagot na ito.   “Napatawag ka?” Isang malalim na boses ang bumungad sa kaniya. Alam niyang gumagamit lang ng voice changer ang kausap.   “Wala pang plano si Clark. Anong gagawin natin?” Tanong niya sa kausap. Saglit na natahimik ito. Maya-maya ay sumagot na rin.   “Bakit ba masyado kang nagmamadali? Hindi natin kailangan manguna sa laban. Hayaan mong sila ang maghanap sa atin.” Napairap si Riabelle. Naiinis nanaman siya dahil hindi ito ang sagot na kailangan niya ngayon.   “Walang puwang ang kalma sa atin. Lalo na at nanduon siya sa kabila. Paniguradong madali nya lang tayong matutunton.” Sagot ni Riabelle. Sa kanilang lahat, siya lang ang nakasama nito ng matagal. Kaya naman kilala na niya ang galawan nito. Hindi nya rin maintindihan kung bakit kinakabahan siya sa babaeng iyon.   “You mean, Sync?” Tanong ng nasa kabilang telepono. Napapikit ng mariin si Riabelle ng marinig ang pangalan nito ngunit napakunot siya ng noo ng marinig ang halakhak ng kausap.   “Don’t worry. Kilala ko na kung sino ang taong nasa likod ng maskarang iyon. Sasabihan nalang kita sa bagong hakbang na ginawa ko.” Wika nito at saka ibinaba ang tawag. Naiwang puno ng katanungan si Riabelle. Hindi nito maunawaan ang ibig sabihin ng kausap. Alam niyang lahat ay kayang gawin taong iyon ngunit sa puntong ito ay hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng mga salitang binitiwan nito.   Inilagay niya sa bulsa ang telepono. Kahit na ganon pa man, may tiwala siya sa taong ito. Paniguradong hindi papalya ang taong ito pagdating sa trabaho. Malamang na maganda ang hakbang na ginawa nito. Hindi talaga ako nagkamali sayo. Wika niya sa kanyang isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD