"UY ANDREE! 'Wag ka sanang magagalit sa 'kin ah?" Kumunot noo ako dahil sa pagtataka. Why would I feel anger about the things I do not know? "What's the matter?" I asked too. "Naalala mo 'yung lugar kung saan tayo naglakbay sa mundo? Alam ko kung saang eksaktong lugar iyon. Sa Batanes. Pasensya na, nawalan kasi ako ng kumpiyansang sabihin 'yung tungkol do'n, syempre takot lang naman kasi akong masabihan ng baliw o wala sa katinuan." napalunok siya at tumingin sa kawalan. Ayon sa binanggit niya sa'min kanina, isang linggo na raw ang lumipas simula nung nakapunta kami sa mundo. At sa pagkakataong ito, panibagong kawirduhan na naman ang nais niyang ipaintindi sa amin. "Sa tingin mo ba'y gano'n kami sa'yo? Yes, I admit na minsan maypagkawirdo ka talaga, pero kahit kailan 'di sumagi sa is

