Kasalukuyang kumakain ng agahan ang apat. Magkatabi ang mag-asawang Alvarez. Nasa tapat naman nila nakaupo sina Willa at Yuan. Kapwa magkaharap ang dalawang babae at ganoon din ang dalawang lalaki. Nauna na ring kumain sina Manang Neneng at Wyler kanina. Pina-bottlefeed na rin ni Gianna si Greisha kanina. At silang apat na lamang ang nasa hapag-kainan ngayon. Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan nila. Hindi naman nag-iimikan ang mag-asawa. Nais ding magsalita ni Yuan ngunit hindi naman alam ang sasabihin. Likas namang madaldal si Willa subalit kinakabahan siya dahil sa kahihiyang nagawa niya kagabi. Katabi pa niya si Yuan na kinumpirma na niyang crush niya. Ni hindi nga magawang sulyapan ito. Bigla namang naalala ni Willa ang hinala niya kahapon tungkol sa Kuya William niya, kay

