"Ate Gi, are you okay?" sa wakas ay naitanong din ni Willa ang matagal nang bumabagabag sa kanyang isipan. Mula pa kasi kanina nang dumating siya rito sa bahay ng Kuya William at ng sister-in-law niyang si Gianna ay napapansin na niya ang kakaibang presensya o mood nito. Hindi naman ganito si Gianna sa kanya dati. Parang mag-best friends pa nga sila dahil kapwa naman sila madaldal at nagkakasundo sa mga bagay-bagay. Ngayon lang naging tahimik ang kanilang pag-uusap. Nararamdaman pa niyang parang may mali. Tila hindi naman siya narinig ni Gianna. Bagkus ay nakatunganga lamang ito sa kawalan habang pinapa-breastfeed ang anak nitong si Greisha. Halatang hindi nakikinig sa mga kwento niya. Narito kasi siya upang dumalo sa birthday party ng kaibigan niya mamayang gabi. At sinamantala na niya

