Nakasuot si Diana ng sleeveless blouse na kulay dilaw, pinaresan ng dark blue jeans. Nagtalukbong din siya ng tela at tanging mukha lamang niya ang kita. Nakasuot din siya ng sunglasses. Tila isa siyang turista na pupunta sa isang sikat na tourist spot. Ngunit hindi roon ang kanyang pupuntahan. Napagdesisyunan ni Diana na puntahan si Manang Neneng sa ospital. Ilang araw na siyang hindi makatulog at mapakali dahil doon sa sinabi ni William sa kanya nang magkausap sila. Igiit man ni Diana na wala siyang kasalanan at aksidente lamang ang nangyari pero may kinalaman pa rin siya sa nangyari, anang isip niya. Natatakot siyang dumating ang araw na makakapagsalita na si Manang Neneng at sabihin kay William ang totoong nangyari. "Miss, I'm Isabel, one of the neighbors of Nenita Jala before. May

