Gabi na ng makauwi ako sa dorm. Nagmamadali akong nagpaalam kay Daemon dahil baka mapagsarahan na ako ng gate. Ch-in-eck ko kaagad kung naka-lock naba ito sa loob o hindi pa and Thank God, dahil nakabukas pa ito kahit dis-oras na ng gabi. I wave my hand to Daemon to say goodbye, nang masigurado niyang nakapasok na ako sa loob ng gate ay pinaandar na niya ang bigbike niya saka mabilis na pinatakbo. nakahinga naman ako ng maluwag. Hahakbang na sana ako paakyat ng hagdanan ng biglang may magsalita. "San ka galing? Bakit gabi kana umuwi?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Reggie sa harapan ko. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa gulat, akala ko pa naman ay si Mang Jhony siya, ang may-ari ng dorm. "Hmm ikaw pala, Regie.. namasyal lang ako," tipid na sagot ko. hahakbang na sana ako at lalampas

