Nandito kami sa park ni Reggie, dito nya ako dinala matapos nya ako yayain na mamasyal. Pansin kong tahimik sya dahil halos hindi nya ako kausapin. Magsasalita lang sya nagsalita ako, kakausapin nya ako kapag kakausapin ko lang sya.. e anong silbi na inaya pa nya ako dito? Why so sudden na biglang naging cold ang treatment nya? Napagod na ako kakalakad kaya naupo muna ako sa bermuda grass na may malaking puno ng mangga, sumandal ako at saglit na ini-relax ang sarili. Naramdaman kong sumunod din sya at umupo sa tabi ko. Nakapikit parin ako at suddenly.. biglang pumasok sa isip ko si Daemon, nakapikit nga ako pero mukha nya ang nakikita ko. Iminulat ko ang aking mga mata, pero naulat ako at napatayo ng makita ko sya sa di kalayuan at kalaunan ay nawala rin? Tinitigan ko ang lugar kung nasa

