“Damn! She is lying. It's so obvious!" Galit na anas ni George nang makabalik ang mga ito sa sasakyan. "Pero may point ang doktora. Kahit i-deny niya ay may punto siya. Wala tayong warrant of arrest," ani SPO1 Desiderio at hinarap ang dalawang witness. "Sigurado ba kayo na tama ang pinuntahan natin?" "B-Boss sigurado po kami. Binigyan pa nga po kami ng pera ni doktora para manahimik. Pero yung kamukha niya ang talaga ang nagdala sa lalaki dito." Tarantang sagot ng matanda. "Bakit hindi niyo sinabi kanina." May bahid ng inis ang tinig ng pulis. "E-eh boss kayo nga hindi nakapagsalita kanina, kami pa kaya." Napapakamot na katwiran ni Toring. Nagkatinginan ang dalawang pulis bago nagsalita si Spo1 Desiderio. "Anong plano ninyo? Hindi tayo makakapag-provide ng warrant of arrest ng walan

