Caya
"They said they'll increase the security in the resort para naman hindi tayo maabala kung sakali." David glanced at me. "Maybe we can share a room to . . . you know? Get to know each other more para sa next projects, hindi na magkailangan?"
Napalunok ako sa kanyang alok. I know he can feel that I'm very distant despite us working as a love team. Okay naman siya at napaka-vocal tungkol sa pagkakaroon ng malaking gusto sa akin pero takot akong ma-attach na naman.
My therapist said I'm this way because what happened between me and Rafael caused me a lot of pain. It made me guarded and unable to trust another guy again. Kasi iniisip ko na kaagad na gagawin din sa akin ang ginawa ni Rafael.
"Uhm, may usapan na kasi kami ni Astrid na share kami ng beach house. Doon kami sa sinabi ni Zaskia na two-bedroom na may jacuzzi at ocean view." I forced a smile. "Maybe next time."
His smile faded and I saw his adam's apple bobbed up and down as he tailed the black van. "Alam kong marami ka nang napagdaanan dahil sa kapatid at mommy mo. I know it's hard for you to trust people but I hope you will soon give me a chance. Hindi naman kita sasaktan, Caya."
I inhaled a sharp breath then forced a smile. "Nandito na yata tayo," pag-iiba ko ng usapan.
Hindi na lamang siya umimik. Sinilip ko ang malaking signage ng Blue Bayou sa labas ng higanteng gate. Nang maiparada ni David ang sasakyan ay lumabas siya saka pumunta sa tapat ng shotgun seat upang pagbuksan ako.
David offered a hand which I accepted. Pagkababa ay sinalubong kami ni Azul Beckham.
"Welcome to Blue Bayou. My wife will be here tomorrow morning," bungad niya sa amin.
We shook hands with him. Nakipagkwentuhan din nang kaunti bago niya ipinakilala ang staffs niya. I was smiling at them as Azul introduced them all to us, but when I spotted the guy standing at the farthest part next to a girl in blue uniform, my eyes slightly widened and my heart nearly jumped out of my chest.
Rafael . . .
I blinked my eyes, hoping that he would disappear just like before. Madalas akong mamalikmata noon dahil nami-miss ko siya, ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya naglaho. He was staring back at me with pursed lips and darkened expression while I stood next to David.
Nalunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. His tan skin and tousled hair looked good on him. Tila mas toned din ang katawan niya ngayon. His biceps were emphasized properly by his black shirt that's hugging his body perfectly. Ang hindi ko lang nagustuhan ay . . . ang kung papaano niya akong tingnan.
Isn't he pleased to see me?
Humugot ako ng hininga't umiwas na ng tingin. Well, the feeling is mutual. It should be.
"My staff will bring your things to your respective beach houses. Meanwhile, we can go to the resto so you can choose whichever you want for dinner. It's on the house," Azul announced.
We all thanked him. David then held me by my lower back as if supporting me as we walk. Hindi ko na lamang pinigilan. Nasanay na rin ako na ginagawa niya iyon. Noong una ay naiilang pa ako dahil ganoon ang madalas gawin ni Rafael nang nasa cruise pa kami ngunit ipinaalala ko sa sarili kong hindi lamang siya ang lalakeng gumagawa no'n sa babae.
At hindi lamang ako ang babaeng inalalayan niya sa lower back.
God, I have to keep reminding myself about everything I had gone through. The therapies, the sleepless nights, the feeling of being left without a proper goodbye. Mababaw man sa iba, masakit iyon sa akin.
I guess hindi talaga masasabi kung saan masasaktan nang husto ang isang tao. Siguro kaya hindi pare-pareho ang bawat isa. May mababaw para sa iba na masakit naman sa ilan. Besides, my therapist said what Rafael did added to my existing trauma that was caused by my own family. Sa isip ko ay lahat ng mamahalin ko, sasaktan ako.
"Thanks, David," I said after David pulled a seat for me. Naupo naman siya sa aking tabi pagkatapos.
"What do you want for dinner?" he asked.
Akmang sasagot na ako nang may sumingit sa aming pagitan. Muntik na yata akong mapasinghap nang mapagtantong si Rafael iyon.
"Excuse me, ilagay ko lang," he said in a serious tone. Tila labag sa loob na siya ang naglagay ng menu sa tapat namin ni David.
I pursed my lips and tried my best to not meet him in the eyes. Mas naging uneasy rin ako noong tumayo siya ilang hakbang mula sa aking likuran. Is he going to be the one to list our orders? Oh, please no.
"Rafael, sabi ni Sir Azul pwede ka nang magpahinga. Kami na rito," I heard a woman's voice said.
"Ayos lang. Hindi naman ako pagod. Tutulong na lang ako," sagot ni Rafael.
"Sige na nga. Ikaw talaga, ang sipag-sipag mo." The girl giggled. "Ay, dadalhan pala kita ng suman bukas. Nami-miss ka na raw ni Mama. Nagtatampo na sa'yo dahil hindi ka na nakakapag-dinner sa bahay. Sabi ko naman nasira 'yong motor na ginagamit mong panghatid sa akin."
Hindi ko napigilan ang paghigpit ng hawak ko sa menu. Are they dating? Bakit hinahatid?
I pursed my lips. Well, why do I care? Hindi naman kami magkarelasyon at hindi rin naman kami mag-ex.
In fairness, ang bait niya sa part na kahit pinagpapahinga na siya ay gusto niya pa ring tumulong. Why? Afraid that his girl would get tired serving us?
Napabuntonghininga ako. Why do I give a damn anyway? Bakit ang bitter kong pakinggan? Nakakainis naman! Hindi na ako 'to.
Tumikhim si Astrid na nakaupo sa aking tapat. "Caya, I changed my mind. Let's stay in solo beach houses." Makahulugan siyang ngumisi. "Baka gustong sumilip ng groom sa kwarto. You know . . ."
I smirked. "Sure. Pabor naman sa akin."
Hindi nila ako maiistorbo kung sakali.
I put the menu down. "David, samahan mo nga ako. Naiwan ko yata ang phone ko sa bag."
"Sure."
He stood up and offered a hand to help me. Nang makatindig ako ay napansin kong nakatutok ang matalim na titig ni Rafael sa mga kamay namin ni David. Umigting din ang panga niya na tila hindi ikinatutuwa ang nakikita ngunit kaagad kong sinaway ang sarili bago pa ako maniwalang iyon ang dahilan ng madilim niyang ekspresyon.
No, Caya. You will not assume anything anymore. If he really liked you, he would've reached out a long time ago . . . or should've said a proper goodbye.
David and I were about to leave the resto when his phone rang. Binitiwan niya ako't ipinakita ang phone. "Si Tita Cathy. I'll just answer this."
Tumango na lamang ako at pinanood siyang lumayo para kausapin ang aming manager. Nanatili lang akong nakatayo, naghihintay na matapos ang tawag ngunit maya-maya ay narinig ko ang pagtikhim ng pamilyar na lalake.
"Tara. Samahan kita sa beach house mo, Ma'am," presinta ni Rafael.
I swallowed the pool of saliva in my mouth then looked at him coldly.
"No, thanks. I'd wait for David instead. Baka mamaya ay bigla mo akong iwanan doon habang nasa loob. Maligaw pa ako."
Inirapan ko siya saka ako ulit naupo. Napatingin ako kay Astrid pagkatapos. She lifted her glass of water and sipped on it, trying her best to hide her smirk.
I sighed. Looks like I'm going to be a total b***h even when I don't want to.
My lips pursed as I lowered my head. Tama lang ito. I need to protect myself . . . and my heart from the man who unexpectedly managed to break it before.
Hindi mo na ako pwedeng saktan muli, Rafael. Hindi na . . .