Kabanata 25

1260 Words
Caya I calmed myself down before I went out of the restroom. I know my eyes and nose are still puffy, kaya wala na sana akong balak pang bumalik sa tabing-dagat ngunit nang makalabas ako ay naroroon si Azul at tila naghihintay sa akin. He gave me a warm smile I often see on big brothers. Tila ba walang bahid ng pagkagusto o senyales na may iba itong pakay. "Pwede ba tayong mag-usap, Caya?" Azul asked. I sniffed and nodded my head. "Y-Yes." He led the way towards the bar area near the resto. Nang makaupo ako sa stool ay pumasok siya sa loob at ipinagtimpla kami ng cocktail. Pinanood ko lamang siya, ngunit nang tila napansin niyang masyado akong nakatutok sa kanyang ginagawa ay roon na siya tumikhim. "You know, before Rafael came to work here, sa Sagada muna siya nangulit. Our good friend, Steel warned everyone of us about Rafael's insane plan to do jobs that aren't aligned with his old profession. We didn't understand why a former attorney-at-law who came from a well-known family of lawyers would ever apply as a personal driver. We thought he'd lost his mind but when Croft and Astrid told us the probable reason why, we . . . realized that it was his way of preventing himself from bothering someone." Tumingin siya sa akin. "You." I froze on my spot as my heart pounded wildly. "A-Ako?" Azul nodded. "Ni minsan ay hindi pa ulit tumapak si Rafael ng Maynila kahit miss na miss na niya ang mga pamangkin niya. He would often busy himself. Minsan kahit hindi na niya trabaho ay ginagawa pa niya. Ni ayaw tumanggap ng day-off. Kapag minsan wala namang guest sa resort, tumutulong siya sa mga mangingisda na iahon ang mga bangka." Inilapag niya ang tequila sunrise sa aking harap saka siya lumabas ng bar upang pumwesto sa kabilang stool. Nang makaupo ay sandali siyang sumimsim sa kanyang alak saka niya ipinagpatuloy ang sinasabi. "He is living a simple life here, Caya, but we know it's not the simplicity of the life a province can offer that makes him stay. Mukhang tama si Astrid. Rafael is scared that if he's in Manila, kapag hindi siya nakatiis ay madali ka lang niyang mapupuntahan. Look at him now? Hindi niya mapigilan ang sarili niyang lumapit sa'yo kahit na sinusungitan mo." I felt a lump forming in my throat as my chest begin to tighten. Napainom tuloy ako sa alak, umaasang mapapawi no'n ang barang namuo sa aking lalamunan ngunit hindi. The more his words are sinking in my head, the bigger the lump becomes. Ibinaba kong muli ang baso at ipinanatili ang titig doon. "You're . . . not sure about that." Azul inhaled a sharp breath. "Have you seen his phone? You are his wallpaper. Ilang beses ko na rin siyang nahuling nanonood ng mga dati mong pelikula. I even caught him once saving your photos on the internet. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa barko, pero base sa kwento nina Astrid, you and Rafael developed something I can clearly see now that both of you are not ready to let go." Hindi ko na nagawang umimik pa ngunit nanatili sa aking isipan ang napag-usapan namin ni Azul kahit noong nakapagpaalam na akong babalik na sa beach house. I tried to sleep but my thoughts are in haywire, making it hard for me to doze off. Inabot ako ng madaling araw kaiisip at katitimbang sa mga bagay. I even had to take some melatonin just so I could fall asleep. Nang magising ako kinabukasan ay tanghali na. Mahaba naman ang naging pahinga ko pero ang bigat sa aking dibdib, tila hindi man lamang nabawasan. I sighed. Bakit si Rafael kaagad ang unang pumasok sa isip ko pagmulat pa lamang ng mga mata ko? Ihinilamos ko ang aking mga palad sa mukha saka ako bumangon. I took a cold shower, did my morning routine and then went out of the beach house. Kumunot ang aking noo nang mapansin ang madilim na kalangitan kahit na tanghaling tapat. May balak sana kaming mag-island hopping ngayon sa kabilang bayan kaya lang ay kung ganito naman ang panahon ay parang nakatatakot lumaot. Naglakad ako patungo sa resto kung nasaan ang mga kasamahan ko. Halos inabutan pa ako ng buhos ng ulan nang makarating doon. Mabuti na lamang at malapit-lapit na ako sa resto nang pumatak ang ulan kaya kaunting basa lamang ang inabot ko. Pinunasan ko ang basa sa aking mga braso. My friends seemed to be talking about something serious when I reached the resto. Naroon din ang mag-asawang Azul at Zaskia pati na ang ilang tauhan ng resort. "Caya," tawag ni David saka ako ipinaghila ng upuan nang makalapit ako sa kanila. I sat on the chair he pulled for me. "Thank you." I scanned our friends. "Hindi na tayo matutuloy?" Astrid sighed. "Hindi pa siguro. Ang lakas ng alon at . . . hindi pa nakakabalik si Rafael mula sa pamimingwit. Nag-aalala na kami." Parang tumigil ang t***k ng aking puso. "L-Lumaot siya?" Azul nodded. "Tuwing madaling araw kapag hindi na siya makabalik sa pagtulog, lumalaot si Rafael para mamingwit. He often goes really far from the mainland kaya hindi namin maiwasang mag-alala ngayong lumalaki ang mga alon." Tumambol sa takot ang aking dibdib. "H-Hindi ba pwedeng humingi na ng tulong sa coast guard? O baka may mas malaking bangka na pwedeng magamit para puntahan siya?" I turned to Croft. "There's a yacht club in SBMA, right? Wala ka bang kakilala roon na pwedeng hiraman ng malaki-laking bangka?" Bumuntonghininga si Croft. "Naisip na namin 'yan. A friend of mine will try to see if he can bring his yacht here. Ang problema lang, oras ang bibilangin bago makarating dito ang yacht. Mukhang palakas na ang buhos ng ulan. Iba na rin ang simoy ng hangin." Lalo akong binalot ng kaba. Paano kung may mangyaring hindi maganda kay Rafael? He's only using a speedboat when he's fishing! Hindi no'n kakayanin ang malalaking alon! My fists clenched. "Please find another way. Baka napaano na 'yon--" "Caya, calm down. Hindi tayo makakapag-isip ng paraan kung--" "Astrid, tumatakbo ang oras!" Uminit na nang tuluyan ang sulok ng mga mata ko. "He could be needing our help right now but we're all here, sitting around spending our time thinking instead of making actions already." Lumamlam ang mga mata ni Astrid. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero kailangan nating magplano nang maayos." Hindi na ako sumagot. I wiped my tears and excused myself. I told them I will try to call some help. Nang pinayagan nila ako ay pasimple akong nagtungo sa tabing-dagat. I tried to look at the vast horizon, wishing that I'd see Rafael's boat I couldn't. At habang tumatagal na hindi ko siya makita, mas lalong umiinit ang sulok ng mga mata ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang mapahikbi. "Bumalik ka na dito, please." My lower lip trembled as I sobbed. "Bati na tayo basta bumalik kang ligtas, please please please . . ." Kumuyom ang aking mga kamao, at nang matanaw ko ang jetski na nakaparada sa tabing-dagat, tuluyan kong nilunok ang takot ko't itinulak ang jetski palusong sa tubig matapos kong maisuot ang life vest na nakalagay sa isa sa mga nippa huts. Bahala na. I'd rather risk my life than sit around and do nothing. The jetski roared to life, and as I drove it away from the shore, I begged God for nothing but to guide me to where Rafael is . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD