Buong mag hapon kaming walang pansinan sa opisina dahil kasama namin si Yamir. Ang sakit lang sa pakiramdam dahil sa lambingan nila. Mangiyak ngiyak pa Ako noong sumunod si Yamir sa banyo at ang tagal nila bago lumabas. Dasal ko sa mga oras na 'yon ay sana matapos na itong Araw na 'to. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko dahil nakuha ko pang ngumiti kay Yamir at nakikipag biruan kahit durog na durog na Ako. "Sumabay ka na sa amin, Alex!" Sabi ni Yamir habang nakakapit sa braso ni Marcos at naglalakad papuntang parking. "Nagyaya sa akin ang Kapatid ko punta raw Ako sa bar na bago niyang bukas." "Ohhh really? Ang Kapatid mo ang may-ari?" Gulat na tanong ni Yamir sa akin. "Actually pang 10 branches na ang bubuksan niya ngayon." "Is She or He?" "She! Mahilig lan

