Napaka suplado ng magiging Boss ko but it's ok guwapo naman.
Mag aasikaso na sana ako dahil balak kong mag dinner na lang at labas sabay ng pagmamasid sa paligid ng biglang may kumatok ulit sa pintuan.
“Alex I forgot pala, invite sana kita for dinner. Anniversary namin kasi namin ni Marcos and I decided na dito na lang mag celebrate." yaya ni Yamir sa akin.
“Baka naman makaka istorbo ako sa inyo?"
“Hindi 'no! First time kasi namin na dito sa Condo mag celebrate kaya nakaka boring."
“Nakakahiya naman wala man lang akong dalang pagkain or gift."
“Ano ka ba Alex, hindi mo naman kasi alam kaya excuse 'yon," sabay tawa nito.
“Sige na nga! Magbibihis lang ako susunod ako sa'yo."
Dali-dali akong naligo dahil nanglalagkit na ako sa aking katawan. Nagsuot na lang ako ng maong na short at hanging blouse kaya kita ang aking pusod. Nagpa bango sabay labas.
“Hello Marcos! Pinapunta ako rito ni Yamir," hiya kong sabi sa kaniya dahil siya ang nagbukas ng pintuan.
“Yah, I know. Pasok ka naliligo lang si Yamir." sagot ni Marcos.
Pina upo ako nito sa upuan at nagpaalam ito na pupunta sa kusina upang ihanda ang mga pagkain.
Napaka suplado talaga. Hindi man lang ngumiti habang kausap ako. Baka naman pahirapan ako nito sa trabaho kong sakali.
Habang nagmumuni-muni narinig ko na ang yapak ni Yamir kaya tumayo na ako.
“You're here na pala, sorry kong medyo natagalan may kausap pa kasi ako sa phone."
“Okay lang, take your time."
“I'm done. Let's go na sa dining nagugutom na ako," natatawa nitong sabi na tango lang ang isinagot ko
“Dinner is ready hon! Happy Anniversary," Bati nito kay Yamir sabay yakap at halik sa dalaga at ganoon din ang iginanti sa kaniya ng dalaga.
“How sweet! Happy Anniversary to both of you!" bati ko sa kanila.
“Thanks Alex," sabi ni Yamir at ni Marco sa akin.
“Let's eat na guy's. Alex anong work mo?" tanong ni Yamir.
“I'am a designer but I'm on leave. Nakaka boring pala kapag walang ginagawa," natatawa kong sabi.
“Matagal kang naka leave sa work mo?"
“6 months lang."
“Talaga? May pakiusap sana kasi ako."
“What is it?
“Marco need an assistant kasi and the problem is I don't have time na para maghanap. Bukas na kasi ang flight ko."
“Bhabe nakakahiya naman kay Alex!" singit naman ni Marco sa usapan namin.
“Well, for me it's okay para naman may income parin ako
while I'm on leave."
“Perfect! Sige na hon para naman mapanatag na ako 1 month rin akong mawawala," pakiusap ni Yamir.
“Fine! Para 'di ka na mag aalala sa akin dito."
“So it's a deal na Alex. You can start tomorrow morning. Remind ko lang din, hate ni Marco ang ma late so dapat before 6am 'andito ka na para sabay na kayong pumasok."
“Noted."
“Thank you love birds nabusog ako sa masarap na food. I'll go a head na para makatulog na nang maaga."
“Bye Alex and Good night!" paalam ni Yamir at tango lang ang isinagot ni Marco.
Kinabukasan naalimpungatan pa ako dahil biglang nag alarm ang katabi kong alarm clock.
Shit! May trabaho na pala ako. Dali-dali akong naligo, nagbihis at nag almusal. Tamang tama naman pagkabukas ko sa pintuan lumabas na rin si Marco.
“Morning Boss! Si Yamir?"
“Don't call me Boss dahil I'm not your Boss and can't you see wala si Yamir? Umuwi rin siya kagabi sa bahay nila."
“Ang init ng ulo mo! May regla ka ba?"
“Hoy babae, wala kang karapatan na sagutin ako ng ganiyan. Matoto kang gumalang sa —."
“Hindi kita Boss sabi mo," kontra ko sa sasabihin niya sana pero hindi na ako nito pinansin dahil tumalikod na lang ito at naglakad ng mabilis.
Well sanay na ako sa ganitong lakaran kaya no big deal.
Papalabas na kami sa Condo nang napansin ko ulit ang mga lalake na palakad lakad. Tingnan natin mamaya kong makakalakad pa kayo rito.
Pagkarating namin sa Opisina inutusan ako ni Marco na ipagtimpla siya ng kape na tinangggihan ko naman kaya galit na galit ito.
“Akala ko ba PA kita? May PA ba na hindi sumusunod sa utos?" galit na sigaw nito sa akin.
“Yes and that is only me," na nilakihan ko naman ang ngiti ko na parang nang-aakit. Sabi nga nila ang aking magandang mata na may mahahabang pilik mata at ang aking ngiti ang nakakaakit daw sa akin.
“Bakit tinanggap mo ang offer ng girlfriend ko?"
“Well Boss, let me explain it to you okay? Utusan mo na ako sa lahat 'wag lang ang magtimpla ng kape or magluto pagkain particularly sa ulam because when it come to worst mas masasabi mong worst to worst ang matitikman mo."
“Hindi pinag-aaralan ang pagtimpla ng Kape for Crist sake Alex!"
“Fine! Make sure na iinomin mo at uubusin mo ang Kape na timpla ko ha," Padabog akong tumayo papuntang kusina at inihanda ang Kape, Coffeemate at asukal.
Dahil may mainit na tubig na kumuha na lang ako ng tasa at nilagyan ng 4 na kutsaritang Kape, 6 na takal na coffee mate at Sampung takal ng asukal.
“Ang iyong mainit na Kape kamahalan," sabay abot sa kaniya.
Patalikod pa lang ako ng ibuga niya ang Kape na itinimpla ko.
“F*ck Alex! Mamamatay ang taong iinom ng kape mo."galit na galit nitong sabi sa akin.
“I told you so Boss! Hindi lang naman Ikaw kasi ang nagrereklamo eh kaya alam ko na ang sasabihin mo. Bibili na lang ako sa labas Boss." Sabi ko at dali-daling lumabas sa opisina nito.
Marco POV
Sa unang kita ko pa lang kay Alex naaakit na ako rito. Ang bilis ng t***k ng puso ko na hindi ko naramdaman kay Yamir kaya nagkungwari akong suplado.
Ayaw kong magtaksil kay Yamir. Mahal ko siya kaya ko siya niligawan at siya pa lang ang unang naging babae sa buhay ko. Iyon ang alam ko noon.
Pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayon kay Alex? Gustong gusto ko siyang halikan at yakapin. Hindi tama kaya iniiwasan ko dahil ayaw kong masaktan si Yamir.
Bahala na pero pipilitin kong iwasan si Alex.
"End of Marco POV"
Nagdali-dali akong lumabas sa opisina ni Marcos dahil may nakita akong ilaw na pula na nakatutok sa kaniyang likod.
Sinundan ko ang kong saan nanggaling iyon at nakita ko sa katapat na building sa rooftop.
Habang tumatakbo hindi tumitigil ang mga sasakyan dahil hindi naka stop sign ang stop light kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ko at tumatalon ako sa mga bubong ng mga umaandar na sasakyan.
Alam kong matatakot ang makakakita sa ginagawa ko at akalain nila na may super power ako pero ang totoo kasama sa training ko ang ginawa ko ngayon kaya sisiw lang sa akin.
Pagkarating ko sa building nakita ko ang sniper na inaayos ang lens ng kaniyang baril habang nakatutok pa rin kay Marco.
“Hey Dude! Malinaw ba?" tanong ko rito na ikinagulat niya sabay lingon sa akin at aamba ng suntok. Pero dahil mas mabilis ako sa kaniya tinadyakan ko siya sa sikmura ng malakas dahilan para lumabas ang dugo nito sa bibig.
Pero bumangon pa rin ito at susugod sa akin kaya hinawakan ko ang leeg nito at pinilipit na parang papel lang.
“Basic!" Sabi ko sabay pagpag ng kamay ko.
Pinabayaan ko na ang bangkay roon pati na ang mga gamit nito dahil alam ko maya-maya lang darating na ang kasamahan ko na kukuha. May gadget kami na kapag pinindot ito i-ilaw ito ng dilaw ibig sabihin may lilinisin na kalat at kapag ang ilaw naman na lalabas ay pula ibig sabihin kailangan ng tulong or need back up.
Bumalik ako sa opisina na parang walang nangyari at may bitbit na Kape.
“Ang tagal mo naman! Saan ka ba bumili sa Laguna?" galit na sabi ni Marco
"Miss mo 'agad Ako Boss? Natural hindi lang naman Ako ang bumibili." nakanguso kong sabi rito sabay abot sa kape.
"Magtrabaho ka na dahil bayad ang araw mo!"
"Baka gusto mo akong turuan kung ano ang gagawin ko Sir?" napabuntong hininga ito bago lumapit sa akin.
Habang tinuturuan ako lumilipad naman ang isip ko sa karagatan. "Hindi puwede ito! Gusto ko siya pero may jowa na siya at mahal nila ang isa't-isa. Self kalma lang it's a big NO!" sabi ko sa sarili at malalim na bumuntong hininga.