Chapter 1: Panty

1825 Words
Maria's POV: Masakit ang ulo ko. Hindi yung tipong normal na hangover. Mas malala. Parang may martilyo na pinupukpok ang sentido ko mula sa loob ng bungo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad din akong napapikit. Masyadong maliwanag ang sinag ng araw na tumatagos sa floor-to-ceiling na bintana at direktang tumatama sa mukha ko na parang pinaparusahan ako. Pagmulat na ng dalawa kong mata, nangunot ang noo ko. Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan akong bumangon at halos mapasigaw ako sa nakita ko. Hindi nga ito ang kwarto ko. Tumingin ako sa katawan ko at nanlamig ako hanggang buto ko. Nakahubad ako. Wala akong kahit isang hibla ng sinulid sa katawan ko. "Huwag kang mag-panic, Maria. Huwag kang mag-panic," bulong ko sa sarili ko habang nanginginig ang mga kamay ko. Pero paano ako hindi magpa-panic? Ang huling naalala ko ay sa... Bar. Tama, dinala ako ni Ysa kagabi sa isang bar. Martini Sky Bar, yata yung pangalan. Ika-50th floor ng Martini Hotel & Resorts. "Isang beses lang sa buhay mo, Maria. Twenty-five ka na. Ni hindi ka pa nakakatikim ng alak. Ni hindi ka pa nakakahalik. Live a little!" pangungulit niya habang hinihila ako sa loob. Hindi naman ako umiinom. Bawal sa akin dahil sabi ni Daddy, "Ang mga Asuncion, nirerespeto ng lahat ng tao. Tayo ang pinakamayaman sa buong Asia, Maria. May image tayong iniingatan. Kaya, bawal ka pumunta sa bar para magsaya." Pero kagabi... ewan ko ba. Nakita ko yung mga tao sa bar. Tumatawa sila ng malaya. Walang sumisita. Sumasayaw hangga't gusto nila. Umiinom sila hangga't may laman ang wallet nila. Hindi sila nakakulong katulad ko na kulang nalang ay tumira sa kumbento para hindi magkasala. Parang ang saya-saya nila. At ako? Simula pagkabata, naka-schedule ko na ang buhay ko. Business meetings sa umaga, charity events sa hapon, piano lessons sa gabi. Ni hindi ako pinayagan ni Mommy na mag-college dorm. "Delikado sa labas, anak. Dito ka na lang mag-aral sa bahay. Magbabayad na lang kami ng Daddy mo sa tutor mo. Kaya siguro... kaya siguro noong inabot sa akin ni Ysa yung champagne, ininom ko agad.Hanggang sa hindi ko na mabilang kung nakailang shot ba ako. Tapos may nagdiwang ng kaarawan. Ang ingay. Ang daming tao sa VIP area. Narinig ko yung pag toast nila. "To the most powerful man in Europe! Happy 27th birthday, Dude!" Hindi ko nakita yung mukha niya noon. Masyado akong nahihilo. Ang naalala ko lang ay yung boses ng emcee "Ladies and gentlemen, Mr. C.M.!" Nagpalakpakan sila at sigawan. Tapos... tapos lumapit sa akin si Ysa na namumula. "Maria! OMG! Tinititigan ka nung birthday boy! s**t, ang gwapo niya! Para siyang diyos na bumaba sa lupa!" "Sino?" lasing kong tanong. "Hindi ko alam ang full name! Pero lahat tinatawag siyang dude C.M! May-ari daw siya nitong buong hotel chain! Billionaire, Maria! BILLIONAIRE!" Billionaire? At ngayon... Napatingin ako sa gilid ko at halos himatayin ako. May lalaki na sa tabi ko. Isang lalaki na natutulog. Nakaharap sa akin pero nakapikit ang mga mata. Gwapo siya. Sobrang gwapo at para ngang diyos na bumaba sa lupa, tama si Ysa. Matangos ang ilong niya. Makapal ang kilay na nakakunot kahit tulog. Mahaba ang pilikmata niya. May bahagyang stubble sa panga at baba niya na nagbibigay sa kanya ng dangerous na aura. Ang buhok niya, brown na may pagka-gold sa sinag ng ilaw. Ang labi niya... mapula. Diyos ko, nahalikan ko yata 'yang labi na 'yan. Biglang bumalik sa akin ang mga pira-pirasong alaala kagabi na parang kidlat na tumama sa utak ko ngayon. Yung kamay niya sa bewang ko sa dance floor. Yung boses niyang malalim na bumulong sa tenga ko: "You smell like innocence. I like it." Yung pagtawa niya nang inamin kong first time kong uminom. Yung pag-iling niya: "You're too pure for this place, beautiful. But I want to ruin you anyway." Yung pagbuhat niya sa akin nang muntik na akong matumba sa kalasingan. Yung amoy niya ay expensive cologne, na may halong amoy ng alak. Yung pagbukas niya ng pinto ng suite na 'to. Yung pagbaba niya sa akin sa kama na parang basag na porselana. Yung halik. Diyos ko, yung halik na parang sinasakop niya ang buong pagkatao ko. Yung sakit. Yung iyak ko. Yung pagbulong niya ng "Shh, I'm sorry" habang hinahagod ang likod ko. Tapos... tapos wala na akong maalala. Napasabunot ako sa buhok ko at napaawang ang labi ko sa gulat at takot. Anong ginawa ko?! Lagot ako sa magulang ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Tumingin ako sa paligid para maghanap ng damit ko. Nakita ko ang puting dress ko na nakakalat sa sahig. Ang underwear ko, nasa paanan ng kama. Ang heels ko, isa nasa may pinto, isa nasa may bar counter. Parang nagkaroon ng gyera dito kagabi. Maingat akong bumangon para hindi siya magising. Pero pag galaw ko, nanakit ang buong katawan ko. Lalo na sa pagitan ng mga hita ko. Napakagat ako sa labi para pigilan ang hikbi. Bakit ba kasi ako nagpumilit uminom? Bakit ako pumayag kay Ysa? Ano ng gagawin ko. Lagot ako nito? Tiyak na pinaghahanap na ako ni Mommy at Daddy. Tiyak ko na, lahat ng security guard sa Mansyon ay sisante ng dahil sa ginawa kong pagtakas kagabi. Nasaan na ba ang babaeng 'yun? Bakit hinayaan niya akong sumama sa lalaking ito. At napatakip na lang ako ng aking bibig. Paano kung pareho kami ni Ysa ng nangyari? Naku! Nslintikan na talaga. Pinulot ko isa-isa ang damit ko at dali-dali kong sinuot. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko maikabit yung zipper sa likod ng dress ko. Kailangan kong makaalis dito ngayon din, bago pa ako mahanap ni Daddy. Alam kong pagagalawin niya ang mga koneksyon niya. At bago pa magising ang lalaking nagwarak ng kweba ko, bago pa niya ako makita. Ano ba itong nangyari sa akin? Sa susunod na buwan, ikakasal na ako sa lalaking hindi ko pa nakikita. Sa lalaking pinili nila Daddy at Mommy para sa akin. Para sa negosyo. Para mas lumakas pa ang Asuncion Empire. "He's from a powerful family too, anak. European. Mas mayaman pa sa atin. This marriage will make us untouchable," sabi ni Daddy sa akin noon. Tapos ngayon, may naka-one night stand ako. Dadamputin ko na sana ang panty ko sa gilid ng kama ng... "Where are you going?" Nanigas ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. s**t! Gising na siya. Nakabangon na siya at nakasandal sa headboard. Wala siyang pang-itaas. Diyos ko. Ang katawan niya... para siyang Greek statue. May abs. May mga ugat sa braso. At sa dibdib niya... may scratch marks. Tiyako kong ako ang may gawa non kagabi. Ang mga mata niya ay kulay abo na parang anumang oras ay pwede akong lapain. "I... I have to go," nauutal kong sabi. Tumaas ang kilay niya. "Without saying goodbye? After last night?" Malalim ang boses niya. May accent parang British? Italian? Hindi ko alam. Basta masarap pakinggan pero nakakatakot. Namula ang pisngi ko. "I... I don't even know your name," halos pabulong kong sabi. Tipid siyang ngumisi. Pero hindi umabot sa mga mata niya. "You didn't ask me last night." Tama siya hindi ko siya tinanong kagabi. Basta bumukaka na lang ako sa kanya. Naipilig ko ang aking ulo ng maalala ko ang ginawa ko kagabi. "Look, I... I'm sorry. This was a mistake. I shouldn't have—" "Was it?" putol niya sa akin. Tumayo siya mula sa kama at nanlaki ang mga mata ko. Hubad siya, hindi manlang tinakpan ang nasa gitna niya na pilit pinapasok sa akin kagabi, kahit tinutulak ko siya. 'Hayop na yan, kaya pala halos hindi ako makalakad kasi sobrang laki niya, as in sobrang laki kahit tulog. Mabilis akong tumalikod at napatakip sa mga mata ko. Narinig ko siyang tumawa. "You're acting like you didn't see everything last night, beautiful." Beautiful? Tinawag niya akong beautiful. Ibig sabihin nagagandahan siya sa akin. "Please... magdamit ka," nahihiya kong sabi. "Why? Nahihiya ka pa ba?" Narinig kong naglakad siya papalapit sa akin. "Layuan mo ako!" sigaw ko at mabilis kong kinuha ang heels ko sa sahig. Hindi ko na pinansin kung magkapares pa ba 'yun. Tumakbo na ako palabas ng suite na nakatakip pa rin ang isang kamay sa mga mata ko. "Hey!" rinig kong sigaw niya. "Wait! What's your name?! Yung panty mo, naiwan mo! Hindi ako lumingon, pero natigilan ako. 's**t yung panty ko. Tumakbo na lang ako nang tumakbo hanggang makarating ako sa elevator. Pagbukas nun, sumiksik ako sa sulok at saka lang ako bumigay sa iyak. Anong ginawa ko? Anong ginawa ko? Paglabas ko ng hotel, sinalubong ako ng driver namin. "Ma'am Maria! Saan po kayo galing? Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir at Ma'am! Galit na galit po sila. Nagulat ako, pero nawala din. Tama ako, pakikilusin ni Daddy ang mga koneksyon niya mahanap lang ako. At hindi na ako magtataka kung galit sila sa akin ngayon. Kailan ba sila nag-alala sa akin? Wala akong matandaan. Hindi ako sumagot. Pumasok lang ako sa kotse at yumuko. Buong byahe pauwi, hindi ako tumigil sa pagdadasal. Na sana hindi ako makatanggap sa unang pagkakataon Ng mag-asawang sampal. Pagdating sa mansion, sinalubong ako ni Mommy na namumula sa galit "Maria Asuncion! Saan ka nanggaling?! Anong hitsura 'yan?! Bakit magulo ang buhok mo?! "Mom..." Isang sampal ang dumapo sa pisngi "Malanding bata ka! Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo namin ng Daddy mo! Pagkatapos ng lahat ng pangaral namin sayo!" "Mom, gusto ko lang naman maranasan ang maging tao bago ako ikasal sa lalaking gusto ninyo ni Daddy—" "Sumasagot ka pa! Paano kapag nalaman ng mapapangasawa mo ito? Hindi na matutuloy ang kasal ninyo! Hindi ka nag-iisip! "Sino... sino po ba kasi yung papakasalan ko, Mom?" nangangatal kong tanong. Gusto kong malaman kung sinong herodes ang sumira sa pangarap ko. Dahil sa kanya, dahil sa kasunduan. Naging impyerno ang buhay ko. Wala akong kalayaan na pumili ng gusto ko. Tumingin sa akin si Mommy na parang nandidiri. "Hindi mo na kailangang malaman pa. Basta magpakabait ka. At magpakatino. Dahil kung hindi..." Hindi niya tinuloy. Pero alam ko na ang ibig niyang sabihin. Itatakwil nila ako. Buburahin nila ako sa buhay nila. Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko at ni-lock ko ang pinto. Pagtingin ko sa salamin, nakita ko ang sarili ko. Magulo ang buhok ko, paghawi ko ng buhok ko, nakita ko ang hickey sa leeg ko. Mabuti na lang hindi nakita ni Mommy. Kundi, lagot ako kay Daddy. Naalala ko bigla yung bulong niya kagabi habang hinahalikan niya ako doon "I want to mark you. So you’ll remember me." Napaupo ako sa sahig at niyakap ko ang mga tuhod ko. At naalala ko na naman ang hawak niyang panty ko na kulay black. "s**t! s**t ang tanga tanga ko talaga. Sa dami kong pwedeng maiwan sa herodes na yun ay bakit ang panty ko pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD