"Miss, de Jesus!”
Naangat ni Serena ang mukha at napatingin sa magandang babae na nasa sa kanyang harapan.
“Yes.”
Ngumiti ang babae. “Follow me.”
Tumayo siya. Ngunit bigla ay tila siya mabuwal. Her knees feel weak. Her heart is pounding hard against her chest. Nakapa niya tuloy ang dibdib.
‘Hey, take it easy. It's okay. Relax. You're too excited to see him, don’t you?’
Kinakausap niya ang puso. Hindi kasi ito mapakali. Ang tagal na panahon niya kasing hinintay ang pagkakataon na ito. Pitong taon. Pitong taon na tila matinding parusa sa buhay niya.
“Okay, ka lang?”
“Okay lang ako.”
Nginitian siyang muli ng babae. “Namumutla ka. Relax lang. Mabait si sir William. Sobrang bait, kaya ipanatag mo ang loob mo.” Mas lalong lumapad ang pagkangiti ng babae. Ngiti na puno ng assurance.
Tumango siya at gumanti ng ngiti. Alam naman niya na mabait si Mr. William. Sobrang bait. Walang kapantay ang kabaitan. Sa lahat ng mga taong malapit dito siya ang mas higit na nakakakilala rito maliban sa mga magulang nito.
Pagdating sa tapat ng pinto ng tanggapan nito. Isang malalim na paghinga ang muli niyang ginawa. Pilit na pinapanatag ang naghuhurmintado na t***k ng kanyang puso.
Her person.
Her man.
Naghihintay sa likod ng nakapinid na pinto ang lalaking tinatangi niya.
‘Relax, heart. Relax…’
Kinapa niya ang dibdib at marahan na hinilot at pinikit ang mga mata. A creaking sound of the door made her open her eyes.
“Pasok, Miss de Jesus. Hinihintay ka na ni Mr. William,” nagpakawala ng mahinang tawa ang babae. “Relax. Hindi kumakain ng tao si Mr. William.”
“Okay lang naman ako.” Tugon niya na sinabayan ng pag-ngiti.
“Namumutla po kasi kayo.”
Sobrang obvious niya talaga siguro. Tatlong hingang malalim ang kanyang ginawa. Saka mahinang tumawa. “Kailangan ko kasi talaga itong trabaho na ‘to, kaya kailangan ko talagang ayusin ang interview upang makapasa.”
She is telling the truth. Itong trabaho na ito ang tanging paraan upang mapalapit kay Red, kaya kailangan niyang makapasa.
“Relax lang. Kaya mo yan.”
Tumango siya.
“Sige pumasok ka na.”
Humigpit ang pagkahawak ng kanan na kamay sa sling ng kanyang shoulder bag. Lumunok siya ng mariin saka humakbang papasok.
There he is.
Ng masilayan ang mukha nito, suddenly, the universe shattered into silence. Ang tanging naririnig niya lamang ay ang malakas na pagtambol ng puso niya.
‘Red!”
Her heart screamed.
Ang paningin nito ay nakatuon sa dokumento na binabasa. “Are you going to just stand there, Miss de Jesus?" His low, soft, baritone voice broke the silence that filled the room.
Lumipas man ang panahon, ngunit ang taglay na kagwapuhan nito ay nanatili. Tila pa iyon pinaigting sa paglipas ng panahon. His chisiled jawline that soften by the shadow day’s stubble.
Ang mukha ay perpekto na tila nililok ng isang magaling na iskultor. He has this sculpted face that looks intimidating yet enticing. Ang natural na medyo makapal na mga kilay na akalain mong ginuhit sa unang tingin dahil sa perpekto ang pagka-arko nito, at ang matangos na ilong na dumagdag sa pagiging dominante ng anyo.
Umangat bigla ang paningin nito na nagpapitlag sa kanya. Napalunok siya ng mariin at bigla ay parang lumundag mula sa loob ng dibdib ang kanyang puso. His flawless forehead skin draws a thin line, and his brows draws together.
“Miss de Jesus!” Sambit nito sa pangalan niya sa medyo mataas na tinig.
“Y-Yes sir…” She stammered.
“tatayo ka na lang ba dyan? Ano i-interbyuhin kita habang nakatayo ka ng isa at kalahating metro mula sa akin?”
Nakatitig ito sa kanya. Ang mukha ay nababakasan ng pagkayamot. Oh, her Pula! Nagpapakita ito ng pagiging dominante at pagiging ma-awtoridad. Ngunit alam niya na sa loob nito ay nakapaloob ang pagiging mabait at mabuting tao.
If only she could freely act and show him who she truly is. Tinawid na sana niya ang kanilang pagitan. Yayakapin niya ito ng mahigpit, pugpugin ng halik ang buong mukha at uupo sa kandungan nito kasabay ng mga halakhak, katulad ng madalas niya noon ginagawa.
“Miss de Jesus!” Untag nitong muli sa kanya.
Hindi na mabilang kung ilang beses na siyang napalunok. Tila kay hirap tawirin ang kanilang pagitan. Ang kanyang isang kamay ay mariin na hawak niya ang folder na naglalaman ng ilang supported documents. Documents where her new name, her new identity printed.
Mabilis na binawi nito ang paningin mula sa kanya at muling tinuon ang atensyon sa papel na binabasa. Nang nasa tapat na siya ng mesa nito ay saka lang niya napansin ang desk plague. Desk plague kung saan nakaukit ang pangalan nito.
RED WILLIAM – Chief Executive Officer.
Bigla ay umangat muli ang paningin nito. Ang mga mata nito ay natuon agad sa mukha niya. Serena's knees nearly buckled.
He hadn't changed.
Still the same piercing eyes,still the same intensity that once made her melt. Ngunit ngayon nakapaloob na sa mga mata nito ang lungkot. Lungkot na bakas na kanyang iniwan noong panahon ng kanyang ‘pagkamatay’
“Miss…” he glanced at the paper. “De Jesus.”
Her throat tightened, she took a silent deep breath then nodded. “Yes sir.”
“Have a seat.”
Nanlalambot ang mga tuhod na umupo siya. Red leaned back in his chair. Pagkatapos ay mataman itong tumitig sa kanya. Kahit na tila kabayo na sumisipa sa dibdib niya ang pagtibok ng kanyang puso ay na gawa pa rin niyang salubungin ang intensidad ng pagtitig nito.
Pagtitig na sumusuri sa buo niyang pagkatao.
Ang kanyang mga kamay ay kanyang pinagsalikop sa kanyang kandungan. Kapagkuwan ay pinisil niya ang kanyang mga daliri na tila doon kumukuha ng lakas. Ang hirap kalabanin ang sariling emotion, lalo pa at sinasalubong niya ang pagtitig ni Red.
“You’re applying for the secretary position. What makes you think you’re qualified?” He asked her. He stared her in the eyes. A gaze that was so intense.
Serena swallowed. She had rehearsed this a hundred times in her mind. “I have three years of experience as a personal assistant. I’m organized and efficient and don’t crack under pressure.” Gad, she did not stammer. Pinagpapasalamat niya iyon.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Red, ang kilay ay bahagyang tumaas. Curiosity? Or perhaps interest. Hindi niya matukoy saan sa dalawa.
He tapped his pen against the desk, then leaned forward a bit, and his intense gaze did not leave her eyes. Ang intensidad ng pagtitig nito sa kanya ay tila binabasa sa pamamagitan ng mga mata niya ang emosyon na nakapaloob sa pagkatao niya.
Ni hindi ito kumurap. Maging siya ay hindi makagalaw.
“You sound very certain, Miss de Jesus…” Ang tinig nito ay kaakibat ng panlalamig ngunit mas nangibabaw ang tigas at puno ng atoridad.
Again.
She swallowed hard. “I don’t waste time on things I can’t handle, sir.”
His pen stilled. Ang mga mata ay namaybaybay sa kanyang buong mukha at muling tumuon sa kanyang mga mata. Sa muling pagkaugnay ng kanilang paningin, ay isang alaala mula sa nakaraan ang muling lumitaw sa isip.
Ang salitang kanyang sinabi ay salitang madalas na sinasabi niya rito noon sa tuwing nag-aalala ito sa kanya. Sa bawat fashion event, sa bawat kontrata na pinipermahan niya kung saan ito pa ang madalas na nag-aalala.
Madalas sinasabi niyang, ‘Kaya ko. I don’t waste time on things i can’t handle. Kaya ko dahil nandyan ka na laging nakahandang saluhin ako.’
Red blink. Softness are gone and it replace by authority. Muli itong tumuwid ng upo. Ang mga braso ay pinatong sa ibabaw ng mesa at pinagsiklop ang mga palad saka muling tuwid na tumitig sa kanya.
“Why William Pharma?” he again asked while staring at her intently.
Pinagsalikop ni Serena ang mga palad ng sobrang higpit bago muling bumuka ang mga labi. “It’s a leading company. Working here would mean growth and stability,” gumuhit ang ngiti sa mga labi. Nakangiti, ngunit ang puso ay nagwawala. “And… I want to work for someone who values excellence.”
Red, brow arched. “Flattery doesn’t get you the job, Miss de Jesus.”
“Flattery? Maybe yes, but it’s the truth.”
Panandalian na namayani ang katahimikan sa kanilang pagitan. Ang mga mata ay nanatiling magkaugnay. Mula pa kanina ay sa mga mata siya nito nakatuon, na tila ba may kung anong sinusuri sa kailaliman ng pagkatao niya.
Serena palm was now damp. Did he feel her? Maybe or somehow, some part of him knows her. Bumibilis din kaya ang pagtibok ng puso nito na kasing bilis ng pagtambol at pagtibok ng puso niya?
Red.
Ako ito.
Ang iyong buttercup.
Ako ito, Red.
Ang mga katagan iyon ay tanging sa isip lamang niya nasambit. Hindi magawang isiwalat ng kanyang mga labi. Hindi pa panahon.
Isang marahas na paghinga ang ginawa nito. Iniwas nito mula sa kanya ang paningin. “You’re confident. Maybe too confident. But I like that.”
Her pulse skipped a bit. Lumundag maging ang puso niya sa simpleng papurri na iyon.
Tiniklop nito ang papel na nasa harapan
nito saka huminga ng malalim.
“You're hired. Report on Monday.”
Mariin na naipikit niya ang kanyang mga mata. Sa wakas. Magkakaroon na siya ng maraming pagkakataon na mapalapit sa lalaking mahal niya.
Gagawin niya ang lahat upang makuhang muli ang mahalagang bagay na pag-aari niya. Wala na siyang pakialam sa ibang tao. Ang tagal na panahon na nagdusa siya. Sila ni Red, ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari sa puso niya at sa buong pagkatao niya.