Prologue.

428 Words
Dumilim ang buong paligid. Namanhid ang buong katawan ni Serenity. Wala siyang nararamdaman. Walang sakit, walang takot, at wala ni konting init ang natira sa buo niyang katawan. Bumalot ang matinding lamig sa buo niyang pagkatao. It was a suffocating emptiness of a dying body. Sa kahungkagan na bumabalot sa sistema niya ay naririnig niya ang malakas at sobrang hapdi at sakit sa bawat danguyngoy ng lalaking mahal niya. His voice is trembling and desperate while calling her name. “No…. Serenity! Please, don’t leave me! Please, buttercup!” Nanginginig ang mga braso ni Red habang yakap siya nito. Ang malamlam na liwanag sa loob ng silid na iyon at ang apat na sulok ng silid ang tanging naging saksi sa matinding paghihirap ng loob niya at ng lalaking pinakamamahal niya. “Serenity, huwag mo akong iwan, Serenity!” Destiny’s shaking voice while weeping and begging. Mas lalong sumidhi ang sakit at paghihirap. Gusto niyang bumangon at yakapin ang dalawang taong sobrang mahalaga sa kanya, ngunit hindi niya magawa. Hindi siya makagalaw, hindi makapag-responde ang katawan niya. Hindi sa ngayon. With a single calculated breath, she let the world believe what it wanted. A belief that she was dead. Na tuluyang ginapi ang katawan niya ng nakakamatay na sakit. Chemo had done its damage. Ang mga buhok ay nalagas, ang mahinang katawan ay tuluyang bumigay. She was dead. That was what everybody thought. A thought that she wanted everybody to believe. But Serenity had survived. Barely. Ang pagtigil ng pagpitik ng bawat pulso niya at ang panandalian na pagtigil ng paghinga ay isa lamang pagkukunwari. Isang pagkukunwari na maingat niyang ginampanan at naisakatuparan alang-alang sa mahal niyang kambal at lalaking pinakamamahal. Ngayon, pito na taon anim na buwan na ang lumipas. Muli siyang bumalik upang bawiin ang mahalagang bagay na pagmamay-ari niya. Bagong mukha, bagong pangalan at bagong pagkatao. Nakaupo sa isang sulok ng cafe. Ang mga mata ay nakatuon sa lalaking mahal niya. And as she watched Red from a distance, smiling at the other woman, Serenity felt the old fire ignite within her. A fire that had been buried beneath the feigned death and fear. Muli siyang bumalik upang bawiin ang mahalagang bagay na pagmamay-ari niya. Reclaiming what was hers and protecting what mattered. Babawiin niya ang bagay na pagmamay-ari niya kahit pa makipaglaro sa apoy. She is now ready to play the game she’s been setting in motion to become a forbidden woman in the life of a man who thought she was dead. Sa pagkakataon na ito ay walang sinuman ang makakapigil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD