Maganda ang ambience sa loob ng cafe. Masarap sa pakiramdam ang malamyos na musika, ang malamig na temperatura ay nakakadagdag sa kagustuhang magkape.
Mula sa entrada ay nakahelera ang ibat-ibang klase ng ornamental plants, ngunit ang mas nakaagaw ng pansin ni Red ay ang bamboo ornamental plants sa mismong intrada.
Natigil siya sa paghakbang at napatitig sa ornamental plants. Maging ang kamay ay umangat at hinawakan ang isang dahon.
“You know why I like ornamental plants, Red?”
“Why?” He asks while hugging Serenity tight.
Isang hapon, na ang paligid ay kulay kahel. He was lying on the hammock while Serenity was sitting on his lap under a canopy. Nakaupo ito sa kandungan niya habang ang isang braso ay nakayap rito.
His other hand is slowly and sensually caressing her exposed legs. Legs that were so soft and delicate. Serenity beside him and sitting on his lap made him feel the serene peace, happiness, and contentment.
His eyes were closed. He was savoring the warmth of Serenity's soft body and her sweet, fragrant scent. He felt so alive at that moment. Buhay na buhay ang bawat himaymay ng pagkatao niya.
“Ornamental plants don’t need flowers to be beautiful. Their green leaves are already enough to make them visually appealing. Simple lang sila, ngunit napakaganda pa rin nilang tingnan.”
Iminulat niya ang mga mata at natuon ang paningin sa mukha nito. The golden rays of the setting sun kissed her face, painting her skin with a soft, radiant glow. Ang mahabang tuwid at malambot na buhok ay marahan na sumasayaw sa malamig na hampas ng panghapon na hangin.
He couldn't help but swallow hard. His Serenity was a masterpiece crafted perfectly by heaven—a masterpiece created by God just for him.
Serenity slowly turned her gaze at him. A sweet smile painted on her soft lips, suddenly felt like the world move in a slow motion, ang bawat pagbukas at pagsara ng mga mata nito ay bumabagal sa kanyang paningin, at ang bawat hibla ng buhok ay marahang sinasayaw ng hangin.
“Pula…”
Napakurap siya.
“Ayan ka na naman. Natameme ka na naman—”
He grabbed her on her nape. Agad na sinunggaban ng labi niya ang malambot nitong labi at yumakap ang kanan na braso niya sa malambot nitong katawan.
Serenity giggled in between thier pressing lips. Sa paglapat ng mga labi at katawan, muling tinupok ng init ng matinding pagmamahal at pagnanasa ang kanilang mga katawan.
Naging saksi papalubog na araw, hangin at ang mga luntiang halaman sa kanilang mainit na pagniniig at nag-uumapaw na pagmamahalan sa dapit hapon na iyon.
“Sweetheart!”
Red blink his eyes, slowly shook his head and swallowed hard. Naglakbay na naman ang diwa niya sa nakaraan. Sa nakaraan kung saan nakulong ang malaking bahagi ng kanyang pagkatao.
“Maganda po di ba?”
Ang malamyos na tinig na iyon ang kapwa umagaw ng atensyon niya at ng kanyang asawa. Nag-isang kumpas ang kanilang mga paningin sa pinagmulan ng tinig na iyon.
It was Serena standing a meter away from them. She was wearing black pants and a black long-sleeved shirt with a black apron, kung saan nakasulat ang pangalan ng café.
SERENE CAFÉ
Though Serena is wearing a waitress uniform, it still does not hide her perfect, beautiful, and slender feminine figure. Maging ang messy hair bun style nito ay mas lalong dumagdag sa kagandahan na taglay ng mukha.
Ang mga mata na natatamaan ng liwanag na nagmumula sa sikat ng panghapong araw na tumatagos sa glass wall pannel ay tila liwanag na nagmumula sa kalooban nito. Ngunit sa kabila ng liwanag na iyon, ay hindi pa rin maitago nito ang lungkot na nakaukit sa magandang pares na mga mata.
“Dracaena sanderiana is the name of that plant, and it’s also known as lucky bamboo. We put it at the entrance because of its good benefits. The main benefits of lucky bamboo are that it acts as an air purifier, and it’s also known to bring good luck!”
Sinasabi nito ang katagang iyon na sa kanya nakatitig, habang nakapagkit sa labi ang matamis na ngiti. Those pair if beautiful eyes and the lilac and thin lips made his heart beat feel uneasy. Bumibilis ang pintig ng puso niya sa hindi malaman na dahilan.
But then, he managed to compose himself. “Do you like ornamental plants?” He does not even know why the hell he asked that fvcking question.
“I do like ornamental plants, sir. Simple lang sila. Marami sa mga ornamental ang hindi namumulaklak, ganun pa man napakaganda pa rin nilang tingnan. Thier leaves, thier stems, and even their roots are so beneficial. Some of the ornamental plants are known as a traditional medicine, tulad na lang ng mayana na iyon.”
Nilingon nito ang mayana na nasa paso nakahelera sa gilid ng glaswall pannel. Ngumiti ito saka muling lumingon sa kanya.
“Mabisa po ang mayana na gamot para sa ubo at asthma.”
Serena is smiling at him while staring at his eyes directly. Habang nakipagtitigan siya rito slowly, Serena’s face shifted into Serenity’s face.
Bigla ay hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. His pounding heart is the only sound he hear at the moment. Maging ang kanyang paghinga ay tila mas lalong bumibilis.
“Sweetheart!”
Kristal voice awakened his senses. Agad na inilihis niya sa asawa ang kanyang paningin at pilit na ngumiti.
“Do you know each other?”
“Ahm, he is our newly hired secretary.”
“Oh, really!” Manghang usal ni Kristal. “So you also work here in this café?” baling nito kay Serena.
Ngumiti si Serena. “Yes ma’am. It's my last day on Sunday since I started to work at William Pharma as Mr. William's new secretary on Monday.”
She is smilling, ngunit ang ngiti nito ay hindi umaabot sa mga mata. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang mariin na paglunok nito habang nakatitig kay Kristal.
It's obvious na hindi ito komportable sa presensya ng asawa niya.
“I am Kristal, Red’s wife,” puno ng pagmamalaki na pagpapakilala ni Kristal sa sarili nito sabay angat ng kanan na kamay upang makipagdaupang palad.
“I am Serena de Jesus, ma’am. It’s my pleasure to meet you!”
Nagkamay ang dalawang babae. Habang siya ay natutuliro. Hindi niya alam kung anong damdamin itong nabubuhay sa pagkatao niya sa tuwing kaharap niya si Serena. Tila nabubuhay sa katauhan nito ang namayapa niyang asawa.
No.
His Serenity is one and only. Serena is Serena, hindi nito mapapantayan ang asawa niya. Hindi mapapantayan ng sinumang babae ang namayapa niyang asawa.
“You're so beautiful, Serena…” Papuri ni Kristal.
“Hindi naman po.” Serena's smile remains painted on her lips.
“Maganda ka. Katunayan niyan, sa sobrang ganda mo mapagkamalan kang hollywood star o ‘di naman kaya ay modelo. You have such a captivating beauty. Total package ang ganda mo, Serena.” Binalingan siya ni Kristal. “Diba sweetheart?”
“Mas maganda ang asawa ko…” walang pagdalawang isip niyang tugon.
Hindi man buo na kayang ialay niya ang buong pagkatao sa asawa, ngunit nirerespeto niya ito bilang asawa. As long as he lives, si Kristal ay asawa niya. He must be fully committed to his duty as his husband. There is no space for infidelity. Loyalty as a husband is the duty he must be committed. Tama na yung puso niya ang nagkasala. Huwag pati sa kilos at gawa.
Kinabig siya ni Kristal at hinalikan. Right in front of Serena ay tinugon niya ang halik ng asawa. Yun naman kasi ang tama. Yun ang makapagpapasaya sa asawa niya.
Pano siya?
Matagal ng wala ang kasiyahan niya. Namatay ang kasiyahan na iyon kasama ng namayapa niyang asawa. Pagkatapos ng pinagsaluhan na halik ay nahagip ng paningin niya ang pag-iwas ng tingin ni Serena. He even see him swallowed hard, and what the heck is happening—
Is she crying?
Umiwas ito ng tingin sabay lumayo sa kanila ni Kristal. Nilapitan nito ang kasamang waiter at tinuro sila, he then saw him wiping her cheeks.
May nasabi ba silang mag-asawa na nagpasama ng loob nito? Nope. Wala. He is sure. Yumakap ang kanan na braso niya sa bewang ng asawa.
“Tara na.”
Nakapwesto silang mag-asawa sa dulo malapit na malapit sa counter. Kapagkuwan ay nilapitan sila ng ibang taga-silbi. Awtomatiko na nagpalinga ang paningin niya sa paligid at hinanap ng mga mata si Serena, ngunit hindi na niya ito nakita pa.
“Sweetheart!”
Bahagya siyang napapitlag. “Yes, Sweetheart."
“May problema ba?”
“Wala, wala.” Tugon niya kasunod ng sunod-sunod na iling.
*****
Sa loob ng comfort room ay panay ang hilot ni Serena ng dibdib. Grabe ang sakit. Tagus-tagusan ang sakit.
Her tears are flowing from her eyes uncontrollably. Ang makita ang lalaking sobrang mahal niya na may hinahalikan na ibang babae sa harapan niya ay sobrang sakit. Sakit na tumatagos sa kanyang kaluluwa.
Bumukas ang pinto.
“Serenity!”
Lumingon siya.
“Shut your mouth, Anna. I am not Serenity. I am Serena. Serena de Jesus!” Mariin niyang wika sa matalik na kaibigan sa gitna ng mahinang paghikbi.
“Oo na. Ikaw na si Serena. Ang magandang Serena na nasa lupa,” ani Anna. Lumapit ito sa kanya. Kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. “Tahan na. Tahan na…” yakap siya nito habang marahan na hinahagod ang kanyang likuran.
Umiyak lang siya ng umiyak sa bisig ni Anna. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang tiisin ang sitwasyon. Ngunit kinakailangan na akitin niya si Red ay gagawin niya mapasakanya lang itong muli.
“Pwede naman siguro na sabihin mo sa kanya ang totoo, Serena. Sabihin mo na ikaw si Serenity at buhay ka. Siguro naman—”
Marahas na kumalas siya sa pagyakap ni Anna. “Hindi Anna. Hanggat hindi pa nakikita ang bangkay ni Catalina walang kasiguraduhan na ligtas na ang kambal ko at lahat ng taong mahalaga sakin!”
“Serena, pitong taon na ang lumipas at apat na taon na rin ng patay ang madrasta mo…”
“Yun nga ang problema Anna. Pitong taon na siyang patay, pero hindi pa nakikita ang bangkay niya. Kung ako nga pitong taon ng patay, pero heto at buhay na buhay. Paano kung ganun din ang nangyari kay Catalina, huh, Anna?”
Hindi nakaimik si Anna. Napatitig lang ito sa mukha niya.