CHAPTER 1- DONOR

1096 Words
BINIGAY ko naman ang lahat. Hindi pa rin ba sapat iyon? Kailan ba magiging sapat para hindi ka lokohin ng isang tao? “Naih, hindi ko alam kung mapapakasalan pa kita.” Tumaas ang aking kilay nang marinig ko iyon kay Luis. Tila tumulo ang luha ko at nanikip naman ang dibdib ko sa narinig. Bakit hindi niya ako mapapakasalan? “Hindi mo na ba ako mahal?” takang tanong ko sa kaniya. Inihahanda ang sarili kung sakaling sagutin niya ako ng oo. “Mamatay na ata ako, Naih.” Mas lalo akong kinabahan sa narinig. Paano siya mamatay? Mas lalong nangamba ang naninikip kong dibdib. “H-ha?” “Wala akong donor sa liver transplant, Naih. Mamatay na ako. Baka hindi na kita mapakasalan, Naih. I’m sorry…” sabay iyak nito at niyakap ako. Ganoon na lamang ang buhos ng luha ko nang marinig ko ang iyak niya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Simula nang mawala na ang magulang ko ay siya lamang ang naging sandalan ko. Si Luis lamang… hindi ko kakayanin na pati siya ay kunin sa akin. “Hindi ako papayag… ibibigay ko sa ‘yo ang parte ng liver ko, Luis. Kaya natin ito…” Iyak kong sambit nang humiwalay siya sa yakap ko. “Totoo?” May kinang sa mata niya nang itanong iyon sa akin at saka naman ako tumungo. “Hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin, Luis. Gagawin ko ang lahat para sa ‘yo.” Ngumiti ako at saka naman siya niyakap. Buwan lang ang nakalipas nang mapagdesisyunan naming magpaopera. Alam ko ang ginagawa ko, alam kong hindi maganda ang magiging resulta nito sa katagalan. Lumapit sa akin ang matalik kong kaibigan. “Nel…” tawag ko sa kaniya nang magdikit ang kilay nito. “Hindi ka na ba talaga mapipigilan, Naih? Alam mo naman ang ginagawa mo? Ibibigay mo ang kalahati ng buhay mo sa lalaking iyon? Isang taon pa lang kayong magkakilala, Naih.” Nanlalaking mata niya sa akin. “Nel, siya lang ang tumulong sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi rin naman ako makakapag-test… hindi ako narito ngayon sa harap mo at maging nurse.” “Sino bang nagsabi sa ‘yo na siya lang ang tutulong sa ‘yo, Naih? I was giving you money… hindi naman kita papabayaan. I am your best friend.” May pagtaas ng boses na kalaunan ay humina rin. Nasa loob na ako ng kwarto. Stand by na lamang para sa paparating na operasyon. “Lagi na lamang akong nakasandal sa ‘yo, Nel. Maging sa pamilya mo, ayoko naman na lumaki ang utang na loob ko lalo…” Sa loob ng ilang taon na pagiging ulila ko sa aking magulang matapos silang mamatay nang magkolehiyo ako ay si Nel lamang at ang pamilya niya ang tumulong sa akin. Parehas kaming nag-aaral ng nursing at alam kong mahal iyon. Sila ang nagbayad ng tuition ko sa loob ng dalawang taon, pero hindi ko na iyon inasa pa sa kanila sa loob pa nang natitirang taon. Naghanap ako ng trabaho na pwede kong pasukan at napunta ako sa pagiging call center… doon ko nakilala si Luis. Siya ang TL ko. Siya ang tumulong sa akin sa last tuition ko at sa pambayad ko ng mga bills at pang exam para maging RN. “Hindi ka gusto ng pamilya n’yon, Naih. Ayaw nila sa ‘yo, hindi ba?” “Papakasalan na ako ni Luis, Nel. Kapag gumaling na siya mula sa opera. Huwag ka na mag-alala sa akin ni Nel, please? Alam ko ang ginagawa ko…” Hinawakan ko ang kamay niya at huminga ng malalim. “Hindi ko alam kung paano ko sisikmurain na maging masaya para sa ‘yo, pero susubukan ko. Hindi naman ito mangyayari kung hindi tanga ang boy friend mo, Naih. Kakainom niya ng alak nagkaroon siya ng Cirrhosis at pati liver mo… damay.” Natawa na lamang ako at akmang magsasalita pa nang may pumasok sa kwarto. Ang magulang ni Luis. “Hello po, Tita.” Bati ko. Lumapit naman siya sa akin at ngumiti. Ang ama lamang niya ay nakangiti sa akin, pero natutuwa ako na makitang nakangiti ang nanay ni Luis sa akin. Hindi naman ito nangiti sa akin. “Maraming salamat sa ‘yo, Naih. Nalaman ko rin na magkadugo pala kayo ng tito mo.” sabay tingin niya sa asawa niya sa likod. “Naih, baka pwede mo rin siyang tulungan. Kailangan niya rin kasi ng dugo.” Akmang magsasalita na ako nang magsalita si Nel. “Hello, sa ngayon po ay hindi pa pwedeng magkaroon ng transfusion ang ating liver donor. Kailangan po muna kasi na makabawi muna ang donor sa katawan niya. Since…” May panlalaki ng mata at may diin, “… nabawas po ang kaniyang organ.” “Ah… sino ka ba? Doctor ka ba?” May taray na tanong ng mama ni Luis. “Ako po ay nurse rito at kaibigan po ni Naih. Ang anak niyo po ay same type may Naih, bakit hindi po kayo sa anak niyo magpa-blood transfusion?” Ngumiwi ang nanay ni Luis. “Hija, parang sinasabi mo na wala kaming pakialam kay Naih.” “Wala po akong sinasabi na ganoon.” May pagtataray na bigkas ng kaibigan ko. “Nel…” tawag ko sa kaibigan ko. “Saka gusto ko lamang na sigurado ang kaibigan ko, dahil niyaya na siya magpakasal ng anak niyo.” Mas lalong nanlaki ang mata ng mama ni Luis. “A-Ano? Harold! Ang puso ko!” hinawakan niya ang dibdib nito. “Tita!” Tila hesterikal kong tawag sa kaniya nang bitbitin na ito sa labas ng kaniyang asawa. “Bakit mo sinabi iyon? Hindi pa nila alam.” Hindi naman ako sinagot ni Nel. Huminga lamang siya ng malalim at tinignan lamang ako na may namumuong luha sa mata nito. “Magpahinga ka na r’yan, mamaya ay ooperahan ka na.” Ngumiti lamang siya ng tipid sa akin. Fourty percent ng atay ko ang kukunin nila. Para makayanan ko pang mabuhay ay marami na akong bawal. Hindi ako pwedeng dapuan ng ibang sakit, dahil hindi na kumpleto ang organ ko. Pero lahat naman ito ay sulit… dahil makakasama ko si Luis. Magpapakasal kami… Hindi niya ako iiwan… Ngunit lahat ng alaalang iyon ay naging isang karumal-dumal na alaala. Pinagmamasdan ko ang litrato kung saan nakangiti kaming dalawa mula sa wedding picture namin. Napahilamos na lamang ako muli sa aking palad nang mapagtanto kong huli na ang lahat. Binasag niya ng buo ang puso ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD