Gemini's POV Pagkatapos naming kumain ng umagahan, umupo kami sa living room. Tinawagan ko sina Finlo upang itanong kung nakarating na ba ang mga tao ko mula sa US. Kailangan na naming masimulan ang operasyon para sa pagtatayo ng Headquarters ng Cyber Security System dito sa Pilipinas. Gusto ko ring masiguro na maasikaso na ang pag-monitor sa mga taong nasa likod ng pamamaril sa Daddy ko. Sa dami ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nakaupo na pala si Cassian sa tabi ko at nakatitig sa akin. “What are you thinking, sweetpea? Mukhang malalim ang iniisip mo,” tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo. “Actually, sobrang dami,” sagot ko, sabay buntong-hininga. “Hindi ko alam kung saan magsisimula.” Hinawakan niya ang aking kamay at marahang pinisil. “Baby, you don’t need to handle it all

